Malakas ang itinuon kong pwersa sa kanan kong paa upang maitulak ako nito paitaas. Narinig ko pa mismo ang tunog ng naglalangitngit kong mga laman sa binti sa sobrang lakas ng bwelong tinahak ko. Mataas ang nagawa kong pagtalon na ikinagulat ng siyam na Alec. Kapag hindi umubra ang galaw kong 'yon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Kailangang magtagumpay ako sa plano ko, kasi yon na lang ang natitirang pag-asa ko. Mabilis ang mga naging pangyayari. Bago ako makalapag sa lupa at bumagsak sa mismong Alec na nasa gitna mismo ng triangulo ay naihanda ko na ang connecting chains na automatiko kong ididikit sa kanya sa oras na malapitan ko ito. Hindi inasahan ng siyam na Alec ang ginawa kong pagsugod. Humampas ang malamig na hangin sa loob ng training barracks kasabay ng pagbagsak ng kat

