Chapter 31 "Elliot, tumawag si Mr. Ricaforte, pumunta ka sa opisina nito sa top floor," ngiting sabi ni Miss Glenda. Kakatanggap lang ng tawag ni Miss Glenda galing mismo kay Mr. Orion Ricaforte. Nagulat at kinabahan siya dahil sa tagal niyang nagtratrabaho rito sa kumpanya ay ngayon lang siya nakatanggap ng tawag mula kay Mr. Ricaforte. Kung makakatanggap man ng tawag si Miss Glenda ay ang secretary ni Mr. Orion Ricaforte ang tatawag sa kanya. Pero sa pagkakataon na ito ang mismong boss nila ang tumawag sa kanya at pinapapunta nito si Elliot sa opisina nito. "Oh? Bakit po raw? M-may ginawa po ba ako kasalanan?" gulat na sabi ni Elliot. Hindi naman maiwasan ni Elliot na magulat at mag-alala dahil sa sinabi sa kanya ni Miss Glenda. Iniisip niya ngayon kung meron ba siyang nagawang

