KABANATA 14

1237 Words
BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store. Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari. “Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.” Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya. “Will your wedding be on a live broadcast?” “It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang bagay na nasimulan na namin ipakita in public. Baka sabihin nila, kunwa-kunwarian lang ‘to, eh,” pagpaparinig nito kay Luanne na kanina pa lukot ang mukha malapit sa camera man. Habang nagpapaalam si Maximo sa mga nanonood, pinapawisan nang malala si Damira. Mabuti na lang at nakaya niya ang tumagal nang trenta minuto sa harap ng maraming tao. Mamaya, sasabihin niya na agad kay Alexander na hindi na siya uulit sa ganitong interview dahil baka siya pa ang maging dahilan kung sakaling mabuko silang dalawa. Mahirap na. Panay lang ang ngiti niya sa camera at sa mga taong naroon kahit na damang-dama niyang hindi siya gusto ng mga ito. Kanina niya pa napapansin ang nanlilisik na mga mata ng mga audience habang nagsasalita si Alexander tungkol sa kanila. Tila ba buong bansa ang inagawan niya ng boyfriend material. Inalalayan siya ng lalaki patungo sa backstage. “Hurry up. Kailangan nating malakabas bago pa tayo maabutan ni Luanne.” Mas lalo niyang binilisan ang lakad. Kanina lang na nagkatinginan sila ng babae na nasa likod ng camera man, para bang gusto na siya nitong dikdikin hanggang sa maging isang powder na paminta. Alam niya ang matatalim na titig na iyon—selos na iyon. “Why are you in a hurry?” Halos lumundag ang puso niya sa biglaang pagsulpot ni Luanne mula sa kanilang harapan. Nakataas na agad ang kilay nito sa kanya habang naka-ekis ang dalawang braso. “We’re tired, Luanne. Hindi ka pa ba kuntento sa napanood mo?” iritableng tanong ni Alexander. “Alam kong fake lang ‘tong ginagawa n’yong dalawa. It is so obovius! Sabihin n’yo na ngayon pa lang… and I’ll be quiet.” Mapaghamon silang pinagkatitigan ng babae hanggang sa hinawakan na ni Alexander ang kanyang kamay. “We’re going.” Dinaanan lang nila ang babae at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. “Why are you doing this, Xander?!” sigaw ni Luanne na umalingawngaw sa buong lugar na iyon. Agad na binuksan ng lalaki ang pinto upang makasakay silang dalawa. Segundo lang ang pagitan nang bigla na naming kuyugin ng media ang sasakyan nila. Dalawang busina pa ang ginawa ni Macario para bigyan sila ng daan upang makaalis na sa lugar na iyon. Binitawan siya ni Alexander na hindi niya na dapat pa ikagulat. Nagmamadali nitong kinuha ang cellphone at nag-dial ng number. “Ate Nympha, hindi ako uuwi sa villa ngayon. Baka r’yan kasi dumiretso si Luanne. Pasensya na. Okay lang ba kayo ni Kuya Kiko na mag-stay ng isa pang gabi ngayon?” “Naku, Sir. H’wag mo na kaming alalahanin. Marami naman kami rito, ano ka ba? Halos himatayin sa kilig ‘yong mga kasambahay habang pinapanood ‘yong interview n’yo. Kumusta ka?” tanong nito sa kabilang linya. “We’re okay. Dadaan ako bukas d’yan bago ako pumasok sa office. Sorry talaga. Pati kayo naabala ko pa. Buntis pa naman kayo.” “Maayos kami rito. Naiintindihan ka naman namin. Sige na. Magpahinga ka na.” Matapos ang tawag na iyon, napasandal si Alexander sa upuan. Pagod na pagod ang katawang lupa niya lalo na’t para bang inubos ni Maximo ang lakas niya kanina. “How was our acting?” tanong niya sa kanyang driver. “Walang kupas. Kahit sa live streaming, mukha kayong fresh!” natatawang sabi pa ng lalaki. “Let’s go home. Nakaka-stress ‘tong interview na ‘to. Kung sana pinang-overtime ko na lang ‘to sa trabaho, maganda pa ang naidulot sa akin.” Nakatingin lang sa labas si Damira habang nakasandal sa upuan. Bahagya siyang nakatagilid sa lalaki. Ilang beses niya pang narinig ang pagbuntong-hininga nito. Kahit naman siya ay ganoon din ang pakiramdam. First time niya ulit na magisa katulad ng thesis defense nila no’ng college. Pero mas matindi ‘to. Mas matindi pa sa isang thesis defense. Kinuha niya ang cellphone at nag-browse sa social media ngunit nang makita niyang puro sila ang laman noon, napabuntong-hininga na rin siya. “What happened?” tanong sa kanya ng lalaki. “W-wala. Puro mukha lang kasi natin nakikita ko,” aniya. “Make your account private. For sure, kakalkal sila sa mga pictures and posts mo.” Iyon naman talaga ang gagawin niya. Ayaw niya rin na pakikialaman ng ibang tao ang pribadong buhay niya—lalo na kapag nalaman ng mga ito ang kalagayan ng mama niya. Pagdating nila sa mansyon, nandoon sa living room pa rin sina Trinity at Leopoldo. Napatayo ang mga ito nang makita silang palapit. “I’ll never do it again next time! Nakita n’yo naman siguro kung pa’no gisahin ni Maximo si Damira. Ayaw n’yo naman siguro siyang mapahiya, ‘di ba?” bungad ni Alexander sa mag-asawa. Kahit si Trinity ay nagulat sa naging reaksyon nito. Hindi na nito hinintay pa ang pagtugon niya at dumiretso na sa itaas. “Magpapaalam na rin po ako, Ma’am, Sir…” magalang na sabi ni Damira at saka tumalikod na. “T-teka…” Hinabol siya ng ginang at hinawakan sa braso. “Bakit po?” “You are going to get married next month, Damira. Please prepare yourself. Okay?” Agad? aniya sa sarili. Gusto niyang magprotesta ngunit iniabot sa kanya ni Trinity ang isang papel. “Ano po ito?” Nanlaki ang mga mata niya nang makita na bayad na ang humigit-kumulang 75% sa bill nila sa ospital. “I know that it is my fault why are you here. Sabi ko naman sa ‘yo, gagawin ko kung ano’ng sinabi ko. We’e already paid more than half of your mother’s hospital bill. After the wedding, we’re going to pay it full. Kahit na nando’n siya at araw-araw na umiikot ang hospital charges, we’ll pay for it as long as you’re going to tell me what Alexander’s secret is.” Eh, pa’no niya nga ba malalaman ‘yon? Siya nga itong ayaw nang magkalapit sila ng lalaki dahil sa hindi maintindihang ugali nito. “I am so sorry kung pinilit kita sa ganitong sitwasyon. Okay lang h’wag mo siyang mahalin. Gusto ko lang na may taong nandiyan para sa kanya sa mga panahong ‘di niya kami kasama. Alam kong kailangan niya ng katuwang sa buhay. Pero kung…” Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at tumingin sa kanyang mga mata na tila ba nagsusumamo. “…kung sakali na hindi mo na kaya, sabihin mo lang sa akin. Ako pa rin ang gagawa ng paraan para mapabilis ang process ng annulment ninyong dalawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD