Hinagisan ako ng isang matulis na punyal ni Alec bago nagsalita. Bumuo ng nakakabinging ingay ang tumilapong punyal sa semento. "Move," narinig kong utos nito nang hablutin ko ang punyal kasabay ng pagsulpot ng siyam pang katulad nito sa kanyang harapan, "isang daplis sa bawat sampong Alec. Isang daplis lang at kusa nang mawawala ang bawat ako na masugatan o mapuruhan mo." He mentioned with his handsomely intimidating look. Ito ang pangalawang beses na paghaharap namin ng lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Hindi umuubra sa kanya ang controll chain ability ko dati. May kung anong malakas na pwersa na nagtataboy sa pinapagapang kong chain palapit sa sampo nitong clones noong huling nagkaharap kami. Kailangan kong malaman kung anong kakayahan mero

