Chapter 30 "Hon masyado yata malalim ang iniisip mo?" kunot noo tanong ni Valeria. Sa mga nakaraang linggo ay napansin ni Valeria ang pananahimik ng kanyang asawa na si Armie. Alam niyang subsob ito sa trabaho kaya naman minsan ay hinahayaan lang niya ito lumabas kasama ang matalik nitong kaibigan na si Wilson. Kanina pa nagsasalita si Valeria tungkol sa magaganap na annuel celebration party ng kumpany nila ay napansin niyang hindi man lang nagkokomento ang kanyang mahal na asawa. Nandito sila ngayon sa sala ng bahay nila dahil pinag-uusapan nilang dalawa ang magaganap na annual celebration ng Gutierrez Group of Company. Kasama rin nila ngayon ang secretary ng kanyang asawa na si Apple at mga iba pang mga empleyado ng kumpanya sa marketing at finance deparment. Kahit na hindi nagt

