KABANATA10

1191 Words
“PARANG napakaimposible naman niyang sinasabi mo,” ani Amelia matapos ikwento ni Damira ang buong pangyayari habang nasa isang café sila. Pagpasok niya pa lang sa mall, hindi na siya mapalagay sa sulyap na natatanggap niya sa mga taong nadadanan niya. Iba ang impact ng nangyari kanina. Ipinakita pa ni Amelia sa kanya kung ilang libo ang nag-share, comment, at nanood ng video nilang dalawa. “Mukha ba akong nagbibiro? No’ng nasa bahay nila, saka ko lang nalaman na gano’n ang magiging set up ko. Ayoko naman na rin umuwi kina Tita. Muntik-muntikan na nga ako no’ng araw na ‘yon kaya pasalamat talaga ako kay Trinity kasi kinuha niya ako.” “Hmm… hindi na naman kita masisisi kung ma-love at first sight ka kay Alexander kasi grabe naman ka-pogi ‘yon, ‘no! Gwapo rin naman ‘yong bunso niyang kapatid kaso mas bet ko si Xander. Kaso, taken na pala,” pagpaparinig nito. “Hay naku, Amelia. Kung alam mo lang…” “Attracted ka naman pala sa kanya, eh. Gumawa ka na lang ng paraan para ma-attract din siya sa ‘yo.” Nalukot ang mukha niya. “Hindi na, ‘no. Attracted lang naman ako pero hindi ko sinasabi na magkakaroon ako ng feelings sa kanya. At saka, ayoko rin. Sisiguraduhin kong ‘di ako dadating sa point na gano’n.” “Bakit? Masama ba ugali?” pang-uusisa pa nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung oo, baka sabihin nitong grabe siya ka-judgemental sa isang linggo pa lang niyang nakasama ang lalaki. Kung hindi naman, para bang tino-tolerate niya ang ginawa nito sa kanya kanina. “’Di naman sa masama ugali. Basta, medyo mahirap i-explain. Ikaw ba naman ipakasal sa taong ‘di mo kilala, ‘di ba?” “Eh, ba’t naman ikaw?” “’Di ba nga? Dahil lang naman kay Mama kaya ko ‘to ginagawa. Kung ‘di lang naging gano’n kalagayan niya, baka hanggan ngayon, kaming dalawa lang ang magkasama sa buhay. Wala pa akong problema,” tugon niya. “So anong plano mo?” “Kung sakali man, ipapangako ko sa sarili ko na hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya. Itataga ko ‘yan sa bato.” “’Di mo sure ‘yan! Marami na akong napanood na pelikulang ganyan, eh. Tapos in the end, kakainin din nila ‘yong sinabi nila.” Napangisi siya habang sumisimsim sa tasa. “Bago pa man mangyari ‘yon, aalis na ako sa mansyon. ‘Di na ako magpapakita sa kanya.” “Hay naku, Damira. H’wag ka na lang muna mangako. Napakaraming pwedeng mangyari sa isang taon.” Ngumiti ito sa kanya. “Hangad ko lang na sa isang taon na ‘yon, bumuti na ‘yong kalagayan ni Mama. Wala naman akong ibang hinihiling kay Lord kundi ‘yon lang. Wala na nga si Papa, pati siya mawawala pa sa akin.” “Teka nga! Maiba tayo ng usapan bago pa tayo mag-iyakan.” Siya naman ang ngumiti. “Ano ‘yon?” “How’s the kiss?” Nalagok niyang agad ang kape sa tanong nito. Muntik pa nga siyang mabulunan. “Ano ba naman ‘yang tanong mo.” “Ano nga? Okay lang ba? Halata bang ginawa lang niya ‘yon for prentend? O kahit papa’no naramdaman mo naman na totoo ‘yon?” Hindi siya nakaimik ngunit umiling. “Bakit?” tanong pa ni Amelia sa kanya. Ayaw niya na sanang maalala pa ang nangyari kanina dahil heto na naman ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. “Fake lang nga ‘yon.” “’Di nga?” Nakataas pa ang kilay nito sa kanya. “Oo nga. Ayaw mo pa maniwala. Halata naman sa video, ‘di ba? Nininerbyos pa nga siya no’ng ilabas niya ‘yong singsing. Halatang first time niya—“ “Oh? Pa’no mo nalaman?” Mas lalong tumaas ang kilay nito kasabay ang pag-arko ng labi. “A-alam ko lang! Ako ‘yong nando’n, eh. Pwede ba, huwag na natin pag-usapan ‘yan?” “Oo na! Oo na. Pero nakita mo ‘yong babae?” “Oo naman. Nando’n na siya no’ng dumating ako.” “So…” Makahulugan siya nitong tiningnan. “So, ano?” Siya naman ang tumaas ang kilay. “Maganda?” “Of course! Galing sa mayamang pamilya ‘yon, for sure. Knowing Alexander is a Casablanca, hindi naman posible na maraming babae na galing sa mayamang pamilya ang gustong mapangasawa siya. Kaso…” “Kaso, taken na?” Umiling siya. “Hindi dahil do’n. Hindi pa siya ready to settle down.” Umarko ang kilay ni Amelia. “Wow. I never expect that.” “Same here. No’ng pinakilala ako ni Trinity sa kanya as a fiancée, umayaw siya agad. So, that’s it.” “Hmmm…” Nakatingin lang ang babae sa kanya. “Pa’no kung ‘di matuloy ‘yong kasal?” Nagkibit-balikat siya. “Okay lang naman. Basta… basta matupad lang ni Trinity ang pinangako niya sa akin. Walang magiging problema.” Pagkatapos noon, muling humigop ng kape si Damira. Pansin niya ang kakaibang tingin sa kanya ni Amelia na ikinakaba niya. Pigil na pigil ang totoong emosyon niya sa mala-showbiz interview nito. Ayaw niyang magkaroon ng ideya ang ibang tao sa tunay niyang nararamdaman na hanggang maaga ay ibabaon niya na sa limot. MAGHAHAPUNAN na nang umuwi si Damira sa mansyon. Walang tao sa lobby hanggang sa marating niya ang dining area. Nakaupo na roon si Alexander habang nakatingin sa cellphone. Si Leopoldo naman ay nakaharap sa laptop. “Damira…” Saglit na nagtagpo ang paningin nila ni Alexander ngunit una itong umiwas. “Sa’n ka galing?” “Nagkape lang kami ni Amelia. Dinalaw ko rin si Mama sa ospital. Mula kasi no’ng nag-stay ako rito, ngayon ko lang siya nadalaw.” “Does she knew what happened?” “Tungkol saan?” tanong niya dahil dalawa ang nasa kanyang isipan—ang pagtira niya sa bahay ng mga Casablanca at ang nangyari kaninang umaga. “Sa pagkuha ko sa ‘yo at pagpapatuloy rito sa bahay. Alam niya ba?” Tumango siya. “Kanina ko lang sinabi. In-expect ko nga na pumunta sina Tita pero ‘di naman nangyari.” “That’s good to know. Let’s have first our dinner then I would like to talk to you and Alexander.” “T-teka. Tungkol ba ‘to sa nangyari kanina?” “Yes.” “Pwede naman siguro nating buharin ‘yong video. Alam ko na ayaw pa ni Alexander… mukhang napilitan lang siya kanina dahil do’n sa babae.” Trinity patted her shoulder and smiled. “We can talk about it later. Relax.” Sumunod siya sa babae at naupo sa tabi nito. Iiwas sana siya na makasama sa iisang lugar ang lalaki ngunit kailangan niyang malaman kung ano ang sasabihin ng mga ito sa kanya. Kahit ano pa mang maging desisyon, tanggapin mo, Damira. Pero ipangako mo sa sarili mo na kung sakali man na matuloy ang plano ni Trinity, maging malinaw ka kay Alexander. Sabihin mo na hindi mahuhulog ang loob mo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD