MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita.
“What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari.
“It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.”
“Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama.
“Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa.
Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.”
Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki.
“Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa.
“Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver.
“Naku, hindi n’yo pa ba alam?”
Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa ang video ng kaganapan sa airport kanina. Nang lumuhod si Alexander sa harapan ni Damira, nanlaki na kaagad ang mga mata ni Trinity. Mas lalo itong napasinghap nang halikan ng lalaki ang babaeng isang linggo mahigit pa lang na nakatira sa kanilang tahanan.
“H-how did this happened?”
“M-Ma’am…” Napalingon sila kay Carla na nasa likod ni Macario. “Tinawagan po kasi ni Sir Alexander si Miss Damira kasi sinundo siya ni Luanne sa airport. Wala pong may kasalanan sa kanilang dalawa. Feeling ko po, nagulat lang din sila sa bilis ng pangyayari kanina,” nahihiyang pahayag nito.
“I see. But I need to talk to Alexander about this. May mga bagay kaming dapat pag-usapan. Call me if he’s already awake.”
Tumango ang dalawa habang makahulugang nagtinginan ang mag-asawa. Ni hindi man lang nila in-expect na mangyayari nang ganito kabilis ang bagay na ito.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Trinity. Masaya siya dahil nag-first move na ang anak ngunit parang hindi ito ang tamang panahon, oras, at araw para doon.
Kanina lang ay nagkainitan sina Leopoldo at Genesis sa telepono dahil inihahanda na nito ang pagpapakasal nina Alexander at Luanne. Iginiit ng lalaki na ipapakasal nito ang anak sa isang babaeng ni wala man lang alam sa kahit na anong negosyo. Ni magtimpla ng kape ay hindi nito alam kung papaano.
Ngayong nalaman na ng madla na ikakasal na ang panganay nilang anak, paniguradong isa-isang press na ang darating sa kanilang bahay at hindi pwedeng malaman ng mga ito na nakatira ang dalawa sa iisang bubong.
“Can we ask the Montelumieres to delete this?” tanong ni Trinity sa asawa.
“No. Hayaan mong kumalat ‘yan sa lahat. We just need to prepare the two of them for the questions that will be asked by the media. Kailangan na nilang pangatawanan ang bagay na ‘to dahil may mga nakakita na. Hindi natin pwedeng agad-agad bawiin ang nangyari. Mas maigi nang ganito ang naging sitwasyon kaysa nauna pa sila Genesis.”
DILAT NA DILAT ang mga mata ni Damira kahit na kanina niya pa gustong matulog ulit. Nakatingin lang siya sa kisame ng kwarto at hanggang ngayon ay hindi mapirmi ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso.
“Bwisit!” sigaw niya sabay ang sunod-sunod na sipa sa ere dahil naalala niya ang walang kwentang pinagsasasabi ni Alexander kanina.
I just want to let you know how stupid I am to ask you to marry me. Hindi dapat ‘yon nangyari.
“Dapat lang!” sagot niya.
You already know that I can’t marry someone who I didn’t actually know.
“Tapos bigla-bigla kang luluhod at maglalabas ng singsing?!”
I am so sorry kung nadawit ka sa ginawa kong ‘to.
“You are sorry but you are not forgiven! Kahit ano’ng gawin mo, hindi kita patatawarin. Dapat nga nagpasalamat ka pa sa akin dahil pinuntahan kita sa airport!”
I just also want to let you know that someone uploaded our video in a social media app but don’t worry because I’ll do my best to delete it in all platforms.
“Oh, Diyos ko!” naggagalaiti niyang sigaw at saka nagsususuntok sa hangin. “Talagang pinasikat mo pa talaga ‘tong pagmumukha ko!”
Nahinto lang siya nang marinig ang tawag sa cellphone. Si Amelia iyon.
“Hell—“
“Damira! Diyos ko, hindi mo naman sinabi sa akin na bilyonaryo pala ‘yong mapapangasawa mo,” excited at kinikilig na bungad nito sa kanya.
“Ano’ng pinagsasasabi mo riyan?”
“Hindi mo alam?”
“’Yong alin ba?” ganting tanong niya.
“Ano ka ba? Hindi mo ba alam na Casablanca ang apelyido ni Alexander? Muntik na nga ‘yang maging artista kaya. Siya lang umayaw kasi mas pinili niya ‘yong business niya. Pero may mga commercial ‘yan siya dati. Grabe, napakaswerte mo naman. Sana all!”
“T-teka nga…”
Agad niyang tinipa ang pangalan at apelyido ni Alexander sa search bar at voila! Totoo nga. Siya ay si Alexander Casablanca. Panganay na anak nina Leopoldo at Denise Casablanca. Isa sa pinakabatang bilyonaryo sa Pilipinas at nasa top five ng bilyonaryong pamilya sa Pilipinas ang kanilang apelyido.
Halos mangawit ang panga niya sa kanganganga.
“Nandiyan ka pa ba?” tanong ng babae sa kabilang linya.
“O-oo. Pwede ba tayong magkita ngayon? Off mo ba?” tanong niya sabay bangon.
“Oo. Magkita tayo sa café sa McIntyre Mall, okay? Magbibihis lang ako.”
Agad na nagbihis si Damira. Kinuha niya ang blouse at tokong na dapat ay suot niya kanina. Kinuha niya ang sandals at saka lumabas ng kwarto.
Taas-noo at dire-diretso ang lakad niya ngunit dinadasal niyang hindi magkrus ang landas nila ni Alexander sa loob-loob. Tahimik ang paligid nang madaanan niya ang dining area at living room ngunit nakasalubong niya si Carla.
“Miss, sa’n kayo pupunta?” tanong nito sa kanya.
“May kikitain lang ako. Baka ‘di ako rito mag-lunch, ha? Pakisabi na lang kina Trinity…”
Tumango na ito. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang may maalala siya.
“Carla, may itatanong ako.”
“Ano po ‘yon?”
“Casablanca ba talaga ang apelyido ng pamilyang ‘to?”
Muli itong tumango. “Opo. Bakit? ‘Di n’yo ba alam?”
“Hindi nga?”
Nginuso nito ang door knob na may nakaukit na letrang C and B.
“Makikita n’yo rin ‘yan do’n sa may gate. ‘Di n’yo ba napansin?”
“H-hindi…”
“Nakakaloka naman kayo. Akala ko naman alam n’yo ‘tong bahay at buhay na pinasok n’yo.”
“M-mag-uusap tayong dalawa mamaya. Aalis na muna ako.” Nagmamadali siyang lumabas nang makita niya naman si Macario na naglilinis ng kotse.
“Mukhang may pupuntahan kayo, Miss. Ihatid ko na kayo?”
“Hindi na. May sakayan naman sa labas ng village. Kaya ko na ‘to,” masungit na tugon niya.
“Sigurado kayo?”
“Yup. Siguradong-sigurado.”
Pagdating niya sa gate, nakita niyang muli ang nakaukit na letrang C and B. Hindi lang iyon dahil pagtingala niya, nakita niya ang napakalaking arko roon na may nakasulat na Casablanca Residence.
Napailing siya. “Bakit ‘di ko ‘to nakita?” tanong niya pa sa sarili saka napakamot-ulo.