Chapter 5 Meet up sa Mall

2185 Words
KINABUKASAN abala si Evelyn sa paglilinis ng bahay nilang magkapatid, mamaya na siya lalabas para maki-tsismis sa mga kapitbahay. Kahit na luma at tagpi ang bahay nila, hindi niya naman hinahayaan na maging marumi ang paligid nila. Iyon na lamang ang benefits niya sa buhay, ang maging malinis. Habang nagwawalis siya sa tapat ng bahay nila, naririnig niya ang tsismisan ng mga kapitbahay. Parang may radar lagi ang tainga niya sa tuwing makakarinig nang salita mula sa mga kapitbahay. Ngunit ganoon na lamang ang pagkayamot niya ng marinig ang kanyang pangalan. “Alam mo ba, muntik na raw masagasaan si Evelyn kagabi sa Alabang. Mabuti na lang at mabilis huminto iyong sasakyan, kunʼdi napuruhan siya. Hindi na ako magtataka kung bakit pati sa lugar kung saan siya nagtatrabaho ay sinusundan siya nang malas,” satsat ng isang kapitbahay niya. Rinig na rinig niya ang pangalan niya. Nagtataka siya kung bakit alam ng mga ito ang nangyari sa kanya kagabi? Bigla siyang napaisip. Possible na isa sa mga kapitbahay niya ang sinundan siya sa trabaho para lamang saktan. Sanay na siya, na madalas may bigla na lamang mananampal sa kanya, dahil sa hindi mapigilan dila niya. Pero iba ang kagabi tila gusto talaga siyang maimbalido. Sasagot na sana siya sa mga ito nang bigla tumunog ang telepono niya. Mabilis niyang binitawan ang walis at agad dinukot ang cellphone sa bulsa. Nakita niyang unregistered number iyon. Hindi niya sinagot at ibinalik na lamang ang cellphone muli sa bulsa niya. ilang sandali pa ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone, hudyat na may nag-message sa kanya. Kinuha niya muli sa bulsa ang telepono at binuksan ang message na dumating roon. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala kung sino ang nag-text. “Hi, Evelyn, this is Andrew, the driver of a sports car who almost bumped into you last night. I was calling you a while ago, but you haven't picked up. Are you at work today?” ʼYun ang laman nang message sa cellphone niya. Ang akala niya hindi na siya nito kokontakin kasi may seksing babae itong kasama kagabi. Ano na naman kaya ang gusto nito? Napapaisip na tanong niya sa sarili. Pinindot niya ang reply at nagtipa nang sagot dito. “Hello,” maikling sagot niya at click send agad. Ilang saglit lang ay tumunog muli ang cellphone niya. Tumatawag muli ang numero na unregistered kanina. Kilala niya na kung sino iyon kaya agad niyang sinagot. Natuon na ang atensyon sa cellphone niya imbes na makinig sa pinag-usapan ng mga kapitbahay niya. Ani sa isip niya “Mamaya lang kayo. Ako naman ang mag-iimbestiga at kayo naman ang gagawin kong hot topic. For now sideline time muna,” Pumasok siya sa loob ng bahay at iniwan ang nakabalandra niyang mga winalis sa labas. “Hello,” medyo ipit na boses na sagot niya sa tawag. Hindi niya alam kung bakit, basta feel niya lang liitan ang kanyang boses. “Yes, hello, I need you today. Nasa work ka ba? Can I pick you up?” sagot sa kabilang linya. “Ah, w-wala pala akong pasok ngayon. S-sige kita na lang tayo sa Alabang mall. Doon mo na lang ako sunduin?” aniya sa kausap sa cellphone. Biglang bumungad sa kanya ang kapatid na si Marites. Nakabihis na ito. Usapan nila mamamasyal sila. Bigla siyang napatampal sa noo. Paano niya sasabihin sa kapatid na hindi tuloy ang lakad nila? Nakakunot ang noo ni Marites habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang Ate. Alam niya aalis sila at bakit magpapasundo ito kung saan? Tinaasan niya ng kilay ang kanyang ate. Minsan lang sila lumabas naudlot pa. Matapos makipag-usap ni Evelyn kay Andrew, bumaling naman siya sa kapatid. “Ah, eh, sis. Sorry, mauudlot muna ang bonding natin. Tumawag kasi ʼyung sideline job ko. Urgent daw, eh. Okay lang ba cancel muna natin? Pero kung gusto mo lumabas okay lang bibigyan na lang kita ng pera, para hindi ka ma-bored dito sa bahay. Ano deal?” aniya sa kapatid. Sumimangot naman ito. Alam niya kapag ganoʼn na ang mukha ng kapatid. Ibig sabihin tampo na ang kasunod noʼn. Hindi tuloy alam ni Evelyn kung sino ang unang sasamahan? “Promise, sis, bawi ako next time, ah. Kailangan din kasi natin itong bago kong trabaho, pandagdag sa gastusin natin. Lalo pa at college ka na, kailangan natin nang anda, sis. Huwag na magtampo bunso, promise next time matutuloy na talaga,” “Kainis ka naman, Ate, eh! Sige next time na lang. Penge na lang pera, ako na lang lalabas, bibili ako nang pam-project ko sa school.” Sabay lahad ng palad nito. “Sure, bunso. Sorry talaga, si Ate, ah. Pero puwede ba bago ka umalis alisin mo muna iyong mga winalis ko sa tapat ng bahay natin? Nakalimutan kong tapusin, eh. Please,” paki-usap niya sa kapatid. Lalo naman itong bumusangot. Nakaporma na tapos magwawalis pa sa labas at dadampot ng basura? “Ate!” nagpapadyak ito ng paa bago lumabas ng bahay. Nakasimangot at napakatulis ng nguso. Narinig na lamang ni Evelyn ang tunog ng walis at dustpan na halatang masama ang loob nang gumagamit. Mabilis nag-bihis si Evelyn para hindi ma-late sa lakad niya. Masyadong demanding ang bagong boss niya. Pero carry lang. Kapalit naman noon ay tumataginting na three hundred thousand pesos. Hindi na masama. Pinili niya ang bagong bili na damit sa mall. Itʼs yellow olive silk linen utility playsuit. A relaxed short-sleeved utility playsuit crafted from a linen and silk blend. Featuring multiple pockets. The style is finished with epaulettes and turn-up cuffs. At pinaresan niya rin ito ng strapped style flat sandals. Makinis ang mga binti niya at matangkad din naman siya. Kaya carry niya ang ganoʼn style na damit. Para siyang rarampa sa entablado. Bitbit niya ang kanyang brown shoulder bag na bumagay naman talaga sa outfit niya. Nang makabihis ay agad siyang lumabas ng kuwarto nila. Bumungad sa kanya ang kapatid na nakaupo sa sofa sa may mini living room nila. Nakasimangot pa rin ito. Lumapit siya rito at inabot ang limang-daan sa kapatid. Tila lumiwanag naman ang itsura nito nang makita ang kulay dilaw na papel. Mabilis kinuha ni Marites ang pera at agad ibinulsa. “Tsk, kapag pera talaga napakabilis mo, eh, no? Kung hindi lang ako aalis wala kang limandaan talaga,” aniya at siya naman ngayon ang medyo nakasimangot. Sayang kasi limang daan din ʼyun. May panghihinayang sa isip niya. Pero na-realize niya kapatid naman niya ang makikinabang. “Thanks, Ate. You're the best!” Mabilis silang nag-paalam sa isaʼt isa at lumulan sa kanya-kanyang lakad. Nakatingin kay Evelyn ang mga kapitbahay na tila nagtataka at may lakad siya. Natural kasi sa dalaga na kapag nasa bahay lamang at day-off, wala itong ginagawa kung hindi suriin ang mga kapitbahay kung ano ang latest tsismis sa mga ito. Pero ngayong araw ay tila may himala at hindi ito pumirmi sa bahay. Inirapan lamang ni Evelyn ang mga naka-tumpok na mga kapitbahay sa daraanan niya. Sa isip niya, hintayin lang nila kapag hindi siya busy. Mabilis siyang nakasakay ng jeep pagka-labas sa eskinita nila. Biglang nag-vibrate ang phone niya nang makaupo na siya sa jeep. Kinuha niya iyon at binasa ang mensahe. “Iʼm on my way now to Alabang mall. Message me once you arrive, there,” iyon ang laman nang mensahe. Nag-reply siya nang “okay” at saka ni-save ang number nito. “Lee Min Ho,” ang nilagay niyang pangalan. Sa totoo lang kamukha ito ni Lee Min Ho. Secret crush niya. Kaya kahit sa save number man lang feeling niya ka-text niya ang crush niya. Pero hindi iyon si Andrew. Neknek noʼn maging crush niya. May pandidiring isip niya. Bigla siyang kinilabutan. Halos kalahating oras ang naging biyahe niya tungo sa Alabang mula sa Laguna, dahil sa traffic na rin. Pagkababa niya sa naturang mall, mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagtipa roon. “Nandito na ako sa may entrance. Nasaan ka?” at mabilis na pinadala iyon sa binata. Feeling niya may ka-eyeball siya. At chatmate niya. First time niya may ka-meet up na lalaki although hindi nila first time ang magkita ni Andrew. Medyo kinakabahan pa rin siya dahil hindi siya sanay sa mga meet-up na iyon. Mabilis naman nag-reply ang lalaki. “Iʼm at the entrance, I saw you already. Stay there Iʼm coming,” sagot nito sa mensahe ng dalaga. Palingon-lingon si Evelyn kung nasaan banda ang lalaki at halos hindi niya ito nakilala. Kagabi kasi hindi niya masyado itong nasilayan dahil nga madilim, at ilaw lamang ang liwanag sa pagitan nila. Look a like nga talaga ito ng crush niya. Akala niya kaunting hawig lang, halos pinoy version ito ng kanyang crush. Feeling niya lumuwag ang garter ng panty niya at napigtas ang hook ng kanyang bra. Guwapo nga pala talaga ito. Hindi na siya magtataka kung bakit iyong mukhang Betty boop na babae kagabi, ni-claim agad na boyfriend niya ito. Kahit sino, papangarapin na maging kasintahan ito. Pero siya, hanggang fake girlfriend lang. “Hi!” bati nito sa kanya ng makalapit. Nakangiti ito sa kanya. Natulala naman siya dahil sa porma nitong, oh, lala. Nakasuot ito ng yellow linen long sleeve shirt na tinupi ng kalahati sa bawat braso tapos biege colored pants at pinaresan naman nito iyon nang leather brown shoes. Medyo angat nang kaunti ang laylayan ng pants kaya kita ang medyo balbon nitong binti. Mukhang haka-half socks lamang ito dahil hindi kita ang medyas sa paa nito. Simple lang pero lakas makaagaw ng atensyon sa mga tao, gayon din ang dalaga. Para silang endorser ng damit. Paired model. Pumitik sa harap ng mukha niya ang binata. Dahil mukha na siyang estatwa habang nakatingin lamang sa lalaki. “Ang guwapo,” ani ng malanding isip ni Evelyn. “Hey, bakit tulala ka? Naga-guwapuhan ka na ba sa akin, huh? Crush mo na ako?” pang-aasar nito sa kanya. Inirapan niya ito. “Duh, kahit ikaw pa ang matirang lalaki sa mundo, hindi pa rin kita type, no,” ani ng dalaga. Natawa naman ang binata. Napalingon ito sa mga taong nagdadaan dahil binabati ito. “Hi, Lee Min Ho. Ang guwapo mo naman!” ilan lamang sa naririnig ng dalaga na tinatawag sa ganoʼn pangalan ang binata. Hindi lang pala siya ang nakapansin sa itsura nito, maging ang mga tao na nakakakita sa kanya. “Hello,” bati rin nito sa mga dalagita na bumabati sa lalaki. “Feeling mo talaga artista ka? Mga bulag mga iyan, hindi nakikita ang kapangitan mo,” saad ni Evelyn sa binata. Hindi niya alam kung bakit gusto niya itong sinasagot nang gano'n. Wala lang naiirita lang siya. Sobra kasing guwapo. Pero hindi niya aaminin iyon sa binatang kaharap. Ibinalik nito ang atensyon sa kanya. “Selos ka? Ako naman date mo ngayon, ʼdi ba? Be proud,” mayabang na turan nito sa kanya. “Duh, assuming ka rin. Halika na nga, bago pa tayo dumugin ng mga fans mo.” Sabay hila ng dalaga rito. Wala sa loob ni Evelyn ang ginagawa at hindi niya napapansin ang simpleng pag-ngiti ng binata sa kanya. Itinuro nito kung nasaan ang sasakyan naka-park, patuloy pa rin sa paghila ang dalaga. Nang makarating sa sasakyan, binitawan agad ni Evelyn ang kamay ng lalaki. Ngayon niya lang na-realize ang ginawa. Pinahid niya ang kamay sa damit na tila may virus ang pagkakahawak niya sa kasama. “Sorry, na-carried away lang. Dumarami kasi ang tao banda sa atin. Ayaw ko naman dumugin nila. Sayang ang skin ko kapag nagalusan,” paliwanag niya sa binata. Tila natutuwa naman ang lalaki sa kanya. “You know what, kaunti na lang iisipin ko ʼyung pagpanggap mo na girlfriend ko ay magiging totoo? Howʼs that?” pataas-taas pa ng kilay ang lalaki sa kanya. Hindi maintindihan ng dalaga kung magpi-pretend siyang jowa nito o maghapon silang mag-aasaran. Kaunti na lang kokonyatan niya na talaga ito. Hindi na siya sumagot, hahaba lamang ang usapan nila at walang mangyayari kapag pinatulan niya ito. Sumakay siya agad sa shotgun seat ng kotse pagka-unlock ng lalaki rito. Umikot naman sa driver seat ang binata at sumakay na rin. “Saan tayo pupunta?” tanong ng dalaga. “Somewhere na makikita ng lahat na kunwari girlfriend kita. Alalahanin mo start today ang iyong mission sa akin. Hindi ko ibibigay sa iyo ang three hundred thousand kapag hindi naging maganda ang outcome,” wika ng lalaki. He needs to show Evelyn to everyone para hindi na siya madalas guluhin ng ex niya. Just early this morning kasi pumunta na naman ito sa condo niya. Good thing he remind every staff on his condo building na huwag itong papasukin. His ex went wild. Malala na talaga ang babaeng iyon. After cheating on him, may mukha pang humarap sa kanya and claiming sheʼs his fiancé. Heʼs hoping that Evelynʼs help, matigil na ang ex niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD