Chapter 3

1277 Words
Nagising na ako dahil sa malakas na ulan dahilan para tumulo sa mukha ko ang tubig. Wala ba naman kasing kisame ang bahay namin. Napatingin naman ako sa cellphone ko at napansing pasado alas-singko na ng umaga. Nag-inat na muna ako at bumangon dahil kailangan ko pang magluto ng umagahan namin. Wala akong trabaho ngayon araw, pero may appointment naman ako sa boyfriend ni Julie. Mabuti nalang talaga at may pa chanel siya, dahil rest day ko dapat talaga ngayong araw. Nang lumabas na ako ay nadatnan ko si Ven na nasa labas ng sala na abala sa kaniyang cellphone kaya nagtaka ako. "Himala yata Ven ah, ang aga mo naman magising tuwing sabado," wika ko naman sa kaniya sabay hikab. Kapag ganitong panahon kasi talaga ay sobrang sarap pa matulog dahil malamig. Pero kagabi pa kasi sinend ni Julie ang lugar at oras kaya kailangan kong tagpuan 'yung tao. Nagulat nga ako dahil isang Italian coffee shop ang pagkikitaan namin ng lalaki. Well, what would I expect kay Julie at sa jowabels niyang anak ng President, 'di ba? "Malapit na kasi ang new season ng ML Ate kaya kailangan ko ring maghabol," tugon naman nito sa akin kaya napataas ang kilay ko sa kaniya. Nilapitan ko naman siya sabay tapik sa kaniyang balikat. "Mabuti pa 'yang ML hinahanol mo eh no? Kumusta naman ang pag-aaral mo? Nako, kayo talagang mga bata kayo ngayon puro nalang kayo cellphone ng cellphone buong araw. Hindi siguro kayo mahubuhay kung walang cellphone." Pagod na pagod na akong mag-explain palagi diyan sa kapatid ko. Nakakastress lang na araw-araw mag remin na mag-aral ng mabuti. Feeling niya naman ay tumatae ako ng pera na pang-aral sa kaniya. Ma swerte pa nga siya ngayon dahil sa isang private school ko siya pinag-aaral samantalang isa akong University Scholar noong college ako. "Huwag ka ng ma stress diyan Ate, pasalamat ka pa na at wala akong nabubuntis," s**o niya pa sa akin kaya nagulat ako. "Sumasagot ka pang bata ka, ay ewan ko sayo bahala ka diyan at madami pa akong gagawin ngayong araw." Hindi ko nalang siya pinansin at tumungo na sa kusina. Una naman akong nagpakulo ng tubig at pagkatapos ay nagsaing na ng kanin. Hindi pa naman ngayon ang schedule ko para mag grocery kasi marami pa naman kaming stock kaya hindi na 'yun dadagdag pa sa gawain ko. Sinisugurado ko kasi palagi na organized ang paggastos ko ng pera. Mahirap na kasi dahil marami pa namang bayaran at si Mama naman ay retired na at magkano lang naman ang nakukuha niya, isa pa para na 'yon sa monthly laboratory niya dahil may diabetes kaya ako na ang gumagastos dito sa loob ng bahay. "Hoy Ven, pasabi kay Mama mamaya na kapag nagising siyang wala na ako dito sa bahay ay may appointment lang ako sa Lelouch Café ha?" ani ko naman kay Ven habang kinukuha ang frozen tocino na nasa freezer. Napatigil naman si Ven at napatingin sa akin. "Ang sosyal naman yaya ng appointment mo ngayon Ate. Sino bang kikitain mo, anak ng Mayor?" Napataas naman ang kilay ko dahil hindi lang anak ng Mayor ang kikitain ko, kung hindi anak ng Presidente. "Anak lang naman ni Gregorio Villanueva ang kikitain ko today kaya 'wag ka diyan," proud na proud kong sabi. Aba, syempre naman! Minsan lang ako magbigyan ng ganitong pagkakataon na makita close-up ang anak ng Presidente samantalang si Julie at tamang pa break-up drama kemene lang sa kaniya. Masyado namang maganda ang kaibigan ko para sa anak ng Presidente, ano? Nakita ko namang napa-iling sa akin si Ven. "Ang aga mo namang magbiro Ate, diyan ka na nga at magcclassic muna ako. Panay na ang lose streak ko sa rank eh." "Pwe! Bahala ka diyan, picture pa kami mamaya!" sambit ko naman sa kaniya at inilagay na sa may tubig na palanggana ang matigas pa sa batong tocino. Pagkatapos kong magluto ay dali-dali na akong naligo at nagsuot lang ng pleated skirt with white top and a vest. Kahit naman kasi na translator lang ako ng break-up message ni Julie ay anak parin naman 'yon ng Presidente kaya kailangan presentable ako sa harap niya. "Alis na ako Ven!" ani ko naman sa kapatid ko sabay labas na ng bahay. Nauna narin kasi akong kumain dahil hindi naman trip ng kapatid ko kumain ng maaga. Kadalasan kasi ay pasado alas-trea ng hapon na 'yan gumigising kapag walang pasok kaya may himala talagang nangyari kaninang umaga. "Ingat Ate!" Naglakad na ako palabas ng eskinita hanggang sa makarating na ako sa highway. Ang tanging hiling ko lang talaga ay maka-alis kami rito ng mga magulang ko sa lugar na 'to at makapagpatayo ng maayos na bahay. Sumakay na ako ng jeep hanggang sa makarating sa coffee shop na sinasabi ni Julie. 8am pa naman ang appointment namin pero 7 palang ay nandito na ako. It's better early than late naman kasi, atsaka nasanay na ako sa work na palaging early dumadating than the desired time. Napatingin naman ako sa interiors ng buong cafe. Neo-classical na may twist ng contemporary furnitures ang loob nito. Ang sarap lang siguro sa feeling kung dito ako nagrereview noong college ako dahil sisipagin ako lalo na tumunganga nalang at magbilang ng mga taong nandito. Biro lang syempre! Makalipas pa ang isang oras ay sa wakas may dumating narin na isang pamilyar na mukha sa loob ng café. Nagsend narin kasi kagabi ng picture si Julie sa akin kaya alam ko na ang mukha ng Jake Villanueva na 'to. Kagabi parin naman ako nagtataka kung bakit ayaw ni Julie sa lalaking 'to na ubod naman ng gwapo at yaman at makapangyarihan pa ang pamilya. Kinaway ko na ang kamay ko para makita niya ako. Napatingin naman siya sa direksyon ko at lumapit na sa akin. "Angela Mendoza?" tanong niya. Tumango naman ako. "Yes. Have a seat." Agad naman siyang umupo at napatingin ng seryoso sa akin. "Okay look. I want you to be straightforward. I've been contacting Julie since last week but I can't reach her, what are you gonna supposed to do now?" tanong niya pa sa akin. Naaawa naman ako sa lalaking 'to dahil mukhang mahal niya nga talaga ang kaibigan ko. Maganda naman kasi talaga si Julie, pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit s*x lang palagi ang habol niya sa partner niya at nakapagtataka naman na hindi s*x addict 'tong lalaki na 'to. Inilabas ko na ang laptop ko at sng flash drive na ibinigay sa akin ni Julie. Nagtaka naman sa akin ang lalaki. "What is that for?" "My friend has a message for you," sambit ko naman at kinuha na ang earpods at ibinigay sa kaniya ang isa. Pinlay ko narin ang audio. "Jake, I know that you are a good boyfriend. But I'm sorry to say this, I don't love you anymore. I need someone who can be with me 24/7 and will cuddle with me everyday. I need someone who will make love with me three times a day," napatigil naman ako dahil hindi ko alam kung masusuka ba ako sa message ni Julie. Kagabi na play ko na 'to pero hindi ko naman akalain na ganito ang maramdaman ko in actual. "I hope you understand that little boy. I love you, Goodbye!" sambit ko ibinaba na ang earpods. Napatulala naman si Jake sa akin. "Why does she only wants s*x?" mariing tanong niya kaya lahat ng nasa cafe ay napatingin sa amin. Nako po, gusto ko nalang ilibing ang sarili ko dito mismo. "I have nothing to do with that, Sir," pahayag ko naman. Baka kasi madamay pa ako, mahirap na. "Okay. If that's the case, then I want you to help me. Teach me how to speak Filipino so that I can win her back." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Mukhang hindi pa nga dito matatapos ang appointment ko sa weirdong anak ng Presidente.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD