NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.
Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.
Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.
Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit papaano, naging okay sila sa interview. Pero matapos iyon, nanatili na naman ang malamig na pakikitungo sa kanya nito.
For the record at uulitin niya lang, hindi siya isang masamang tao. Hindi siya katulad ng isang “cold billionaire” na nababasa o napapanood mo kung saan man. Marunong siyang makisama. Maintindihin siya sa lahat ng bagay. At may mahaba siyang…pasensya.
“Bahala na,” aniya pagkatapos ay pinindot ang caller ID ng babae. Kinakabahan pa siya na pakinggan ang pag-ring nito dahil baka sigawan na naman siya.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang makita na mayroong umilaw sa labas ng mansyon. Dahil doon, lumapit pa siya nang husto sa bintana. Kulang na lang tumagos siya roon para malaman kung namamalik-mata lang ba siya sa nakita.
Umayos pa siya sa pagkakatayo nang sagutin ng babae ang tawag.
“Where are you?” tanong niya ngunit hindi ito sumagot.
“I was so worried about you. Tell me where you are right now. I am going to pick you up. Delikado nang nasa labas ka pa, Damira. Kanina ka pa rin hinahanap ni Tita Trinity,” dagdag niya pa.
Wala rin namang masama sa sinabi niya. Cargo niya na ito magmula pa noong nag-propose siya kaya naman hindi niya rin maiwasan na mag-alala kung dis-oras na ito ng gabi umuuwi. Ang problema lang, hindi niya ito matanong kung saan ito nagpunta.
“M-matulog ka na, Alexander…” tugon nito.
Habang matagal niyang pinagkakatitigan ang bultong nasa labas ng gate, lalong lumalakas ang kutob niyang si Damira ang babaeng iyon kaya naman lumabas siya ng kwarto. Luminga-linga pa siya sa paligid bago tuluyang bumaba.
“No. Where are you?”
Dali-dali siyang lumabas ng pinto at lakad-takbo patungo sa gate.
“H’wag mo na akong hanapin. Pagod ako.”
Mas lalo siyang umiling-iling kaya pinutol niya na ang tawag. Ito ang ayaw niya sa lahat—makulit. Mabilis siyang maasar sa mga taong ganito. Doon siya dumaan sa secret door nila ni Amaury para hindi marinig ang pagtunog ng gate.
At doon, nakita niya si Damira—yakap-yakap ang sarili at nakayuko na. Matutumba na sana ito ngunit nasalo niya pa. Hindi siya nagdalawang-isip na buhatin ito. Her clothes where half dry but he can also feel that she’s not feeling well.
Nagmamadali siyang bumalik sa mansyon. Maingat niyang sinara ang pinto at nakatingkayad pang umakyat ng hagdan upang hindi makagawa ng ingay.
Maingat niyang inihiga ang babae sa king size bed at hihingal-hingal na naupo sa gilid nito. Magang-maga ang mga mata nito at mapapansin ang tuyo nang luha sa pisngi.
Where have you been?
Sa mga naririnig niyang kwento mula kay Trinity, mukhang hindi nga naging maganda ang buhay ni Damira. Akala niya, sa drama sa TV lang mapapanood iyong mga ganoong pangyayari pero meron pala talaga sa totoong buhay. Hindi niya maiwasang maawa.
Napatayo siya nang marinig niya ang pag-ungol nito kaya kinuha niya ang gun thermometer. Nakumpirma niyang nilalagnat nga ito. kumuha siya ng t-shirt sa cabinet ngunit napahinto nang makita ang lumang mga damit pambabae sa ilalim na bahagi noon.
Maririnig ang pagbuntong-hininga niya sa kwarto. That clothes should have been burned for a long time. Pero heto siya ngayon, ipapagamit niya sa magiging so-called fiancée niya.
Nakatingin lang siya kay Damira matapos niyang ilagay ang ipampapalit nito sa gilid ng kama. Natulala na lang siya hindi dahil sa himbing ng tulog nito ngunit kung paano niya bibihisan si Damira.
“Nope. I am not going to do that,” iiling-iling na sabi niya at saka kinuha ang cellphone at tinawagan si Carla.
“Hello, Sir…”
Napakagat-labi pa siya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na nandito si Damira sa kwarto niya. For sure, malaking balita ito bukas.
“Thank God that you are still awake!” Para ba siyang nabunutan ng tinik.
“Ah, nanonood pa po kasi ako ng KDrama. Ano po ‘yon, Sir?”
“Can you come upstairs? I badly need help with Damira—“
“Nandiyan po siya, Sir?” malakas ang boses na tanong nito. Maski siya napaigtad kahit na magkausap lang sila sa kabilang linya.
“Y-yes. Can you please hurry up? She’s not feeling well. I need your help to change her clothes.”
“T-teka po. Kukuha lang ako ng damit sa kwarto niya.”
“No need. Just come here. I’ll leave the door open.”
Huminga siya nang malalim habang hinihintay ang babae na dumating. Wala pang limang minuto, mahina itong kumatok sa pinto saka iyon binuksan.
“Hey, Carla. Let’s talk first, okay?” bulong niya matapos dahan-dahan na isara ang pinto.
“Okay, Sir.”
“Please, kung sakali man na magtanong sila, saka mo lang sasabihin na nandito si Damira, understood?”
“No problem, Sir. Pero bakit nga ba rito n’yo siya dinala?”
Hindi siya nakaimik agad.
“I-I was in a hurry. I saw her sitting in a gutter outside. Hindi ko alam kung bukas ba ‘yong kwarto niya o hindi that’s… that’s why I bring her in.”
“Ah, okay lang ‘yan, Sir. Hindi mo kailangan mag-panic. Ako lang ‘to,” biro pa sa kanya ni Carla. “Nasa’n po ‘yong damit niya?”
Ngumuso ang lalaki sa gilid ng kama kaya lumapit doon si Carla. Sa pagtanaw pa lang nito sa mukha ng babae, napailing na ito.
“Why?”
“Mukhang alam ko na kung sa’n siya nagpunta…”
“Saan?” tanong pa niya.
“Sa ospital. Nitong mga nakaraang araw, naikukwento niya sa ‘kin na tumatawag ‘yong tito at tita niya. Nanghihingi yata ng pera. Eh, ‘di ba wala naman na siyang trabaho kasi umalis na siya sa convenience store? Tinakot siya ng tita niya one time sa text na pupunta sila sa ospital para kunin ‘yong mama niya. ‘Di ko lang alam kung tinotoo ba pero ‘yang ganyang mukha niya na mugto ang mata, alam kong sa ospital ‘yan siya galing,” salaysay ng babae habang pinipigaan ang tuwalya sa maligamgam na tubig na dala rin nito.
“I am just going to my library. Puntahan mo na lang ako kung tapos ka nang bihisan siya.”
Tumango lang ang babae at naglakad na patungo si Alexander sa library. Ilang saglit lang, kinatok na siya ni Carla kaya sabay nilang tinungo si Damira na mahimbing nang natutulog.
“Bukas ng umaga, tawagan n’yo na lang ako para dalhan siya ng almusal. Mataas ang lagnat niya. Kanina, nanginginig pa siya habang pinupunasan ko. Umuungol din. Tinatawag niya ‘yong papa niya.”
“Thanks, Carla. Can you tell me where her father is?”
Mapait na ngumiti si Carla habang nasa pinto.
“Kagaya ng mama n’yo, namatay rin sa cancer ‘yong papa niya. Kaya kinatatakot niya na ‘yong mama n’ya ro’n din mamatay. Sa ngayon, kayo na muna ang mag-alaga sa kanya. Alam kong kailangan niya kayo kahit na hindi kayo madalas magkasundo. Magiging asawa n’yo na siya, ilang buwan na lang. H’wag kayong mag-alala kasi ‘di ‘to makakalabas.”
“T-thanks…”
He closed the door and then sat beside her.
Dinampi niya pa ang palad sa noo ni Damira upang i-check kung gaano ito kainit. Napaatras pa siya nang bigla itong dumilat.
“A-Alexander…”
It was clear. She is calling him. For the first time, tinawag siya nito sa isang kalmadong boses. Kinuha niya ang upuan at naupo sa gilid nito. He’s just going to let her rest for today. Bukas, kahit na anong mura nito, tatanggapin niya.