Kabanata 7

1145 Words
HINDI LANG yata apat na beses na sinumpa ni Damira si Alexander habang naliligo. Naririnig niya ang boses ni Carla na pinamamadali na siya dahil tumawag na naman sa kanya ang lalaki. “Hayaan mo siyang maghintay!” sigaw niya habang palabas ng banyo. “Miss Damira, pasensya na kayo. Napag-utusan lang naman kami ni Sir Alexander.” Nakalatag na sa kanyang kama ang damit sa si Carla mismo ang pumili galing sa mga ibinigay ni Trinity sa kanya. “Bakit ‘yan ang susuotin ko? Pwede namang naka-t-shirt na lang ako at maong na shorts.” Nagkamot-ulo ang dalaga. “Please, Miss. Sundin n’yo na lang ako.” Isa iyong sleeveless V-neck dress na hanggang dibdib ang hiwa. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganyan ka-revealing na damit kahit na hindi naman ganoong makikita ang cleavage niya. “Ayoko niyan!” tanggi nya. “Mabilis lang naman kayo roon, Miss. At saka, si Sir kasi ‘yong susunduin n’yo. Ayaw n’yo naman na magmukha kayong katulong niya, ‘di ba?” pang-e-engganyo pa nito sa kanya. Kaysa makipagtalo pa, suinuot niya na lang ang damit na iyon at nilugay ang basa pang buhok. “Bagay na bagay sa inyo ‘yan, Ma’am,” sabi pa sa kanya ni Macario habang pasakay ng kotse. “Naku, tigilan n’yo ako ni Carla, ha?” Ngumiti na lang ang binata habang pinagsasaraduhan siya ng pinto. Muli na namang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito. “What took you so long?” tanong agad ng lalaki sa kabilang linya. “Alangan naman bilisan kong maligo, ‘di ba? Ikaw na nga lang ‘tong magpapasundo, ikaw pa ‘tong napakaraming reklamo.” “Fine! Where are you?” “Papunta na. Bakit kasi hindi ka na lang umuwi mag-isa? Napaka-arte mo naman. Kailangan pa ng susundo sa ‘yo.” Umirap pa siya. “That’s not the point! You’ll understand when you got here.” Sakto naman na huminto na ang sasakyan sa entrance ng airport. “Nasa’n ka ba banda? Maglalakad na ako.” “I-te-text ko na lang sa ‘yo. She’s already here.” Hindi niya alam kung tama baa ng huling pangungusap na narinig niya dahil sa ingay ng lugar na iyon. Habang hinahanap niya si Alexander, nakatanggap siya ng mensahe mula sa lalaki. From +63915*****24 Message: Waiting area B. Faster. “Ang demanding naman nito.” Lilinga-linga siya sa paligid nang makita niya ang café na malapit sa waiting area na sinasabi nito. Nakita niyang nakatayo roon si Alexander—wearing his working polo and black pants. Kinabahan siya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng lalaki sa itsura niya dahil hindi na siya nanalamin matapos magbihis at magsuklay. Habang papalapit siya, nakita niya ang isang babaeng lumapit sa lalaki. May hawak itong dalawang cup ng kape. Nahinto siya sa paglalakad nang kumuyapit ito sa braso ni Alexander. “Oh, shoot…” Iyon lang ang nasabi niya sa sarili. Aatras na sana siya nang makita siya nito. “Babe!” sigaw ng lalaki sa kanya with matching lapad ng pagkakangiti at kaway. “B-babe?” bulong niya pa sa sarili habang nakatingin sa paligid at hinahanap kung sino ang tinatawag ng lalaki. Iniwan nito ang babaeng nagbigay ng kape at hinila ang dalang maleta patungo sa kanya. “A-ano’ng sinasabi mo?” bulong niya sa lalaki nang lapitan siya nito. “Please, sumakay ka na lang muna, okay? I’ll explain this later. Okay?” Napatango na lang siya nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Mas lalo niyang ikinagulat nang bigla siyang akbayan nito sa balikat habang palapit sa kanila ang babaeng kulay blonde ang wavy na buhok. Nakasuot ito ng backless dress na kulay pula ngunit mas mapula pa rin ang labi nito. Napalunok siya nang huminto ito sa kanyang harapan at sinuri siya mula paa paakyat sa ulo. “Who is she?” “This is Damira, Luanne. I told you. She’s going to pick me up.” Pinisil pa ni Alexander ang balikat niya para mas lalo siyang lumapit sa lalaki. “Please act,” nagsusumamo at pasimpleng bulong pa nito sa kanya habang inaamoy ang kanyang buhok. “So, is she your girlfriend?” “Ha? H-hindi—“ “Of course not. She’s not my girlfriend because she’s going to be my wife.” Parehong nanlaki ang mata ng dalawa nang biglang lumuhod ang lalaki sa harapan ni Damira at kinuha sa bulsa ang isang pulang velvet ring box. Pagbukas noon, nagsipaghiyawan ang mga tao sa loob ng airport. Nanuyo ang labi at lalamunan ni Damira sa nakakabiglang pangyayaring ito. “Damira…you are my life and my everything. I can’t imagine my life without you. Before I met you, I never realize how empty my life is and having you by my side is what completes me. I want to be with you…forever. Will you be my wife?” Napatakip siya ng bibig. Her knees became jelly as her hands were shaking. That was the sweetiest proposal that she heard. Kitang-kita ang kinang sa mga mata ni Alexander habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Para bang nakikiusap itong sumagot na siya dahil ilang minuto na rin itong nakaupo. Sumenyas pa ito ng tingin kay Luanne kaya kailangan niya nang sumagot—kahit pa alam niyang kunwari lang ang pangyayaring ito. “Will you marry me, Damira?” muling tanong ng lalaki kaya sumagot na siya. “O-of course! Of course, Alexander. I will…I will marry you.” Hinawakan ng lalaki ang kamay niya at sinuot ang isang diamond ring na alam niyang mas mahal pa sa buhay niya ang presyo. Maririnig ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Ngunit mapapansin ang pagkalukot ng mukha ni Luanne sa napapanood. “Kiss! Kiss!” hiyawan ng mga taong naroon. “Hindi mo kailangang gawin ‘yon, Xander,” bulong niya pa habang niyayakap siya nito. Ngunit huli na ang lahat dahil napakabilis ng pangyayari—hinaplos ng lalaki ang dalawa niyang pisngi at sa isang iglap, nagdikit ang kanilang mga labi. Napapikit siya sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Halo-halong emosyon ang dumadaloy sa kanyang sistema ngayon—saya, lungkot, inis, at panghihinayang. Napadilat siya nang hapitin siya ni Alexander sa baywang ay iginalaw nito ang labi. Nagpatianod siya sa nakakakiliting pakiramdam na iyon. Para bang nahinto ang oras at walang mga taong nakakakita. Bumalik lang sila sa reyalidad nang marinig ang impit ng tili ni Luanne na paalis na sa kanila. Agad na tinulak ni Damira ang lalaki palayo sa kanya at napatikhim. “U-umalis na siya. Umuwi na tayo. Hinihintay na tayo ni Macario sa kotse.” Nauna siyang maglakad kahit na para bang hindi niya maibalanse ang dalawang paa. That was her first kiss and it was stolen by a stranger. No. He’s no longer a stranger. Alexander is going to be her fiancé. Her fake fiancé.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD