HILOT-HILOT ni Alexander ang sintido habang binabasa ang isang plot ng love story na nakasulat sa isang buong bond paper. Muli, narito sila sa study room ni Damira, malayo ang sarili sa isa’t isa dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.
Hindi niya matanggap ang mga nasabi sa kanya nito noong nakaraan. Tila ba naapakan ang pagiging lalaki niya nang isampal sa kanya nito ang katotohanang hindi lahat ng babae ay posibleng ma-attract sa kanya.
Napabuntong-hininga siya habang itinuon ulit ang atensyon sa papel. Who would have though that his mother will make a cringy love story on how he and Damira met two years ago—without anyone noticing it.
Kung tutuusin, napakadali lang sa kanya na kabisaduhin ang mga detalyeng nakalagay ngunit hindi niya talaga malunok ang mga iyon kahit nakakadalawang tasang kape na siya.
“You’re going to have an interview with Maximo Oliveros in the afternoon. Please make sure that you have memorized anything because for sure, Luanne and Genesis will watch you two,” ani Trinity habang nakatingin din sa papel na kaka-print lang.
“Dadalhin ko na lang po ‘to.” Nagmamadaling tumayo si Damira at saka nagtungo na sa pinto.
“Where are you going?” tanong pa ng ginang.
“Sa kwarto po. Mas madali kong makakabisado ‘to kapag walang pressure sa paligid ko.”
Diretso ang tingin nito sa ginang ngunit alam ng dalawang taong nasa study room kung sino ang pinapatamaan ng babae.
“Damira, you need to answer the questions with Alexander. Hindi lang ‘yon. You need to be sweet as you could in front of the camera. Hindi pwedeng para tuod kayong dalawa na kinabisado lang ‘yang binigay ko. Kailangang maramdaman nilang nagmamahalan talaga kayong dalawa. That’s why, you need to rehearse it with Xander. Please…”
Bagsak ang balikat nitong bumalik sa upuan.
“I think this will not work.” Si Alexander naman ang tumayo at tinupi ang papel saka ito nilagay sa bulsa.
“Oh, sa’n ka naman pupunta?” kamot-ulong tanong ng ginang.
“Work. I need to work for a living. I can do it later.”
Naglakad na ito patungo sa pinto at pinihit na ang seradura.
“Fine. You can go now, too, Damira. Kayo na ang bahala mamaya but pleaes make sure na hindi kayo ma-i-intimidate sa isa’t isa habang nasa interview. Knowing Maximo, gagawin niya ang lahat para lang dikdikin kayo. I forgot to tell you that he is Luanne’s friend. Just be nice to each other for the sake of this. Kahit dito na kayo mag-away na parang aso’t pusa sa bahay, okay lang.”
Matapos umalis ni Alexander, naiwan doon si Damira. Tinabihan ito ni Trinity.
“Damira, alam kong mahirap para sa ‘yo ang sakyan ‘yong ugali ni Alexander lalo na’t ayaw niya naman talag ang ganitong set up. I want to tell you something…”
“A-ano po ‘yon?”
“I arranged your marriage with Xander not because he needed someone in this life. Gusto kong bantayan mo siya once na nagsasama na kayo sa iisang bubong.”
“Hindi po kami dito titira?” maang na tanong pa nito.
“May villa si Alexander at do’n talaga siya tumutuloy. Mula no’ng umuwi ‘yong dalawa galing sa ibang bansa, alam na ni Alexander na pupuntahan siya ni Luanne. Sa totoo lang, buhay pa no’n ang mama nilang si Denise, may gusto na talaga si Luanne sa kanya. Hindi rin inaprubahan ni Denise si Luanne para kay Alexander dahil sa ugali nitong nakaka-highblood talaga.
“Mula nang pumasok ang taong ‘to, napapansin naming na umuuwi si Alexander na may pasa sa katawan. Minsan putok ang labi. Hindi naman siya nagsasabi ng totoo sa amin. Paulit-ulit lang ang sinasabi niyang napaaway siya sa bar,” salaysay pa nito.
“Eh, baka naman po talagang napapaaway siya?”
“Hindi siya umiinom, Damira. Never ko pa siyang nakitang uminom dahil mababa ang tolerance niya sa alak. Siya na mismo ang nagbawal sa sarili niya na uminom at naging open siya sa amin tungkol sa bagay na ‘yon. Kaya ang ipapakiusap ko, baka lang… baka sakali na maging open siya sa ‘yo kapag nagkakilala na kayo matapos ang kasal.
“Ayoko lang na pati ang kakaibang kilos niya, eh, isipin pa ni Leo. There’s a lot in his plate right now especially Genesis. So, please help me to find out what is he doing or hiding so we help him if he’s facing problems.”
Matipid lang na ngumiti si Damira. Hindi siya umimik lalo na’t hindi nangako.
MATAPOS ang dalawang oras, bumalik si Alexander sa mansyon upang magpalit ng damit. Tahimik ang buong bahay. Paniguradong umalis na ang mag-asawa. Hindi niya pa rin nakikita si Amaury ngayong araw.
“Where’s Damira?” tanong nito kay Carla.
“Nando’n pa po sa kwarto niya. Tawagin ko po ba?”
Umiling ang lalaki. “Hindi na. Ako na lang ang pupunta. Salamat.”
Nagmamadali niyang tinungo ang kwarto nito at nakatayo lang doon. Nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hihintayon na lang ang babae sa labas. Habang nasa opisina, nakatanggap pa siya ng tawag kay Luanne tungkol sa magiging interview nila mamaya.
“Alam kong ginagawa mo lang ‘to para pagselosin ako, Xander. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na may gusto ka talaga sa ‘kin? Bakit kailangan mo pang pasamain ang loob ko? Alam mo naman na matagal na rin kitang gusto—“
Mariin siyang napapikit nang maalala na naman ang nakakairitang boses nito.
“Okay ka lang?” tanong sa kanya ni Damira. Hindi niya namalayan na binuksan na pala nito ang pinto.
Tumikhim pa siya. “O-okay lang ako.”
“Hindi mo na lang ako hinintay sa labas. Papunta ka ba ng balcony?”
Umatras siya nang isara nito ang pinto. Maglalakad na sana ito nang bigla niyang maabot ang palapulsuhan nito. He pinned her in the wall while his one hand wrapped on her waist. He moved closer to her until he can feel her breath on his skin.
“A-ano’ng ginagawa mo?”
“Aren’t you feeling something?” pabulong na tanong niya. Nakita niyang sumiwang ang ngiti sa labi ng babae na para bang hindi tinablan sa first move niyang ito.
“Nagpapatawa ka ba? Kung akala mo, madadaan mo ako sa paganito mo, nagkakamali ka. Better luck next time, Mr. Casablanca. Sana nakabisado mo ang script natin.” Marahas nitong hinila ang kamay sa pagkakahawak niya. Sinamaan pa siya nito ng tingin at saka tuluyan siyang iniwan sa labas ng kwarto nito.
“Unbelievable, woman.”