Chapter 2

1135 Words
Lumabas na ako ng building para magbantay ng jeep. Ilang minuto lang naman ang byahe mula rito hanggang sa Recto kaya walang problema. Isa pa, marami naman akong madadaanang drugstore pauwi sa amin kaya hindi na ako matatagalan. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay sinalubong agad ako ng kapatid niyang si Rory. “Rory, nasaan ang Ate mo?” tanong ko naman sa kaniya. Abala naman siya sa paglalaro sa kaniyang cellphone kaya hindi tuloy ako sigurado kung narinig niya ang tanong ko sa kaniya. “Ay nasa loob po Ate sa kwarto niya, kagabi pa ‘yon hindi lumalabas eh.” Sumagot nga siya pero hindi naman nakatingin sa akin kaya napa-iling nalang ako. Nako, mga kabataan nga ngayon cellphone nalang yata ang bumubuhay sa kanila eh. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Hindi ko naman maaninag dito sa loob sila Tita Marinette kaya deritso na agad ako sa kwarto ni Mariam. Kumatok ako ng tatlong beses. “Hoy babaita ba’t mo ako pinatawag?” sambit ko naman habang nakatayo parin dito sa labas ng kwarto niya. Narinig ko naman ang mga yapak na papalapit dito sa pintuan kaya umatras ako ng kaunti. “Insan!” ani niya naman nang binuksan niya ang pintuan. Niyakap na niya ako at napansin ko agad na sobrang mugto ng mga mata niya. Ano na naman kaya ang nangyari sa babaeng ‘to? Ang pagkaka-alam ko kasi ay healthy naman ang relationship niya sa boyfriend niya at isa pa kilala ko naman personally ang lalaki. Pumasok na kami sa loob ng kwarto niya at umupo sa kaniya. Napabuntong-hininga naman siya habang nakatingin sa akin. “Oh anong problema? Nasabi sa’kin ni Rory na kagabi ka pa raw hindi lumalabas ng kwarto mo?” tanong ko naman sa kaniya. Kapag ito may sinabing hindi maganda, nako ewan ko nalang talaga! “Ate, ang gago niya!” bulyaw niya naman kaya napataas na ang kilay ko. Mukhang alam ko na nga kung sino ang tinutuloy niya kahit hindi niya pa sabihin sa akin. “Niloko ka ba ng boyfriend mo?” mahinahong tanong ko. Bakit ba kasi lahat ng mga kilala ko ay ganito ang mga nararanasan? Ang daming signs na ibinibigay sa akin ni Lord na huwag na talaga akong maghanap din ng boyfriend. Marahan namang tumango sa akin si Mariam. “Oo Ate. Ang gago niya, palagi naman kaming magkasama pagkatapos ay kapag umuwi na siya ay agad din siyang tumatawag sa’kin, pagkatapos kapag magkasama naman kami ay hindi niya ginagamit ang cellphone niya tapos malalaman ko nalang na pitong-buwan na sila ng babae ngayon,” sunod-sunod niyang paliwanag habang humihukbi sa akin. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ng pinsan ko. Hindi ko pa man naranasang masaktan, pero ganitong-ganito rin si Mama nang malaman niyang nagkaroon ng kabit si Tatay. Niyakap ko nalang ulit si Mariam dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya. “Ayoko na sa kaniya, Ate. Nakipaghiwalay na ako kagabi, pero I’m suffering the most right now. Knowing na masaya na siya sa babae na ‘yon while I’m here trying to mend what he broke.” Napabuntong-hininga nalang ako sa mga naririnig ko kay Mariam. Mas pipiliin ko nalang maging matandang dalaga keysa naman mag-isip ng mag-isip kung niloloko ba ako o hindi. “Pabayaan mo na ‘yon, Mariam. Hindi ka niya deserve at tama lang na nalaman mo ‘yon para itigil na ang relasyon niyong dalawa. Keep yourself intact, you still have a bright future ahead of you kaya huwag kang susuko, okay?” Kahit na i-boost ko nalang kahit kaunti si Mariam ay makakatulong na ‘yon. Naaaawa rin naman ako sa pinsan ko dahil alam ko kung gaano na kalaki ang invested niyang effort sa relasyon nila. Four years na dapat sila sa susunod na buwan pagkatapos ay ito pa ang malalaman niya. “I just want to feel the pain for now, Ate. I want to breakdown until wala na akong maramdaman,” ani niya naman kaya napangiti ako. “Of course naman. Sometimes giving up is the bravest thing to do. Then avoid thinking about that jerk dahil hindi niya deserve na iniiyakan mo siya, okay? You still have a class kaya suit yourself, alam kong kaya mo ‘yan.” Napangiti naman siya sa akin at tumayo na. “Salamat Ate Angela. Absent nga ako ngayon, pero bukas papasok na ako. Ipapakita ko sa gagong ‘yon ang sinayang niya,” sambit niya naman kaya napangiti ako. “That’s my girl! Are you feeling better now?” tanong ko sa kaniya. “I’m sorry, I can’t stay longer here. Kailangan ko pang bumili ng maintenance ni Mama, wala na kasi siyang gamot mamayang hapon kaya kailangan ko ring umuwi agad,” dagdag ko pa. I was relieved when Mariam smiled at me. “It’s okay, Ate. Alam ko namang busy ka rin naman sa trabaho mo kaya sobrang laking bagay na ‘tong pagpunta mo rito ngayon,” ani niya naman at sumunod na ako sa kaniya palabas ng kwarto niya. “Don’t worry, if medyo maluwag na ang schedule ko ay lalabas tayong dalawa,” wika ko pa sabay ngiti. Sa lahat kasi talaga ng mga pinsan ko ay si Mariam ang pinakaclose ko dahil siya naman nag pinakamalapit sa edad ko. Isang taon lang akong matanda sa kaniya, pero Ate parin ang tawag niya sa akin. “Salamat Ate. Sige ingat po kayo!” sambit niya naman sabay yakap sa akin. Napangiti naman ako at napatingin sa kapatid niyang si Rory. “Rory, palagi mong kausapin ‘tong si Ate mo ha? Dalawa lang kayong magkapatid kaya tulungan mo si Ate mo,” pahayag ko naman. Parang hindi niya lang kami nakita kaya napa-iling nalang ako at napatingin kay Mariam. “Hoy Rory!” bulyaw ni Mariam kaya nagulat ang isa. Magkapatid nga namang ‘to. “Bakit Ate?” agad din namang sagot ni Rory. “Kinaka-usap ka ng Ate Angela, ikaw puro ka nalang PUBG at ML diyan ipapakain ko na ‘yang cellphone mo sa’yo!” mariing sabi ni Mariam kaya napatawa ako. “Kalma ka lang,” ani ko naman sabay tapik sa likuran niya. “Sige na mauna na ako at kailangan ko pang dumaan sa drugstore,” dagdag ko pa. “Sige Ate ingat ka, salamat ulit!” Lumabas na ako ng gate nila at kumaway. Naglakad nalang din ako palabas ng subdivision dahil malapit lang naman ang bahay nila mula sa entrance. Pagkatapos kong bumili ng gamot ni Mama ay diretso na akong umuwi sa bahay. Nadatnan ko naman si Ven at si Mama na nanunuod ng TV kaya napangiti ako. “Kanina ka pa naka-uwi, Ven?” tanong ko sa kapatid ko. May pasok kasi siya ngayong araw kaya nagtaka kao kung bakit mas nauna pa siyang umuwi sa akin. “Half-day lang kami ngayon, Ate,” tugon niya namam habang abala parin sa pinapanuod niya. “Hi Ma!” tawag ko nalang kay Mama. “Hi Nak,” maikling sambit niya naman sa akin kaya nagtaka na ako kung anong pinapanuod nilang dalawa. “Nako nga, kaya pala busy dahil paboritong teleserye ang pinapanuod,” ani ko naman nang makita ang pinapanuod nila. “Ito nga pala maintenance mo, Nay,” dagdag ko pa. “Ilagay mo nalang sa kwarto nak, salamat!” Napa-iling nalang ako sa kanilang dalawa at tumungo sa kwarto ko. Pakikinggan ko nalang din muna ‘tong break-up message ni Julie para sa boyfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD