KABANATA17

1033 Words
NANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the f**k?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xander!” Parehong nanlaki ang mga mata nila nang marinig ang pagtawag nina Trinity at Leo. “s**t!” anas pa ng lalaki saka tumayo. “You need to hide!” “Sa’n ako magtatago?” Kinuha niya ang mga damit na nasa upuan. “May secret door ka ba rito?” Nalukot ang mukha ng lalaki. “Sa palagay mo ba kailangan ko no’n?” Nilibot niya ang silid. Hindi niya rin alam kung saan siya magtatago pero alam niyang mas safe kung sa CR siya magtutungo. “Sa CR na lang!” Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo at naupo sa toilet. NAALIMPUNGATAN pa si Alexander habang inaayos ang sarili. Inayos niya rin ang kama at inilagay sa ilalim noon ang mga ginamit kagabi sa pagpupunas kay Damira. Hinihingal pa siya nang buksan ang pinto. “Finally!” ani Trinity nang salubungin siya nito. “Why are you here knocking at my door like there is no tomorrow?” tanong pa niya. “Nandiyan ba si Damira?” Saglit silang nagkatinginan ni Carla na nasa likod ng ginang. Umiling ito sa kanya. “Why should she be here? ‘Di nga kami okay, ‘di ba?” “Then, where is she?” nakataas ang kilay na tanong pa nito. “I don’t know! Hanapan ba ako ng nawawala? Check if she’s in the hospital. Baka dinalaw niya ‘yong mama niya tapos do’n na natulog.” Pinag-ekis niya ang dalawang braso upang hindi mabuko. “Right. I forgot about that. Wala ka bang pasok ngayon?” “I am going to work later. Maliligo na nga ako, eh.” Hinubad niya ang damit sa harapan nilang lahat na nagpanganga sa mga kasambahay na naroon. “Wait…” Napaatras si Alexander nang pasukin ni Trinity ang kwarto niya. “Where is she?” tanong pa ng ginang habang lilinga-linga sa paligid. “What are you talking about?” “I can feel that Damira is here… Where is she?” Kinabahan siya. Sana lang ay hindi lumabas ng banyo si Damira dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Trinity at sa babae. “Wala nga siya rito. Bahala kang halughugin ‘tong kwarto ko. Basta ako, maliligo na.” Pagbukas niya ng sliding door, sumalubong sa kanya si Damira na nagulat din nang makita siya. Mabilis niyang sinara ang pinto. Agad niyang tinakpan ang bibig nito at sinandal sa pader ng banyo. “I can feel here, Xander. Saan siya nagtatago?” “Don’t make a noise or I will tell Trinity that you are here,” bulong niya sa babaeng nakakunot ang noo habang nagpupumiglas sa piling niya. “Wala nga siya rito. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Damira nang buksan niya ang shower. “Fine. Bumaba ka na pagkatapos mong maligo. Sumabay ka na sa amin mag-almusal.” “Mauna na kayo. Mamaya pa ako aalis ng kwarto.” Nakatingin lang siya sa mga mata ni Damira at ganoon din ang babae sa kanya. “See you in the evening.” “Bye!” aniya at saka nila narinig ang pagsara ng pinto. Agad niyang pinatay ang shower at saka kinuha ang tuwalyang nakalagay sa sampayan. Kinuha niya ang robe na nakasampay at sinuot iyon kay Damira. “Stay here.” Upang makasiguro, dahan-dahang binuksan ni Alexander ang pintuan at nagmasid sa paligid. Confirmed! Walang bakas ni Trinity o ni ng mga kasambahay na kanina pa nakatingin sa abs niya. “Finally, they’re gone!” Nilingon niya si Damira at saka iginaya palabas ng banyo. “I am really sorry for what I did—“ Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng babae pagharap nito sa kanya. “What the f**k?” “’Di mo na dapat ako kinuha sa labas. Dapat hinayaan mo na lang ako do’n.” “Teka. Hindi ba dapat nagpapasalamat ka sa akin? Kung hindi kita pinasok sa loob ng mansyon, kung hindi kita inalagaan kagabi, baka hanggang ngayon inaapoy ka pa rin ng lagnat. Gusto mo na bang mamatay?” “Oo gusto ko na! May magagawa ka ba? Kahit yaman mo, hindi kayang pagalingin ang nanay ko. Ngayong may taning na ang buhay niya, kaya bang dagdagan ng pera mo ang buhay niya?” She started to cry. Hindi mag-sink in kay Alexander ang sinasabi ni Damira. Hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin sa babae. Akala niya ay nagagalit ito dahil magkatabi silang natulog o kaya naman ay inisip nitong siya ang nagpalit ng damit ni Damira. Bagsak ang kanyang mga balikat. Walang anu-ano’y lumapit siya at niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinaramdam niya ang lahay ng sinseridad na mayroon siya. “Mamamatay na siya, Alexander. Ano’ng gagawin ko?” humahagulgol na tanong nito sa kanya. He was once like her. This is one of the hurtful things in life… At wala magagawa roon ang kahit na sino… Maski siya. “I am so sorry, Damira. I am so sorry…” Wala siyang ibang magawa kundi aluin ito kagaya ng babaeng naroon para sa kanya nang malaman niyang malapit nang mamatay ang kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD