KABANATA8

1251 Words
BACK TO NORMAL at tila ba walang nangyaring proposal sa airport habang naglalakad sina Alexander at Damira palabas ng lugar. Tikom ang kanyang bibig habang nakikiramdam sa babae. Manaka-naka pa ang pagsulyap niya ngunit kung sakali man, nakahanda na ang pisngi niya sa malutong nitong sampal. Hindi siya mapakali. What he did is wrong. Una, nagpadalus-dalos siya sa desisyong mag-propose sa harap ng maraming tao para lang lubayan siya ni Luanne. Ikalawa, ni hindi man lang niya nabigyan ng heads up ang babae sa gustong mangyari. At ang ikatlo, ni hindi man lang siya nanghingi ng permiso para halikan ito. Mariin siyang napapikit nang maalala ang tagpong iyon. He is still tasting the sweet and minty flavor of Damira’s mouth which is not good for him. Kakaiba ang sensasyong naramdaman niya habang hinahalikan niya ang babae kanina at maling-mali iyon. Umiling siya upang iwaksi sa isipan ang tila ba isang scene sa pelikula. Hinabol niya si Damira habang pababa ito ng hagdan. “Good morning, Miss.” Narinig niya pa ang masiglang bati ni Macario na nakasandal sa pinto ng kotse. Dinaanan lang ito ng babae. Napaigtad pa silang dalawa nang padabog nitong isara ang pinto ng backseat. “Good morning, Sir!” abot-taingang bati nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya sa wirdong itsura nito. “Nagkape ka na ba?” maang na tanong niya. “Of course! Congratulations on your engagement, Sir!” sabi pa nito sabay kuha ng bagahe niya at dinala iyon sa compartment ng kotse. Mas lalong nagpang-abot ang dalawang kilay niya sa sinabi nito. “H-how do you know?” tanong pa niya. “Sus! Trending kayo sa social media app. ‘Di n’yo ba alam?” Nilabas nito ang cellphone at pinakita sa kanya ang video mula noong lumuhod siya sa harapan ni Damira hanggang sa naghalikan silang dalawa na pinalakpakan ng hindi mabilang na tao. “Oh my, God!” singhap niya habang pinapanood iyon. “What did I do?” Pilyo siyang siniko ng lalaki. “Ikaw, Sir, ah. Sabi mo, hindi mo pakakasalan si Damira. Sa Singapore ka pa talaga bumili ng singsing, ah. Scripted ba ‘yong nangyari sa dining area?” “How can I remove this?” “Hayun lang. Kahit burahin n’yo ‘yan, ‘di lang naman siguro isa ang kumuha ng video kanina. Kakalat at kakalat ‘yan, for sure,” siguradong sagot ng kanyang driver. “I’ll call the Montelumieres later. I am confident that they can delete it on the app.” “Good luck, Sir. Bakit n’yo nga pala pinapabura? Ayaw n’yo bang—“ “Yes, I don’t like it. Alam mo naman na hindi ako sanay sa publicity na ganyan. Kailangang ma-delete ‘yan bago pa ‘yan makita ni Damira. Hindi dapat nangyari ang nangyari ngayong araw.” Hindi na sumagot pa si Macario at sabay silang pumasok sa loob ng kotse. Tumabi muna siya sa lalaki dahil baka sipain siya palabas ni Damira kung tatabihan niya ito sa backseat. Nasulyapan niyang nakapikit na ito habang may salpak na headset sa tainga. “Let’s go home…” Habang nasa kalagitnaan ng byahe, hindi niya na mapigilan ang gutom kaya naman nakisuyo siya sa lalaki na mag-order ng burgers na pwede nilang kainin habang nasa byahe. “Nagpabili ako ng burgers kay Macario kaya nahinto tayo sa parking lot. Do you want something aside from that?” tanong niya nang magising si Damira. “Sa bahay na lang ako magkakape,” matipid na tugon nito. Nanahimik na naman silang dalawa. Nakatingin lang ang babae sa labas habang siya naman ay naghahanap ng tamang salita upang sabihin na gusto niyang mag-sorry sa ginawa kanina. Matapos makaisip ng ideya kung paano ito malumanay na kakausapin, huminga siya nang malalim. “Damira…” Lumingon pa siya sa babae. “Hmm?” walang ganang tugon nito habang nakatingin pa rin sa labas. “I am so sorry on what happened earlier. Hindi dapat nangyari ‘yon. I should’ve think of something else para mapaalis si Luanne.” Nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya. “It’s okay. Alam ko naman na ‘yon talaga ang purpose ko kaya mo ako pinapunta, hindi ba? It’s just a play, Alexander. And I understand it.” He felt that cold stare to him. Doon pa lang, alam niya nang hindi ito okay. “How can I make it up to you?” tanong pa niya. “Look, kung akala mo ay big deal sa akin ang nangyari kanina, nagkakamali ka. Professional akong tao kahit na sa convenience store lang ako nagtatrabaho. Pero sa susunod na gagawin mo ‘yon, sabihan mo ako para naman nakasabay ako sa sarili mong script. Para akong mukhang tanga kanina.” Napaawang ang labi niya. He can’t find the words to say next. Buti na lang dumating na si Macario. Kaninang tulog ang babae, napakiusapan niya itong huwag banggitin ang tungkol sa nangyari kanina kapag nagising si Damira. “Good morning, Miss,” muling bati niton nang makaupo sa driver’s seat. “Pasensya na kayo medyo natagalan kasi ang daming tao sa loob.” Isa-isa nitong iniabot ang pagkain at nagpatuloy sa byahe. Hindi ginalaw ni Damira ang binigay na pagkain ni Alexander sa kanya. Bitbit niya pa iyon nang maunang lumabas ng kotse matapos itong mai-park sa harapang bahagi ng mansyon. Sa paglalakad niya pa lang, nakapako na sa kanya ang tingin ng lahat ng taong madadaanan niya. Dama niyang nasa likod niya si Alexander dahil sa tunog ng gulong ng maleta nito. Sa kanila nakatingin ang mga kasambahay na nasa living room. Pababa na rin sina Trinity at Leopoldo sa hagdan nang maabutan nila ang dalawa. “Damira,” pabulong na tawag ng lalaki kaya naman nahinto ito sa paglalakad. “What is it?” “I…I just want to let you know how stupid I am to ask you to marry me. Hindi dapat ‘yon nangyari. You already know that I can’t marry someone who I didn’t actually know. I am so sorry kung nadawit ka sa ginawa kong ‘to. I just also want to let you know that someone uploaded our video in a social media app but don’t worry because I’ll do my best to delete it in all platforms. I will sort this mess that I made.” Walang ekspresyon na makikita sa mukha ng babae habang nakikinig ito sa kanyang paliwanang. Nakatingin lang ito sa kulay almond niyang mga mata at tatango-tango. “Good.” Tinalikuran na siya nito. “I hope you have no feelings for me. I am not ready for anything. Kung magugustuhan mo man ako, hindi ko kayang ibigay ‘yong pagkagusto na ‘yon sa ‘yo,” dire-diretso niyang sabi. “Fine.” Muli siyang tinalikuran nito. Ngunit binalikan siya nito matapos nitong makalayo. “I forgot something…” sabi pa nito sa kanya. “What is it—“ Halos mayanig ang buong mundo niya nang hindi niya mapaghandaan ang isang malutong na sampal na ibinigay sa kanya ng babae. Agad na namanhid ang kanyang pisngi. Hindi siya nakapagsalita lalo na nang ngumiti ito sa kanya. “I forgot to give it back.” Hinubad nito ang singsing at ibinuka ang kanyang mga kamay saka inilagay sa kanyang palad ang diamond ring. “I enjoyed this day. Huwag na sanang maulit.” Umirap pa ito sa kanya bago dire-diretso na umalis sa kanyang harapan. Naiwan siyang nakatanga. Yeah. I didn’t expect that to hurt that way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD