Bumalik na kami sa villa kahit ayaw pa namin kasi gabi na. Kay Ethan na ako sumabay pabalik, iniwan kasi ako ni Chase. Hindi niya siguro ako makita kanina kaya nauna na siya. Room mate kami ni Ethan, wala namang problema yun kasi nakasama ko naman na siya dati sa isang kwarto and I must say na no harm siya, ako pa yata ang harmful. Kinalkal ko ang bag ko para maghanap ng pantulog kaso mukhang kulang yung nadala ko. Bakit ba minamalas ako ngayon? Tinignan ko si Ethan na nakahiga sa kama habang nakatingin sakin at naka-kunot ang noo. "Labas lang ako. Manghihiram ako ng pantulog sa kanila." "Di na, eto na." May binato siya saking malaking plain white t-shirt. "Anong gagawin ko dito?" "Ano pa sa tingin mo?" "Susuotin ko?" "Alam mo naman pala eh." Umirap nalang ako at padabo

