-Jaime Ramos' Point of View- Nagising ako ng maaga, hindi ko alam kung bakit. Lumabas muna ako sa villa para maglakad-lakad. Di pa naman kasi mainit. Maganda dito sa villa nila Luke. Malaki tsaka maganda yung view, tanaw yung Taal Volcano kaya masarap ang simoy ng hangin. "AHHHHHHHHHH!" Nagunat unat ako "Ba't ang aga mo ata?" Si Dylan "Nagising ako ng maaga e. Ikaw? Ba't ang aga mo?" "Trip ko lang." Tapos nag-peace sign siya, "Gusto mo mag lakad lakad muna tayo?" Pagyayaya sakin ni Dylan "Sige, ok lang." Tapos habang naglalakad kami, nagkwe-kwento siya tungkol sa kanilang magbabarkada. Bata palang pala sila, magkakasama na sila. Kinwento niya din kung bakit ganun ka-sungit si Ethan. Ang dami kong nalaman. Ang saya kasama ni Dylan, napaka-komportable niya kasama. Siya yata yu

