Chapter 2 - Ang Pagtatagpo ng Queen at King

1401 Words
“Good morning, mga bes! Kumusta kayo?” masiglang bati ni Evelyn sa mga kasama niya. Alam niya naman na pinaplastik siya ng mga ito pero wala siyang pakialam. Ayaw sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho dahil nga sa matabil niyang dila. Pero keber niya. Masaya siya sa buhay. Mga nakangiti nang peke itong bumati sa kanya. “Good morning din, Evs. Mukhang maganda umaga mo, ah?” tanong ni Rebecca Villanueva. Ito lang ang kasundo niya. Opposite silang dalawa nito pero mag-best friend sila. Lima silang nasa HR at may kanya-kanyang nakatokang trabaho. Ang hotel na kanilang pinagtatrabahuhan ay isang five-star hotel. Malaking magpasuweldo at maraming benefits. Batayan kung bakit tumagal si Evelyn sa trabaho. Kahit na ba hate siya ng mga kasamahan maliban kay Rebecca. Wala na siyang magagawa roon. Sadyang hindi lang nila gusto ang taste ng dalaga. Kaya hindi nakakaligtas ang mga kasamahan niya sa bawat tsismis niya. Mahilig siyang gumanti sa pamamagitan ng pagkukuwento ng buhay ng iba. “Lagi namang maganda ang araw ko, beshy. Masanay ka na. Pero alam mo, may tsismis ako. Kilala mo ’yung janitor natin? Naku, mukhang type ang Exec. Sec. natin. Nakita ko kasi sila sa may parking lot, naghahalikan. Grabe, besh, ang hot pala ng janitor natin, ’no?” tila excited niya pang kuwento sa kaibigan. “Parking lot? Paano ka napunta roon? Hindi ba sa main entrance ka dumadaan? Ano’ng ginagawa mo roon?” nagtatakang turan ni Rebecca. “Ayun na nga, beshy. ’Yung sinakyan kong taxi, pumasok sa parking nitong hotel. Akala niya siguro, sa basement ako dumaraan. Sa inis ko, bumaba na lang din ako roon. Ayoko nang makipagtalo kay manong driver total may daan naman mula roon papunta rito. So, hayun, nakita ko si secretary at ’yung hot janitor, may live kissing scene,” natatawa pang turan ni Evelyn. Nakikinig naman ang tatlo pa nilang mga kasama. “Ikaw talaga, beshy. Next time, huwag kang laging nakikiusyoso sa iba. Mapapahamak ka talaga riyan sa ginagawa mo. Hindi na rin ako magtataka pa kung isang araw, may manakit bigla sa iyo. At saka, kaya walang may gustong manligaw sa iyo rito sa hotel dahil d’yan sa bibig mong parang armalite kung magbalita ng tsismis. At worst pa, mamaya makarating sa masungit nating executive secretary na ipinamamalita mo ang nakita mo kanina. Baka bigla kang isumbong sa boss natin at mawawalan ka talaga ng trabaho,” concerned na paalala ng kanyang kaibigan. Madalas siyang paalalahanan nito dahil wala nga siyang ibang bukambibig kundi buhay ng ibang tao. Magaling siya sa trabaho, efficient kumbaga. Magaling din ang bibig niya sa pamamalita ng kung ano-ano. “Hindi naman siguro. At saka, hindi ko naman siya inaano, ah. Buti nga, hindi ko sila sinita, eh. Nakita ko lang at naikuwento sa iyo. Sige, minsan pipigilan ko na ang bibig kong magsalita,” sagot niya kay Rebecca. Bumaling naman siya sa tatlo pa nilang kasamahan sa opisina. “Uy, mga bes! Huwag n’yo na lang intindihin ang kinukuwento ko, ah. Kapag ’yon, nakarating kay secretary, gagawin kong headline ang buhay ninyo,” may pagbabanta niyang turan sa tatlo. “Hindi naman kami katulad mong tsismosa, Evelyn, kaya huwag mo kaming itulad sa iyo. Trabaho ang pakay namin dito, hindi buhay ng iba,” mataray na wika ni Sasha, isa sa kasamahan niya sa HR. Ito ang madalas na interviewer ng mga applicant kapag may hiring sila. Siya kasi ang nakatoka sa pag-file ng benefits at kung ano pang paperworks regarding sa mga empleyado ng hotel. “Weh? Kunwari ka rin, Sash, eh. O, sige na nga. I trust you guys na hindi makakalabas ang sinabi ko. Atin-atin lang,” Takot din siyang mawala ng trabaho, kaya lang ay hindi niya talaga mapigilan minsan ang bibig niya oras na bumuka iyon. Mataray pa naman ang secretary ng boss nila. Takot niya lang rito. Lumipas ang maghapon niya sa trabaho, pagod man pero masaya siya dahil day off niya kinabukasan. Balak niyang ipasyal ang kapatid. Wala rin namang pasok ito kinabukasan dahil Sabado. Bonding time nilang mag-sister. “Bye, mga bes! See you on Monday!” paalam niya sa mga katrabaho niya at nilisan na niya ang opisina. Masaya siya habang naglalakad sa tabi ng kalsada dahil medyo malayo pa ang sakayan ng jeep pauwi sa bahay nila. Taxi sa umaga ang sinasakyan niya patungong Alabang. Ayaw niyang naiipit nang husto sa traffic. Kahit mahal, okay lang sa kanya. Pero kapag nagtitipid siya, nagtitiis siya sa jeep at tricycle tuwing papasok. Kapag araw ng sahod ay medyo galante siya nang kaunti sa sarili. Katwiran niya, minsan lang naman iyon. May-kadiliman na ang paligid dahil alas-sais na rin naman ng gabi. Habang tahimik niyang binabaybay ang tabing kalsada ay bigla na lamang siyang nagulat nang may malakas na puwersa ang tumulak sa kanya. “Tangina!” sigaw niya nang bigla na lamang siyang mapadpad sa gitna ng kalsada. Sa pagkabigla niya, hindi siya nakagalaw at nanatiling nakatayo sa gitna. Nakatakip ang mga braso niya sa mukha dahil nakabubulag ang ilaw na nakatutok sa kanya galing sa rumaragasang sasakyan. Mabilis itong prumeno at halos ilang pulgada na lamang ang pagitan ng hood ng sasakyan at binti ng dalaga. Bumusina nang malakas ang kotse dahilan para magulat siya at magising sa pagkabigla. Tila nawala siya sa sarili dahil sa biglaang pangyayari. Madilim ang paligid kaya hindi niya malaman kung sino ang bigla na lamang tumulak sa kanya. Naiiyak siya sa takot dahil muntik na siyang masagasaan. Mabuti na lang at mabilis na huminto ang sasakyan. Bumaba ang driver ng kotse na muntik nang sumagasa sa kanya. Ganoon na lamang ang takot niya nang sigawan siya nito. Baritono ang boses at tila galit na galit ito sa kanya. Binalingan niya ito ng tingin at ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang ubod ng gandang lalaki ito. Natulala siya sa kaguwapuhan nito at hindi niya na naririnig pa ang mga sinasabi ng lalaki. Tila na-hypnotize siya sa pagtitig dito. “Miss! Miss, are you okay? Damn it! Hey, talk to me, idiot! Bakit ka nasa gitna ng kalsada, huh? Magpapakamatay ka ba, huh!” malakas na boses na wika nito kay Evelyn. Tila noon lang bumalik ang sarili niya sa realidad nang marinig niya ang paglakas ng boses nito. “H-hindi ako magpapakamatay. M-may b-bigla kasing tumulak sa akin. H-hindi ko kilala kung sino iyon. P-pasensiya na,” nauutal niyang paliwanag rito. Tila ang pagiging mataray at palamura niyang bibig ay naglaho dahil sa pagkabigla. Wala naman kasi siyang ideya kung sino ang tumulak sa kanya at bigla na lamang siyang nawala sa sarili sa sobrang gulat. Mabuti na lamang at alerto ang guwapong driver ng kotse, hindi siya nito sinagasaan. “Salamat, Lord,” bulong niya sa sarili habang kinakapa ang katawan kung may galos ba siya o wala. Kahit hindi naman talaga siya nagalusan. Overacting lang, may guwapo kasi sa harap niya. “Tsk, idiot!” wika ng lalaki. Aalis na sana ito pero pinigilan niya. “T-teka, s-salamat at hindi mo ako tinuluyang sagasaan. P-pero puwede bang makisakay sa ’yo kahit hanggang terminal lang ng jeep? B-baka kasi may bigla na namang tumulak sa akin at hindi na ako makaligtas kapag nagkataon,” pakiusap niya rito. Hindi man niya kilala pero naglakas-loob na lamang siyang makisakay kung papayag ito. Bigla siyang natakot na baka mas malala pa roon ang mangyayari sa kanya kapag hindi siya sumama sa guwapong estranghero sa harap niya. “Sana pumayag ka, please,” piping dasal niya habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo o sinusuri ang kagandahan niya. Maganda naman siya, hindi nga lang gustuhin ng kung sinong lalaki dahil sa bibig niya. “Guwapo mo naman, Kuya. Buti na lang guwapo ang muntik nang bumangga sa akin. Double blessing,” anang malanding utak niya kahit na kinakabahan pa rin dahil sa nangyari. “Okay, but in one condition,” saad ng lalaki sa kanya. “K-kondisyon? A-ano ’yon?” Biglang takip niya sa sarili gamit ang mga kamay niya. “Naku, manyakis pa yata ang taong ito. Na-scam ako sa kaguwapuhan. Nakakagago lang. Ang tanga mo, self!” galit na wika niya sa sarili. Tila roon lamang bumalik ang katinuan niya at namumura na niya ang kanyang sarili. “Pretend to be my girlfriend,” sambit nito na nagpabingi sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD