Chapter 4- Seatmates

1184 Words
"Sa tingin ko, kilala niyo na sila. Especially, yung mga girls.Pumasok na kayo. Introduce yourselves to your classmates"Inayos nung adviser namin yung eyeglasses niya at tumingin sa may gawi ng pintuan Nagkatinginan kami ng F5. I know, they are also thinking what I'm thinking. Waaaa! Dapat pala prepared ako dito. Bukas na bukas, magdadala ako ng bomba, riffle, tangke tapos magsusuot nadin ako ng bakal na armor para ready sa war. "WAAAAAAH! SILA NGA!" "ANG SWERTE NATIN! CLASSMATES NATIN SILA!" "ANG GWAPO! ANG GWAPO! OH MY GOSH! OH MY GOSH!" "PENGENG TUBIG, PLEASE! HIHIMATAYIN NA ATA AKO." Ang angas ng pagpasok nung anim. Parang meron silang background music na pang fashion show. "Luke Gonzales" "Dylan Castro" "Kevin Rodriguez" "Xavier Martinez." "Chase Lopez" Lahat sila nagpakilala sa harap, smiling all the way except kay Ethan na umupo na agad sa vacant seat. As usual, walang emotion yung mukha niya. Sabagay, hindi naman na niya kailangan magpakilala kasi kilalang-kilala na siya. "Ngayong kumpleto na kayo, let's start arranging your permanent seats and that will be your permanent seat for the whole year. " Anak ng pink na tipaklong. Wag naman sana mangyari yung iniisip ko.Unang tinawag ni ma'am yung mga kaklase namin. Wala pang natatawag sa aming 11. Wow naman naks, parang may bagong friendships kami kung maka-sabi naman ako ng 'sa aming 11'. "Lopez, sit there." "Gomez, sit beside Lopez." "Ok po, Ma'am." "And... Hernandez, sit beside Gomez." ALERT! ALERT! EWOOONG EWOOONG! EVACUATE AS SOON AS POSSIBLE, MERONG MASUNGIT NA NILALANG AKONG KATABI! Sinampal, kinurot at sinabunutan ko na ang sarili ko sa isipan. Nakakaloka! Baka magkapatayan kami dito nang wala sa oras. Huhuhu! Pero hindi ko talaga kaya ang makatabi silang dalawa. Hindi. Hindi ko kaya. "HINDI!" Napasigaw ako ng hindi ko namamalayan sa sobrang pagi-isip. Napatingin sakin yung mga classmates ko at sabay sabay nagtawanan. "Any problem, Gomez?" Umiling lang ako at yumuko. "Ayaw mo ba akong makatabi?" Umupo si Ethan sa tabi ko. Halatang nagpipigil ng tawa 'tong masungit na'to. "Tinatanong pa ba yan? Siyempre, ayaw kitang makatabi." Buti nalang magkakalapit lang kaming F5 ng upuan. Pati yung mga ka-tropa ni Chase at Ethan, malapit lang din sa amin. Sa second row, sa harapan namin. Andun sila Kevin, Kimberly, Xavier at Michelle. Kami naman yung nasa third row tapos sa fourth row naman ay sila Dylan, Jaime, Luke at Rachel. "Get a one fourth sheet of paper and write your name on it" Kinalkal ko yung bag ko kaso ang laman lang nito wallet, cellphone, iPad at car keys. Huhuhu! "Kim, may one fourth ka?" Biglang may lumagapak na mga kamay sa desk ko. Pagkatingin ko, si Chase at Ethan, "Ayan." Sabay na sabay pa silang nagbaksak ng one fourth. Wala man lang lumamang kahit .99 seconds! "Thank you."Smiling all the way na sabi ko kay Chase "Salamat." Walang gana kong sinabi kay Ethan. Kinalikot ko ulit yung bag ko. Pag may papel, kailangan, may ballpen din! Napakamot ako sa ulo ko dahil alam ko namang kahit anong kalikot ko ay wala akong makukuhang ballpen dito. "Jaime, may ballpen ka? Hehehe! Sorry, bibilin ko na yung buong bookstore bukas. Promise! Kumpleto na ako sa school supplies bukas. Pahiramin mo la---" Hindi ko natapos yung sinasabi ko dahil may nagsalitang masungit sa gilid ko. "Naga-aral ka ba talaga? Tsk!" May kinuha siya sa bag niya "Meron akong ballpen. Anong gusto mong kulay? Black o blue?" Sabi ni Chase. Kukunin ko na sana yung black kaso umepsi nanaman yung isa. "Meron din akong extra ballpen. Merong pink, blue, green, yellow, orange, silver, gold, black, red at brown." Natigilan ako sa nakitang kong mga ballpen na nakalatag sa desk ko. "Yung totoo? Umamin ka. Bakla ka no?! Bakit may glitters pa 'tong mga ballpen mo?with scent pa." "Wag kang mangielam. Psh!" Hangga't kaya ko pang pigilan yung tawa ko, pipigilan ko. Baka lumala pa ang init ng ulo sakin neto. Hahaha! Laughtrip naman yung mga ballpen niyang may glitters with scent. "Hoy, anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" "Bakit? Masama? Kontrolado mo panga ko? Pero.. Bakit nga ganun mga ballpen mo? Sabihin mo na, hindi ko ipagkakalat. Cross my heart. Hope to die." "Bakit ba ang kulit mo?" "Bakit ba ganun yung ballpen mo?" "Tssss." Tumahimik nalang siya tapos maya maya, biglang bumubulong-bulong. "Ngiti naman ng ngiti 'tong skandalosa na'to. Naiinggit lang sa mga ballpen ko." Hahaha! Laughtrip talaga! Parang bata. Hindi ko inaakalang may hidden talent pala si Ethan para magpatawa. The best! "Ay nagkamali ako! Ikaw kasi e, the best yung mga ballpen mo." Asar ko kay Ethan. Tinignan niya lang ako ng masama at inusog yung upuan niya palayo sakin. "Rachel, may correction tape ka?" "Ako pa tinanong mo ah?" Tumawa siya. Malamang, wala ding mga gamit yan. Karamay ko sa hingi hingi gang e. "Mich! May correction ka?" "Meron akong liquid eraser." Inabot sakin ni Ethan yung kanya "Ayoko niyan. Papatuyuin pa." "Edi wag." "Meron akong correction tape." Lumingon ako kay Chase at nakita ko ang napaka-ganda niyang correction tape na may design na panda. Hahahaha! Ok na sana 'tong mga 'to e. Ang gwa-gwapo, pang model ang katawan, ang tatangkad, mayayaman tapos biglang yung mga gamit nila ganun? Konting konti nalang, paghihinalaan ko na ang gender nila. "S-s-salamat" Pinipigilan ko yung tawa ko kasi mabait sakin si Chase. Habang nagsusulat ako, naalala ko yung mga supplies nilang dalawa. Yung isa, may glitter pen with scent. Yung isa naman, panda yung design ng correction tape. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko kakatawa. Mababaliw na ata ako kapag pinigilan ko pa. Kanina ko pa sila pinagtatawanan sa isip ko. "Hoy, babaeng skandalosa." Sabi ni Ethan Lumingon-lingon ako sa paligid ko para tignan kung may iba pa ba siyang tinatawag kaso wala. Sakin lang siya nakatingin. So ibig sabihin, ako talaga yun. Huhuhu! "Ikaw yung tinatawag ko. Wag ka nang lumingon lingon pa diyan." "Gusto mo ba ma-sipa papuntang Mars? Anong skandalosa ka diyan." "Date tayo bukas. Wag ka nang umangal. Susunduin kita sa inyo. 7pm sharp" "Sapilitan? Parang kidn*pped na nagpaalam lang ah?" "Tsss. Bahala ka. Kung ayaw mo, edi 'wag." Huh! Talaga! "Elle." Tawag sakin ni Chase kaya lumingon ako sa kanya "Bakit?" "Free ka ba bukas? I mean, may jamming kasi kami bukas sa isang bar baka gusto mo manood." "Sure. What time?" "Around 7 PM" "Pwede ko ba sila isama?"Tinuro ko yung F5, ang awkward naman kasi kung ako lang magisa dun. "Oo naman. The more, the merrier!" Ayan nanaman ang full set of sparkling white teeth niya. Nakakasilaw! Waaaah! Pwede na ata akong magsalamin sa ngipin niya sa sobrang puti e. Bigla akong napalingon kay Ethan na parang binabalutan ng maitim na aura. Nakakatakot! "Hoy! Ms. Skandalosa! Ako, nung niyaya kita, ayaw mo tapos nung niyaya ka ni Chase, pa-cute ka ng pa-cute diyan." "Eh bakit ba? Kung makayaya ka naman kasi diyan napaka-demanding. Ikaw na nga lang humihingi ng permission, ikaw pa pa-boss diyan." "Alam mo bang ang daming babae na naghahangad na yayain ko sila mag-date tapos ikaw aayaw-ayaw ka diyan?!" "Who you ba? Kaya wag kang magmalaki sakin!" "May karapatan akong magmalaki dahil may ipagmamalaki ako. Madaming nagkakagusto sakin at gustong gusto ako makasama sa isang date" "Pwes, wag mo akong isama sa mga babaeng gusto kang makasama!" "Aw. Nahanap mo na talaga katapat mo, bro." Tinapik ni Xavier yung balikat ni Ethan at iniwas lang nito ang balikat niya "Tumahimik ka diyan, Xavier." "Tss. Just make a schedule." Bigla akong napatingin sa kanya habang siya, chill na chill sa pagkaka-upo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD