Chapter 4 Call boy ka ba

2404 Words
Kabado man sa pagsama sa lalaking ngayon lamang nakilala ng dalaga pero wala siyang choice. Mahirap na ang mag-isa sa kalsada baka mas lalo pa siyang mapahamak katulad na lamang sa muntik niya nang pagkasagasa. Nakatakip ang mga braso niya sa dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. Mukha namang mabait at binigyan pa siya nang extra job. Easy lang naman sa kanya mag-pretend na jowa, basta wala lang kissing scene. Hindi pa pinapanganak ang lalaki na makakatikim ng kanyang precious labi. Sinabi ng dalaga ang daan pauwi sa kanilang bahay. Naiilang siya rito dahil napaka-guwapo. Pabaling-baling siyang tingin sa binata habang nagmamaneho ito. Nagulat siya ng magsalita ang lalaki. “Yes? May sasabihin ka ba, Evelyn?” tanong nito sa kanya. “Ang sarap naman sa tainga sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Nakaka-pigtas nang garter sa panty,” kausap ng dalaga sa sarili. Alangan man sa tanong niya, pero gusto lamang ng kanyang utak nang kasagutan. “Ah, curious lang kasi ako, bakit gusto mo akong magpanggap na girlfriend? May matrona rin bang humahabol sa iyo?” balik tanong ng dalaga. Bigla naman napa-preno ng sasakyan si Andrew. Lumingon ito sa gawi ng dalaga. Nakakunot ang noo at nagtataka sa naging tanong nito. “What did you say? Matrona? Sa itsura kong ito, habulin ng matrona?” hindi makapaniwala na sagot ni Andrew sa dalaga. Medyo nahiya naman ang dalaga dahil sa matabil niyang dila. Hindi ugali ni Evelyn ang mahiya, pero sa lalaking kausap niya at kasama ngayon, tila umurong ang dila niya. “Siguro naninibago lang ako?” aniya sa sarili. “H-hindi naman sa gano'n. Kasi mostly sa guwapong tulad mo habulin ng matrona. Ano ang trabaho mo po, Sir? D. I. ka ba as in dance instructor? Kaso sa itsura mo at sa kotse mo na pang sports, mukhang hindi? Call boy ka ba?” hindi mapigilan na pang-uusisa niya sa lalaki. Feeling niya lang close sila. Gusto niya kasi mawala ang awkward sa kanilang dalawa. Kanina pa siya naiilang rito, eh. Hindi naman makapaniwala si Andrew sa mga naririnig sa dalaga. Siya dance instructor at call boy? Ganoon na ba kalala ang kaguwapuhan niya at pati matrona, tipo siya? Napapaisip rin siya sa mga tanong ng dalaga sa kanya. “Iyon ba ang tingin mo sa akin? Bakit sobra ko bang gandang lalaki at naihambing mo ako sa mga nabanggit mo, huh, Evelyn?” sagot niya sa dalaga at bahagya niyang inilapit ang mukha sa dalaga. Umatras naman agad ang ulo nito palayo sa kanya. “S-sir, usap lang po, walang laplapan moment. Kaloka ka. Pumayag akong magpanggap na girlfriend pero hindi ako papayag na matikman mo ang precious labi ko. Tangina lang!,” mataray na turan ni Evelyn kay Andrew. Natawa naman si Andrew sa dalaga. “Napaka-assuming pala nito. Ang advance mag-isip,” sa isip niya pa. “Assuming mo naman pala. Hindi kita type. Gusto ko lang ang serbisyo mo. Walang lalampas doon. Maliwanag? At hindi ako katulad ng mga iniisip mo. Masyadong brutal iyang nasa utak mo. Susunduin na lang kita bukas and to let you know about my work,” "T-teka lang. Hindi ba panggap lang, at bakit may pagsundo? May trabaho rin ako. Tawagan mo na lang ako, kung kailan mo kailangan ang serbisyo ko. One call away lang naman ako, huwag lang office time at baka sabunin at may banlaw akong matanggap sa head namin,” sa totoo lang wala siyang pasok bukas. Day off niya. Mabuti na lamang at kahit ma-late siya ng uwi ngayon, walang problema. “And one more thing, Sir. Huwag ka masyadong pa-fall. Hindi rin kita type,” sabay irap niya sa binata. “Assuming ka riyan. Neknek mo! Ang lakas maka-gago ʼtong guwapo na ito. Ma-fall ako sa iyo, makita mo,” pagmamarakulyo ng kanyang sarili. Ngumiti at napa-kibit balikat na lamang ang binata. First time niyang naka-encounter ng babae na wala man lang sign nang pagkagusto sa kanya. Siguro ay hindi lang talaga sila magkasundo, in the first place. At gusto niya iyon. Para no hurt feelings kapag mission accomplish ito para sa task na ibibigay niya. He needs this woman, mukhang palaban, kaya hindi siya mahihirapan gamitin ito towards Veronica. Pinaandar na lamang ni Andrew muli ang sasakyan at lumulan na sila. Na-i-set niya na sa GPS ang location ng dalaga nang sinabi nito iyon kaya wala nang problema sa kanya ang paghatid rito. Habang bumabiyahe, narinig nilang may kumulong tiyan habang tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan. "Someone is hungry? Let's eat first?” basag sa katahimikan ng binata. “Hindi ako iyon, no. Baka ikaw ang tumunog ang tiyan? Huwag mong ipasa sa akin," pagtataray muli ni Evelyn sa binata. But Andrew looks amazed at the woman he firstly met in the middle of the road. Hindi pa man niya sinasabi na ito ang tumunog ang tiyan pero agad naman sumagot. Naaliw siya rito. Hinayaan niya na lamang at hindi na sinagot pa. “Okay I suggest let's eat first. Don't worry it's my treat. Since mukhang katiwa-tiwala ka naman, ngayon lang kita ililibre. Huwag kang assuming. Next time kakain tayo, pay your own bill,” “Luh, asa ka naman magpalibre ako sa iyo, no? Hindi kaya akong mukhang libre. May pera rin ako, hindi nga lang kasing dami nang sa iyo. Assuming ka rin talaga. Feeling mo lahat ng babae magpapalibre sa iyo. If I know, call boy ka lang, eh,” ganting sagot ng dalaga. Hindi siya magpapatalo rito. Aba bagong kakilala lang nila tapos kung sabihan siyang assuming ganoon na lang? “Hmp!” palihim niyang irap sa lalaki. Tanging pag-ngiti lamang ang isinagot ng lalaki sa kanya. “Ngiti nang ngiti, pa-fall talaga ang walang hiya!” iritang bulong ng dalaga. Mabilis silang nakarating sa isang restaurant na hindi naman masyadong kamahalan, pero masasarap naman ang mga pagkain. Matapos mag-park ng kotse si Andrew bumaba na siya agad. Naiwan naman sa loob ng sasakyan si Evelyn. "Naku! Ungentleman talaga! Hindi man ako pinag-buksan ng pinto ng sasakyan?” naiinis na bulong sa sarili ng dalaga. Padabog siyang bumaba ng kotse at nakasimangot. Nakakunot noo naman si Andrew sa nakikitang itsura ng dalaga. “What's with the face? Don't you like it here?” tanong ng binata sa kanya. “Gusto naman, gutom na ako, no. Kaya lang nakakainis lang ʼyung kasama ko napaka-ungentleman lang. Hindi man lang binuksan ang pinto para sa akin,” pagpaparinig ng dalaga sa kasama. Nagtataka si Andrew kung sino ang tinutukoy nito. Napagtanto niya na siya ang pinupunto ng dalaga. “Bakit ko naman gagawin pagbuksan ka ng pinto ng sasakyan ko? Ililibre na nga kita. Libre ka na rin sa joyride ng maganda kong sasakyan, ang lagay gagawin mo pa akong taga-bukas ng pinto para sa iyo? Masyado ka naman atang maarte? Be good or I might change my mind to hire you as my pretend girlfriend,” tila nauubusan pasensya na turan ng lalaki. Bigla naman natauhan si Evelyn. Bakit ba kasi ang arte-arte niya ngayon? Hindi na nga siya naiilang pero nagiinarte naman siya. “Self, maghunos-dili ka, ah. Huwag sobra ang kaartehan. Pera na magiging bato pa. Praktikal self, praktikal,” kastigo ng dalaga sa sarili niya. “Ikaw naman, Sir. Acting lang. Huwag masyadong over reacting. Sʼyempre kailangan ko nang practice ngayon pa lang, para naman next time na magsimula ang serbisyo ko ay ma-perfect ko rin. Sakyan mo na lang kasi ako, Sir. Pangit mo rin ka-bonding, eh,” pang-uuto niya sa lalaki. “Huwag mo akong utuin, Evelyn. Luma na iyan. Marami nang nagdaan na babae sa akin , kaya alam ko mga karakas na ganyan. Be natural. Don't show too much pretentions. Hindi bagay sa iyo,” wika nito sa kanya na animo ay kilalang-kilala ang dalaga. Umirap lamang ang dalaga. Alam niyang nabuking siya sa inarte session niya. “Minsan nga lang mag-inarte sablay pa, tsk,” marakulyo niya sa sarili. Pumasok na sila sa restaurant at umorder nang makakain. Sa una nahihiya ang dalaga, kasi ngayon lamang siya nagkaroon nang kasabay kumain at lalaki pa. Madalas kasabay ay kapatid niya lang na si Marites. Ngayon hindi, guwapo ang kasabay niya. Habang kumakain sila, bigla na lang may lumapit na babae sa gawi ni Andrew. Napabaling ang tingin ng dalaga roon. “Andrew? Andrew de Leon? Ikaw nga! Wow, I didn't know kumakain ka sa simpleng restaurant na ganito? Hindi ba mayaman ka?” tanong ng babae na nakasuot nang holster at sobrang bakat ang dapat bumakat rito. Sexy naman masyado lang atang revealing ang holster nito na kahit cleavage ay hindi pinalagpas. “Wow, may baby bump, si ate?” wala sa loob na usal niya habang nakatingin sa dibdib ng babae. Lumingon naman ito sa kanya. Naka-uniform pa siya sigurado makikilala siya nito. May pangalan pa ang uniform niya ng hotel kung saan siya nagtatrabaho. “Oh, may bago ka pala ulit na hooker, Andrew? Mas magaling ba siya sa akin? Hinintay kita sa hotel pero hindi ka dumating, noon pala ʼyung taga-hotel ang kinatagpo mo. Ang cheap mo na pala ngayon?” naiinis na turan ng babae. Kanina pa siya naghihintay sa hotel. Nilamok na siya at lahat sa may lobby wala man lang dumating na Andrew. Tapos ʼyung staff pala ng hotel ang kasama nito? “Hey, b***h! Pagbibigyan kita ngayon. Pero bukas at sa susunod hindi ka na puwedeng lumapit sa boyfriend ko. Maliwanag?” pinandilatan pa si Evelyn nang mata habang sinasabi ng babae iyon sa kanya. “Stop it, Lizeth. Huwag kang mandamay ng ibang tao. Pasensya na kung hindi ako nakasipot sa usapan natin. Something came up. And you're not my girlfriend either. So, stop fighting,” diretsong saway ni Andrew sa babaeng bagong dating. Medyo nasaktan naman ang babae sa sinagot ni Andrew pero binalewala lamang nito iyon. She needs Andrew. Oras na mabuntis siya nito, hindi niya na pakakawalan pa ang binata. Alam niya na bilyonaryo ang madalas kaniig, kaya nga nag-stick siya rito. She wants his money. Nagkunwari lamang siyang isang taga-alta Sociedad para makakuha ng matabang isda. And that's Andrew. Ito sana ang makakatagpo ng binata and ravish her all night kaya lang hindi natuloy at nawala na rin sa isip niya. Nagulat naman silang dalawa ng babae ng sumagot si Evelyn. “Excuse me, Betty boop. I'm not his girlfriend or whatever you are thinking about me. Pokémon almost bumps me off his car, so before I complain to the police, he treats me to eat, in order I will not sue him. So stop assuming, na aagawin ko jowa mo. Isaksak mo pa sa fallopian tube mo iyan, I don't care! Hindi na nga ka-guwapuhan, hindi ka rin naman kagandahan. Swak kayo! Magsama na nga kayong dalawa!” iritang sagot ni Evelyn at tumayo na sa kinauupuang silya. Pero bago siya umalis Binalingan niya ang lalaki. Dumukot siya ng papel sa bag at ballpen nagsulat doon at inabot sa lalaki. “Here, call me, when you need my service. Mauna na ako, baka makasapak ako ng Betty boop wala sa oras dito. Goodbye!” paalam niya kay Andrew. At agad lumisan sa restaurant. Natuod naman saglit ang binata. Tiningnan naman ni Andrew ang papel na inabot ng dalaga sa kanya. Hindi na rin kasi siya nakasagot dahil ang bilis nitong magsalita. Umalis rin agad. Problema niya ngayon hindi niya alam ang bahay ng dalaga. Pero nang makita ang numero na nakasulat sa maliit na papel, napangiti na lamang siya. “So, she's one of your hookers, too? Akala ko ba ako lang?” pagbasag sa katahimikan ng babae kay Andrew. Napatingin naman si Andrew rito. Ibinulsa niya muna ang kapirasong papel at binigay ang buong atensyon sa babae. Ngayon niya lang na-realize na hindi pala ito kagandahan. Mas maganda pa si Evelyn. “Erase, bakit ko ba hinahalintulad ang babaeng maingay na iyon dito sa kaharap ko,” kastigo ng binata sa sarili. “Stop accusing her, Lizeth. I just met her. And what are you doing here?” balik tanong niya rito. He's tired, kung mag-aya ito sa kanya, wala na siya sa mood. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi. “Nothing. Kakain na lang muna sana ako kasi hindi mo naman ako sinipot sa meeting place natin. Ginutom lang ako kakahintay roon sa lobby ng hotel. Medyo malamok pa nga,” anito. “Malamok? Paano kang lalamukin, eh nasa lobby ka? Aircon ang hotel impossible may lamok,” nagtatakang tanong niya rito. Hindi niya alam na ngayong gabi ay makakatagpo siya nang mga babaeng may sayad ng kaunti sa utak. Sa hotel may lamok? “Oo, sa labas ng lobby ng hotel. Hindi ako pinapasok ng guard kasi wala raw akong passes. Hindi mo naman kasi sinabihan ang hotel na darating ako. Nakakainis ka!” Hindi alam ni Andrew kung matatawa o maiinis. Kanina lang kay Evelyn, matutuyuan na siya ng utak, ngayon may dumating na panibago. Hindi niya masyado ito nakakausap kasi kapag nasa loob na sila ng kuwarto. Wala nang may nagsasalita isa man sa kanila. Abala na sila sa makamundong gawain. Ngayon niya lang nalaman na ganito pala ang avid hooker niya. Mas assuming pa ito kay Evelyn. “Look, Iʼm sorry. Next time na lang tayo magkita ulit. I have to go. Ikaw na lang kumain nitong order namin. Babayaran ko na lamang sa cashier,” aniya rito. Akmang aalis na siya pero pinigilan siya nito. “Ayaw mo bang matuloy tonight? I'm wet, whenever I see you, Andrew. Kahit sa car mo na lang, it's fine with me. I just want you tonight,” malambing na saad nito habang hinihimas ang kanyang braso. Bigla naman nakaramdam ng init si Andrew. Kanina gusto niyang magpigil. Pero sa isang haplos lamang ng babae, nakalimutan niya na ata. Mabilis niya itong hinila palabas. Hinabol naman sila ng waiter dahil hindi pa bayad ang pagkain na in-order nila. “Sir! Bayad nʼyo po!” habol ng waiter sa kanila. Huminto naman agad si Andrew at dinukot ang wallet. Kumuha ng tatlong tag limang daan, buti na lamang at may cash siya. Usually he's using cards. At dahil nagmamadali siya to ravish the woman who's with him right now, he gave the bill and didn't take the change. Akala niya mauudlot ang gabi niyang walang hooker na magpapaligaya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD