KABANATA11

1209 Words
MATAPOS ang payapang hapunan, nagpunta ang apat sa study room kung saan may privacy sila upang pag-usapan ang nabuong plano ng mag-asawa kaninang tanghali. “We’re so surprised on what happened earlier,” pagbubukas ni Trinity ng usapan matapos maupo sa tabi ng asawa. “’Yong nangyari kanina, hindi naman talaga dapat nangyari ‘yon kung hindi ako sinundan ni Luanne. Kung tutuusin, pwede ko siyang kasuhan ng stalking dahil alam niya na palapag na ako ng eroplano at alam niya kung anong oras at anong eroplano ang sinakyan ko,” mabilis na sagot ni Alexander na ilang metro ang layo kay Damira. “Can we delete it, right?” pahabol na tanong pa nito. “No,” mabilis na sagot ni Leo. “We can no longer delete it because it is already circulating online. Kahit na burahin natin ang sampung websites or pages na nag-upload no’n, hindi natin alam kung gaano karami pa ang may kopya at balak mag-upload no’n sa social media apps,” tugon pa ni Trinity. “Ano pong gagawin natin? Hahayaan na lang natin na kumalat ‘yon?” tanong ni Damira. “Yes. Let it trend because we are going to make it real,” sagot ni Leopoldo na nagpalukot sa mukha ni Alexander. “What do you mean by that?” tanong pa ng lalaki. “You are going to marry Damira, Alexander—“ “No! When I said, no, it’s no.” “Then do you want to marry Luanne instead?” mapaghamong tanong ni Leo sa kanya. “I am not marrying that spoiled brat!” “Then choose between Damira and Luanne,” sagot agad ni Trinity. Sa mukha ngayon at kinikilos ng lalaki, baka isang iglap lang ay bumuga na ito ng apoy dahil sa galit at frustration. “Wala ka man lang bang sasabihin?” tanong nito kay Damira. “We already have an agreement. That’s why she is here living with us,” tugon muli ng ginang. Tumayo si Alexander at pinakalma ang sarili habang paroo’t parito sa loob ng study room. “We can think of some other way than marriage.” “Sa ginawa mo kanina, may balak ka pang ‘di ikasal kay Damira? Eh, ikaw ‘tong nag-propose sa kanya?” pang-uuyam pa ng ama nito. Pigil na pigil ang galit ng lalaki sa pagkuyom nito ng dalawang kamao. “Sinabi ko na sa inyo, kasalanan ‘to ni Luanne.” “If you don’t want to get married, then tell us what to do instead deleting it from the web dahil napakaimposible. Kung gusto mo, magpatawag tayo ng press? Sabihin natin na hindi totoo ang proposal na ginawa mo and you are not getting married, gano’n ba? Aba, mas lalong matutuwa si Luanne no’n,” tugon pa ng ama. Mahirap para kay Leopoldo ang ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na para niyang ginigisa sa sariling mantika ang anak. Ngunit mas maigi na ito kaysa sa mapunta pa ang lalaki sa maling pamilya katulad nina Genesis at Luanne. Nanahimik ang lalaki. Kitang-kita sa mukha nito ang pagtimbang sa dalawang bagay na napakaimposible para sa kanyang pumili. Ilang minuto pa silang nagpapakiramdaman hanggang sa sumagot na ito. “Fine. I am going to marry Damira. But this will last for a year only. After that, we’re going to have a divorce.” “We’re fine with that. You don’t have to worry about it. For sure naman, nakalimutan ka na no’n ni Luanne. Women can easily move on in life,” sagot ni Trinity. “Since you have already decided about it, we have already prepared the answer that the media might ask you. Ibibigay namin sa inyo ang fake information kung kailan at saan kayo nagkakilala. Make sure na pareho rin ang sagot ninyo sa mga bagay na gusto ninyo. Hindi pwedeng mabuko na isang contacted marriage lang ‘to, naiintindihan ninyo?” “You have already planned for this?” hindi makapaniwalang tanong ni Alexander sa ama. “Ikaw ang gumawa ng first step, Alexander. Nilalagay ko lang sa tamang landas ‘tong ginawa mo.” Tumayo na ang lalaki. “Bueno, mag-usap muna kayo ni Damira. I know you need time for this.” Nang marinig ni Damira ang pagsara, agad itong tumayo at nagtungo sa pinto. “Where are you going?” tanong sa kanya ni Alexander. “Aalis na. Pupunta na ako sa kwarto.” Hinawakan niya ang doorknob. “Is this what you expected?” Narinig niya pa ang pagngisi ng lalaki kaya nilingon niya ito. “Mukha bang inaasahan kong mangyari ang lahat ng ‘to? Sa palagay mo ba gusto ko ‘tong nangyayari?” “Bakit kasi ‘di mo na lang sabihin na pakakasalan mo ako dahil sa kayaman namin?” “Excuse me, kanina ko lang namalan na Casablanca ang apelyido n’yo. Malay ko bang nag-e-exist kayo sa mundo?” sarkastikong sagot niya. “You’re unbelievable.” Umiling pa sa kanya ang lalaki. “Hindi ko kailangan ng yaman n’yo, Alexander. Alam kong nasabi ko na ‘to sa ‘yo no’ng una tayong magkita. Pinangakuan ako ni Trinity na sasagutin niya ang medical at hospital bills ng mama ko kaya ako sumama. Ito na rin ‘yong way para makaalis ako sa mapagsamantala kong kamag-anak. Ngayon, kung ‘di mo ma-gets ang sitwasyon ko sa buhay dahil hindi ka naman lumaki na kape ang isinasabaw sa kanin kapag wala kayong makain, hindi ko naman na siguro problema ‘yon.” Saglit na nanahimik si Alexander ngunit nabigla si Damira sa sumunod na tanong nito. “Gusto mo lang siguro akong pikutin, ‘no? To think na hindi ka pa nagkaka-boyfriend tapos bigla kang ipapakasal sa akin… aba, napakalaking advantage no’n para sa ‘yo.” Humalakhak nang malakas ang babae. “Malakas na tama mo dahil sa sobrang pagiging businessminded. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para mag-isip ng ganyan. Pero kung gusto mong sairin ‘yong pasensya ko, malapit ka nang manalo. Huwag kang mag-alala, Alexander Casablanca, hindin-hindi ako magkakagusto sa ‘yo. Never din kitang mamahalin habang nasa proseso tayo ng kontrata. I can pretend… don’t you dare me.” Umarko ang pilyang ngiti sa kanyang labi na nagpaawang naman sa bibig ng lalaki. “A-at pa’no kung mangyari ‘yon?” nauutal pang tanong nito. “I am going to leave the house right away at kahit kailan, ‘di na magtatagpo ang landas nating dalawa matapos kong pirmahan ang divorce papers. Masaya ka na?” tMariin siyang pinagkatitigan ng lalaki. “You’re not going to win this over,” sabi pa nito sa kanya. “Then, let’s see for ourselves. Wala pa akong inaatrasan na kahit na ano kaya good luck sa ‘yo.” Pinihit niya na ang seradura at agad na lumabas ng pinto. Dali-dali siyang bumaba upang magtungo agad sa kwarto habang wala pang nakakakita sa kanya. Pagpasok, ni-lock niya agad iyon at nahiga sa kama saka hinawakan ang dibdib. “Tumigil ka na. Wala na siya. Relax, Damira. Mag-relax ka na.” Ilang beses pa siyang huminga nang malalim bago naikalma ang sarili. “Humanda ka talaga, Alexander Casablanca, dahil hindi mo alam kung paano makipaglaro ang isang Damira Pascual.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD