Chapter 3- Ask

1668 Words
-Elle Gomez’s Point of View- “Buti nalang, hindi natin classmates yung mga mokong na ‘yun ‘no?” Naglalakad kami sa corridor ng F5 with hangin and glitter effects. Pagdating ko sa parking lot kanina, ang ganda sa mata ng nakita ko. Nadatnan ko ang parking space ko nang peaceful. “Ang gwa-gwapo nga nila e. New students lang sila diba? Ngayon ko lang sila nakita eh.” New students nga. “New students lang sila pero sikat na sikat na sila agad. Ang lakas ng charisma nila sa girls.” “Ang gwa-gwapo nga, ang yayabang naman pero siyempre, except si Chase. Ang bait bait niya eh.” Singit ko “Elle, please? Sumasakit na yung eardrums ko kaka-Chase mo diyan. Puro nalang Chase ang sinasabi mo sa loob ng isang linggo. Paawat ka naman.” Napa-pout nalang ako sa saway sakin ni Michelle. Eh kasi naman, bakit hindi ko pa siya nakikita ulit? Kala ko ba small world lang? E bakit parang ang laki laki? Pagpasok namin ng classroom, umupo na agad kami sa likod since wala pa namang seating arrangement kasi may mga new classmates daw kaming absent. Grabe ha, pwede na silang bigyan ng tardyness award. 1st week of classes, absent sila? Saludo ako. Pati paa ko, saludo nadin. Mga ilang minutes lang, dumating nadin ang adviser namin at umupo na siya sa mahiwaga niyang trono. “Students, calm down.” Nagsi-upuan na yung mga classmates naming mga supervisor na kung saan saang parte ng classroom pumupunta. “Your new classmates will attend their class after recess. I’ll be back later to arrange your seats. Good day and see you guys later” Lumabas na yung teacher namin at nagsimula nanaman ang chaos sa room. Nagkatinginan kaming F5. Sino kaya yung new students na yun? Absent yung second subject teacher namin kaya wala kaming ginawa kundi magchikahan lang ng kung ano ano. Narinig ko dun sa mga classmates naming babae, may mga nakita daw silang mga guwapo na nakatambay sa may pavillion. Naputol ang pakikinig ko sa kanila nang dumating yung Math teacher namin. Headbang mode nanaman ako nito.  “To check palitan niyo yung variable x ng 2. 0 din magiging sagot. (32-32)/(2-2)=0.” Blah blah blah. Napapa-nganga nalang ako sa mga nakikita kong numbers sa whiteboard. Wala akong maintindihan. Clueless. Pakiramdam ko may mga lumilipad na question marks sa taas ng ulo ko. Paikot-ikot pa sila. “Isang tupa. Dalawang tupa. Tatlong tupa. Apat na tupa. Limang Tupa.” At least math padin yung ginagawa ko habang math subject, hindi nga lang ganun kahirap tulad nung pinapaliwanag nung teacher. Nag-ring na yung bell! Yes! Takas narin ako sa nakaka-antok na subject. Pumunta na kaming F5 sa canteen at siyempre dahil priority kami dito sa school ay may reserved table para saming lima. Umupo kami dun at agad akong umubob sa lamesa, antok na antok talaga ako at ang sakit ng ulo ko dahil sa mga numerong nakita ko kanina. Allergic ako sa mga numbers e. “Anong nangyari sayo?” Snob. “Meron ka ba?” Snob. “Buntis ka? Sino ang ama?” Snob. “Ohmygash! Silence means yes! Ibig sabihin, buntis si Elle! Waaaa!” Niyugyog-yugyog ako ni Jaime. Inangat ko yung ulo ko at tinignan siya ng masama. Sisipain ko ‘to papuntang Mars e. “Walang nangyari sakin. Wala ako ngayon at lalo lalong hindi ako buntis! Sipain ko kaya kayo papuntang Mars?!” Inubob ko ulit yung ulo ko habang sila tawa ng tawa sa naging reaction ko. Isang ingay nalang talaga, maninipa na ako papuntang Mars. KAHIT SINO PA YAN. After a moment of silence. “KYAAAAAAH!” “ANG GWAPO NILA!” “SAKIN KA NALANG!” “NAKITA MO YUN? TUMINGIN SIYA SAKIN!” “SALUHIN MO’KO! SALUHIN MO’KO! MAHIHIMATAY YATA AKO” Argh! Anak ng kulay pink na tipaklong naman oh! Ang iingay naman! Sigaw ng sigaw yung mga babae dito. E kung sipain ko kaya sila isa isa papuntang Mars. Nakaka-init ng ulo. Lalong nagbabadya ang pagtulo ng dugo sa ilong ko e! Inangat ko ang aking ulo na magkadikit na agad ang mga kilay ko. Tatayo na sana ako para puntahan yung mga babaeng nagsisi-tilian nang makita ko yung grupo nila Chase. Yung anim na mga lalaking kinabadtripan ko last week. WHAT? NO! Papalapit sila dito sa table namin. Anong trip nanaman bang gagawin nitong mga ‘to. Manira ng araw? Bumadtrip ng tao? Masakit ang ulo ko ngayon, ‘wag naman sana. Mas gusto ko pang magbilang ng tupa kesa makipag-away sa lider-lideran nilang mayabang. Nang makalapit na sila, inirapan ko agad si Ethan. Tinuro ni Chase yung upuan na pinag-lalagyan ng bag ko, “Can I sit here?” “Sure.” Inilipat ko sa kabilang upuan yung bag ko para maka-upo siya “Hoy, alisin mo nga yan. Uupo ako.” Napatingin ako sa kabilang side ko. May halimaw kasing nagsasalita. Tinignan ko siya ng masama. Yung tingin na puwede nang makapatay ng tao “Nakita mo ba ang naka-lagay sa table na’to? RESERVED FOR F5 ONLY.” Talagang diniinan ko yung pagka-sabi ng only. Pinisil-pisil niya yung bridge ng ilong niya na para bang nagti-timpi ng galit. Hindi talaga maka-intindi ‘to ng no invasion of privacy tsaka no trespassing! Laging pinipilit yung sarili niya sa hindi naman kaniya. “Sabi nang alisin mo e.” Utos niya pa ulit. “Ikaw ang umalis kung gusto mo. Basta, hindi aalis ang bag ko diyan.” “Mas mahalaga pa ba yang bag mo kesa sakin?” “Kelan ka ba naging mahalaga? Ha? Hernandez?” Napa-aw yung barkada niya. Inirapan ko lang siya kaya wala na siyang nagawa kundi tumayo nalang dun sa side ng table habang pinagpapantasyahan ng mga babaeng naglalaway sa kanila. Sana sunggaban ka diyan. “Elle?” Tumingin ako kay Chase na kung maka-ngiti ay wagas “Hmm?”  Grabe, ang guwapo talaga. Mukhang anghel. Samantalang yung nasa kabilang side ko, guwapo nga, asal halimaw naman. “Kumain ka na ba?” Umiling ako. “Eto? Gusto mo?” May bigla siyang nilabas na isang box na may lamang cupcakes. Wow! Mukhang masasarap ang mga ‘to, iba’t ibang colors pa. Parang may rainbow sa loob ng box. “Ano yan?” Tanong ko, “Alam kong cupcakes yan! ‘Wag kang tumawa! Pero para san yan?” Hindi naman ako sa maldita or something. Baka mamaya pinapa-food taste niya lang pala yan, o kaya naman baka pinapakita niya lang, o kaya pinapa-takam niya lang ako. Nako! “Buksan mo yung box.” Inilapit niya lalo sakin yung box at tinignan ko ito “Baka may bomba dito ah.” Tumawa silang lahat. Aba, napapansin ko lang. Parami na kami ng parami ah. Parang kanina lang, lima lang kami tapos ngayon labing isa na kami. “Wag kang mag-alala, ‘di ko gagawin yun. Gagawin pa kitang girlfriend ko eh.” Eh? Natigilan ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay mukha na akong kamatis sa sobrang pagkapula ng mukha ko. Binuksan ko nalang yung box nang hindi tumitingin sa kaniya. Nahihiya ako e. Enebe. Pagbukas ko, may mga nakasulat sa cupcakes na “CAN I COURT YOU?” Napaubo ako. Nasamid yata ako sa nabasa ko. Uyyy, kinikilig ako. First time kong makatanggap ng ganito. “Ano? Papayagan mo ba ako? Hindi libre yang cupcakes na ‘yan. Kailangan ko pang i-kiss sa pisnge yung mga nasa baking room na gumawa niyan!” Napakamot siya sa batok habang medyo namumula. “Tss. Parang bakla naman ‘to.” May nagco-comment na halimaw. “Ano, Elle? Sige, hindi naman kita minamadali.” Sabi ni Chase Sinipa ako ni Kimberly sa ilalim ng table at pinanlakihan niya ako ng mata. Nginuso-nguso niya pa si Chase. “Oh sige na. Sige na. You can court me.” “Time’s up. Ako naman. Hoy, Elle.” Lumingon ako sa side ni Ethan na mukhang bored na bored. Humikab pa siya. “Ano? Maka-hoy naman ‘to. Close tayo?” Nag-pout ako. Nakakainis naman kasi ang ugali nito. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan niya hinuhugot ang kasungitan niya. “’Wag kang puma-pout pout diyan. Hindi ka cute.” “For your information, hindi ako nagpapa-cute sayo. Fil-am ka ah!” “Wala naman akong sinasabi na nagpa-pacute ka sakin. Ikaw lang ang nagsabi niyan. Sayo na mismo nanggaling ha?” Nag-smirk siya Talaga mukhang proud na proud siya sa sinabi ko. Umiral nanaman ang katangahan ko. THIS IS A HUGE MISUNDERSTANDING! “Feeling mo naman, nagpa-pacute ako sayo? Hindi ka deserving sa pagpapa-cute ko!” “Bakit? Feeling mo ba feeling ko na nagpapa-cute ka sakin? Tsss.” “Umalis ka nga dito sa harapan ko kundi baka ma-itusok ko sa’yo ‘tong tinidor na hawak-hawak ko.” Sigaw ko Hinigpitan ko ang pagkaka-hawak sa tinidor at itinaas ito. Nangigilaiti na ako sa inis dito sa Ethan na’to. Kapag andito siya, lagi nalang nasisira yung araw ko. “Woah woah! Wag ganyan. Ibang usapan na yan. Sayang kagwapuhan ko. Maraming iiyak kapag ginawa mo yan.” Kinuha niya yung bag ko at itinakip sa mukha niya. Ang kapal talaga ng feshlak nito. Masyadong mataas ang self esteem. “LUMAYAS KA SABI SA HARAPAN KO EH!” Tumayo na ako para itinapat sa kanya yung tinidor pero hinawakan niya ako sa balikat ko at sapilitan akong inupo, nagmatigas ako at tinignan siya ng masama pero dahil lalaki siya at mas malakas ang human powers niya kesa sakin, in the end ay napa-upo din ako “Mananahimik na ako. Umupo ka lang diyan. Tsk” Hinilot hilot ko yung ulo ko. Nakaka-stress talaga ‘tong lalaking ‘to. Napapikit nalang ako. Maiiyak na yata ako sa inis at sa pagti-timpi na makasakit ng human race. ARGH! “Hoy babae!” Tinignan ko siya ng masama. Magsisimula nanaman ata siya sa pangiinis niya. “Ano nanaman?!” “Liligawan kita. Wag ka nang umangal. Wag ka nangg choosy. Maging thankful ka nalang sa mga blessings na dumadating sayo.” Napa-ngiwi nalang ako Nagwalk-out nalang siya bigla at naiwan akong gulat. Ayaw na yata mag-function ng utak ko. Nagka-virus na yata. Yung mga kaibigan niya, nagsisikuhan at halatang mga nagpipigil ng tawa. Tuwang tuwa sa mga narinig nila. May mga popcorn pang kinakain. Aba, san nila galing yun? Lumingon ulit siya sa table namin, “Ano pang hinihintay niyo diyan? Tara na!” “See you later.” Bulong sakin ni Chase at tumakbo para makahabol kila Ethan See you later? Bakit kami magkikita mamaya? Paano kami magkikita mamaya? Teka, magkikita kami mamaya?! Ohmaygash! Maloloka yata ako sa mga nangyayari. Ayaw mag-sink in lahat sa utak ko. “Gusto mo ng sampal para malaman mo kung nananaginip ka o hindi?” Sabi ni Rachel Naka-ready na yung kamay niya. Napa-kurap ako at napag-tanto na gising pala talaga ako nung nakita ko yung kamay niyang flat na flat. “Ah hindi. Gising na gising ako oh. Hehehe! Tara na nga, mala-late na tayo.”  AHHHH! Nakakaloka! Kumuha ako ng isang cupcake at kinain ito. Nakakagutom din ah. Infairness, masarap ang cupcakes na’to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD