KABANATA13

1358 Words
TAHIMIK sa kotse ni Alexander habang nasa parking lot pa lan sila ng isang malaking media network. Taliwas sa katahimikang iyon ang ingay sa labas ng kotse. Dagdag pa ang flash ng mga kamera na tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng sasakyan. “Sir, sure ba kayo na hindi n’yo kailangan magdagdag ng security? Parang ‘di kayo kaya no’ng tatlong guard na nakaabang sa labas, eh,” tanong pa ni Macario. “We’re going to be fine. If they ask you something, just shut your mouth, okay?” ani pa ng lalaki habang nag-scroll sa cellphone. “No problem, boss.” Parang tambol ang puso ni Damira. Halos matanggal ang lipstick sa kanyang labi dahil kanina pa niya kagat-kagat iyon. Hindi siya mapakali. “Feeling nervous already?” nakangising tanong ng lalaki sa kanya. “K-kinakabahan ako dahil ayoko na mapanood ako ni Mama kung pa’no magkalat sa TV. Hindi ko sinabi sa kanya ang set up natin kaya… kaya kahit siya, kailangan mapaniwala kong totoong nangyayari ‘tong lahat.” Napalunok ang lalaki sa sinabi nito. Akala niya ay sinabi nito sa ina ang tunay na dahilan kung bakit ito nasa mansyon—hindi pala. Narinig nila ang pagkatok ng pinto hudyat na kailangan na nilang lumabas. “I am going to open the door for you, please wait. We’re going to start acting as soon as I open the door, okay?” Tumango-tango lang siya habang inaayos ang red v-neck dress na abot hanggang tuhod ang haba. Para safe sa kung anumang sakuna ang mangyayari ngayong araw, flat shoes lang ang sinuot niya. Tumuwid siya sa pagkakaupo nang buksan ni Alexander ang pinto. Oh, good Lord. Here we go. Agad niyang hinawakan ang kamay ng lalaki at saka lumabas ng sasakyan. Halos mapapikit ang kanyang mga mata nang makita niya ang sunod-sunod na flash ng camera sa gawi nila. Ngunit mas pumukaw sa kanyang atensyon ang pagpulupot ng kamay nito sa kanyang braso na siyang nagpalapit sa kanilang dalawa. “I will just remind you that this is a part of our act. H’wag kang masanay. I am a good guy but let me remind you that I am not ready to settle down with you,” bulong na sabi ng lalaki habang naglalakad sila sa hallway. “I would also remind you that over by dead body, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako pumayag sa kasunduang ito. Huwag kang aasa dahil kahit na anong gawin mong pagdikit ng balat natin ay walang epekto sa akin. You are not my dream guy, Mr. Casablanca. Wala ang katulad mo sa hinagap ko.” Pareho silang nakangiti hanggang sa matunton nila ang dressing room. As expected, naro’n nga si Luanne na nagpapaayos pa sa makeup artist na aayusan sila. Naramdaman ni Damira ang higpit ng pagkakayakap ni Alexander sa kanyang baywang. “Huwag kang aalis sa paningin ko,” sabi ng lalaki at saka sabay silang pumasok sa loob. “Look who’s here!” Masiglang tumayo si Luanne at saka akmang hahalik sa pisngi ni Alexander ngunit umatras ang lalaki. “Please respect my fiancée, Luanne. Why are you here?” matabang na tanong nito. “Oh, don’t be such a kill joy! Alam ko naman na fake marriage lang ‘yon for pasikat. Damira, right?” “Can you excuse us para maayusan na kami?” Alexander secretly grinned. Ipinakita na sa kanya ng babae kung gaano ito kapalaban at ngayon, malalaman din ni Luanne na may mas matigas pang ulo kaysa sa kanya. “How dare you?” “What’s your name? Luanne, right?” tanong pa ng babae nang daanan ito at naupo sa kinauupuan ni Luanne kanina. Si Alexander naman ay sumunod sa babae at naupo sa katabing vanity mirror. Agad silang dinaluhan ng apat na hair and makeup artist. Pagkatapos noon, hindi na nila nakita pa si Luanne na nasa dressing room. Mura nang mura sa loob-loob si Damira habang inaayusan siya. Ito ang unang beses magmula noong highschool na may tinarayan siya. Baka lumaki ulo nito mamaya pagkatapos ng interview. Baka sabihin na naman na pakipot pa ako eh, gusto ko naman siya. Diyos ko, pa’no kung balikan ako ng spoiled brat na ‘yon? “ARE YOU READY?” Sa pagpisil ni Alexander sa kamay ni Damira, mas lalong naramdaman ng babae ang pangamba, nerbyos, at kakaibang kiliti. Kinabisado niyang lahat ang impormasyon na nakasaad sa papel na binigay ni Trinity kanina ngunit hindi niya alam kung hanggang saan pa ang naaalala niya ngayon. “M-mukha ba akong ready, ha?” nanginginig ang mga labi niyang tanong sa lalaki. “Just go with the flow. Sakyan mo lang lahat ng sasabihin ko, magiging maayos ang lahat ng ‘to. Okay?” “O-okay.” Huminga pa siya nang malalim. “Relax. H’wag kang papa-intimidate kay Luanne. She’s going to bring you down on this interview. Gagawin niya ang lahat para mapahiya ka. Ready ka ba na pagtawanan ng lahat ng tao?” tanong pa nito sa kanya habang naghihintay ng cue. “S-syempre, hindi.” “I know. I will never let it happened to my fiancée…” Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Nakita pa niya ang paglingon ng lalaki sa kanya gamit ang peripheral vision. Ibayong kaba ang nararamdaman niya dahil doon. “Think about me as your soon-to-be-husband, okay? Maging palagay ang loob mo sa lahat ng sasabihin ko, then will be fine after this.” “Siguraduhin mong hindi na ako makakarinig ng insulto o pang-aasar mula sa ‘yo dahil kung hindi, si Luanne ang ipapalit ko sa upuan ko. Naiintindihan mo?” “Yes, Ma’am!” Pagbukas ng kurtina, sinalubong sila ng hiyawan at palakpakan ng pagkarami-raming tao sa studio. “One of the handsome faces we have in the business world is on our show tonight! Mr. Alexander Casablanca together with his rumored fiancée, Damira Pascual!” Habang masigabong nagpapalakpakan ang mga tao roon, maingat siyang inaalalayan ng lalaki pababa ng hagdan. Pinauna siyang umupo nito sa isang mahabang couch sofa. His fingers intertwine on hers… na para bang sinasabi nitong nandito ito para hindi siya kabahan nang husto. “First and foremost, welcome to Tonight with Maximo. I am so honored that you accepted our invitation tonight. Unang tanong, kumusta si Alexander Casablanca after the viral proposal video?” diretsahan at walang patumpik-tumpik na tanong ng lalaki. Hindi nagpatinag si Alexander kahit na nakangiti. Alam nito na hindi siya ang pakay ng show na pahiyain kundi si Damira. Paniguradong nakalkal na ng mga ito ang mga bagay na hindi pa dapat maungkat ang mga bagay na hindi niya pa alam tungkol sa babae. Kaya dapat mangyari na siya ang magdala ng show na ito at hindi ang interviewer. “Una sa lahat, magandang gabi sa lahat ng nanonood ng TWM sa national television at through live streaming. At gusto ko lang linawin, Max, ‘no? Hindi ko rumored fiancée si Damira. She’s going to be my lawfully wedded wife. About the viral video, hindi naman namin ini-expect na mag-trend ‘yon kasi it’s so natural for us to be sweet but this is the first time that I did that in front of many people,” pahayag ni Alexander habang diretsong nakatingin sa mga mata ng interviewer. “Alright. So how about you, Damira? Is it true that you are a convience store clerk only? Pa’no kayo nagkakilala ni Mr. Casablanca kung gano’n lang ang trabaho mo?” Halos hindi makaimik ang babae sa mapanuring mga mata nito. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang marinig niya ang malabubuyog na tunog na nanggagaling sa audience. At higit sa lahat kaya tila ba urong ang dila niya, wala iyon sa script… Ngunit napatingin siya kay Alexander sa paghaplos nito sa kanyang palad. “Tell him the truth about your work. Ako na ang bahala,” bulong nito sa kanya na nagpataas ng kanyang balahibo. Halos hindi siya makahinga kapag nararamdaman niya sa kanyang balat ang hininga ng lalaking ito. Siguraduhin mo lang na hindi ka talaga ma-fa-fall, Damira. Diyos ko. Baka kainin mo ‘yang sinasabi mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD