Natapos ang pagpapakilala sa limang bagong recruits ng kaharian ng Claremur. Pagkatapos ng nakakagulat na paglitaw ni Brit ay parang hindi ko na alam kung paano paplanuhin ang pagtakas sa kaharian kasama si Pea. Nagbago ang plano at hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Pea. Ang unang balak talaga namin ay makapasok sa isa sa pinakamalakas na kaharian. Mas malakas, mas malaki ang tsansang mabuhay pagkatapos ng quarterly clash. Ang Bartsville, Chelsee at Waguner, ayon kay Pea ang tatlo sa pinalamalalakas na kaharian ngayon. Wala sa nabanggit ang Claremur kung saan kami napadpad. Handa na kaming planuhin ang tangkang paglalayas sa kaharian pagkatapos ng gabing ito pero sa biglaang pagsulpot ni Brit, tila umatras lahat ng tapang ko at nagulo ang planong dapat sana'y magsasalba saamin. Ano

