Hindi naman mapakali ang binatang naka-engkuwentro ni Evelyn, si Andrew de Leon.
Nanlalaki naman ang mga mata ng babae dahil sa gulat matapos ang sinabi niya. He knew what she was thinking. Siyempre, ngayon lang sila nagkakilala pero agad niya itong inalok na maging kasintahan. Sino ang hindi magugulat at magtataka?
Inunahan niya na itong magsalita at baka kung ano pa ang maisip nito.
“Look, I am looking for a woman who can pretend to be my girlfriend in exchange for a generous amount of money. I just need it as soon as possible. I will not force you if you don’t want to. I’m just trying my luck.”
“Eh, gago ka pala! Hindi nga kita kilala tapos bibigyan mo ako ng ganyang kondisyon? Sira ka ba, huh? Hindi ako easy to get, tangina mo!” galit na turan ng babae sa kanya.
He left with no choice kaya aalis na sana siya pero muli siya nitong pinigilan.
“Ito naman, umaakting lang ako. Kung pasok ba sa criteria mo, eh. Kaya lang h-hindi kita kilala? B-baka mamaya, isa ka palang killer at bigla mo na lang akong patayin?”
“Do I look like one? Kung killer ako, eh ’di sana, tinuluyan kitang sagasaan? Hindi naman, ’di ba?”
Napaisip naman ang dalaga. “Sa bagay,” wala sa loob nitong sambit.
“So?”
“M-magkano ang offer mo?” tanong ng dalaga. “Sayang din ’yon. Pera na, huwag niya nang gawin bato pa,” anito sa isip.
“Name your price, then.”
Namilog ang mata ng dalaga sa sinabi nito.
“Presyo? Presyuhan niya sarili niya? Hayop naman sa walastik, o! Magkano ba ako?” pagkausap ng dalaga sa sarili habang nag-iisip kung magkano ba ang presyo ng service niya to pretend as a girlfriend ng guwapong nilalang na ito.
Sa huli ay wala siyang maisip na number for a price.
“H-hindi ko alam, eh. A-above minimum wage siguro?” Hindi siya sure sa sagot niya.
Natawa naman ang binata dahil sa sagot nito.
“Tsk, idiot. How about three hundred thousand, deal?” alok ng binata rito.
Tila lumayas ang kaluluwa ng dalaga dahil sa narinig na presyo. Pero bumalik din nang pitikin siya sa noo ng binata.
“Stop acting like a fool. It’s just money. So it means we have a deal. Okay? Let’s go. Kanina pa tayo binubusinahan ng mga sasakyan. Akala yata, may shooting tayong dalawa rito.” Hinila na agad ito ng binata pasakay sa kotse nito at hindi na nakasagot pa ang dalaga.
“S-saan mo ako da-dadalhin? K-kailangan ko nang umuwi sa bahay, baka nag-aalala na ang kapatid ko,” kinakabahan at nauutal na wika ng dalaga.
“Sabi mo, ihatid kita? So, ihahatid kita. Saan ba ang bahay ninyo? Para bukas, masundo kita at magsimula ka na sa naging deal natin. Wala nang atrasan. Hindi ka umangal kanina, so it means, sealed na ang deal natin. By the way, I’m Andrew de Leon, and you are?”
“E-Evelyn Samonte, at your service, sir,” wala sa loob na sagot ng dalaga.
Napangiti siya sa narinig. Ngiting tagumpay.
He wanted a woman who can destroy his ex-girlfriend’s life—the woman who destroyed him as a man, too. He couldn’t forget what he had witnessed a few months ago. His ex-girlfriend was having s*x with someone else. He knew that his ex was hypersexual, but he didn’t expect na maghahanap pa ito ng iba kung naibibigay niya naman dito ang gusto nito. Hindi niya matanggap na tinapakan nito ang p*********i niya.
He couldn’t wait to ravish this woman. Isa ito sa mga avid hooker niya since he became a casanova king. Tapos ngayon, hahabol ito sa kanya at gusto ay pakasalan niya. Over his dead, gorgeous body. One more thing, nalaman niya rin na anak ito ng drug lord at balak siyang gamitin para sa ilegal na negosyo nito.
No one can use him! Kahit sabihin nilang dangerous man ang ama ng ex niya, he’s dangerous, too. But he didn’t want to inform anyone about that.
One of the perks of being a billionaire in town, marami siyang koneksyon para pabagsakin ang mag-ama, pero hindi niya gagawin iyon unless unahan siya ng mga ito.
Biglang may tumawag sa kanya kanina habang papunta siya sa Alabang where the hotel was located.
May sumusunod daw sa kanya kaya pinag-iingat siya.
Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang ex-girlfriend niya.
Ever since naghiwalay sila nito ay madalas nang may sumusunod sa kanya. Mabilis siyang magpatakbo ng kotse para iligaw ang mga ito. Good thing he always uses his favorite sports car. Easy for him to lose his enemies.
Pero kamalasan dahil hindi niya napansin na bigla na lamang may babaeng napadpad sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang at natapakan agad niya ang preno, enough not to hurt the woman in the middle of the road.
Blessing in disguise dahil pakiramdam niya ay ang nahanap na niya ang sagot sa kanyang problema.
Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Maganda at seksi. Suited sa taste niya. Sakto itong magpanggap na kasintahan niya.
Bigla naman siyang napaisip at natawa sa sarili dahil tinakpan nito ng mga braso ang sariling katawan na tila ba may binabalak siyang masama rito.
“Tsk, women,” bulong niya sa sarili.