Chapter 30
Gabi ang biyahe ng barko, tourist ang ticket namin, sampu lang kami sa isang kwarto at may aircon pa. Libre ang meal within the whole trip, breakfast, lunch, and dinner. And since it was dinner time, nagpaalam ako kay nanay na ako na ang kukuha na dinner namin.
Habang papalapit sa canteen ay gumala ang paningin ko, mayroon din na mga restaurants at mga pasalubong na mabibili sa loob ng barko, bukod pa sa canteen. Maya -maya ay may naamoy akong pagkain na nagpakusot sa aking ilong at feeling ko parang hinahalukay ang sikmura ko, nasusuka ako.
Pinigilan ko ang sarili, kaya nagtiis ako sa amoy. Nang maibigay sa akin ang naka-styro na libreng meal ay dali- dali na akong umalis sa lugar na iyon. "Oh Eve, ano'ng nangyari sa iyo, namumutla ka?" Nagtatakang tanong ni nanay. Pinipigilan ko kasi kanina ang hininga ko sa canteen at nasusuka na talaga ako.
Mabuti na lang at maikli pa lang ang pila. "Wala naman po nanay, hindi ko lang kasi nagustuhan ang amoy ng mga pagkain doon sa canteen, magkakahalo po kasi" "Ahh ganoon ba? O sige tayo ng kumain" kinuha ni nanay ang dala kong pagkain, nagpunta ako saglit sa restroom para maghugas ng kamay.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay nanay na papasyal sa taas ng barko. Masarap kasi doon lalo ngayon at gabi na. May bench doon na nakatapat sa dagat. Kaya habang naglalayag ang barko ay pwede kang mag-sight-seeing.
Pero gabi na kaya hindi na masyadong makikita ang mga magagandang tanawin na madadaanan ng barko. Isinandal ko na lamang ang aking ulo habang nakatanaw sa madilim na kapaligiran.
"Miss..." narinig ko ang boses ng isang lalaki "Miss..." ulit nito, may naramdaman akong kumalabit sa akin "Hmm" unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nabungaran ko ang isang lalaking naka-puti. Napatuwid ako bigla ng upo, naka-idlip pala ako.
"Ahmn, yes?" I cleared my throat, medyo namaos ako. I look upon him while calculating his height, sobrang tangkad naman nito. Sa pagtataka ko ay umupo ito sa tabi ko "Bakit ka natutulog dito? Gabi na, it's almost 11 pm–" "Ano?!" Napatingin ako sa kanya sa nanlalaking mga mata.
Natawa siya sa reaction ko "I thought...are you one of them? Pretending to be sleeping here?" he was focused on me waiting for my answer that seems very important to him. "Me?" sabay turo ko sa sarili ko. Tumango naman siya slight na nakanganga.
Parang may gusto pang sabihin pero hindi mabigkas. "Pretending? For what?" takang tanong ko. "Nah. Don't hesitate, I'm willing to share my bed with you" Ano?! Baliw ba itong kaharap ko? Sukat sa sinabi niya ay napatayo ako at nagmamadaling umalis baka masampal ko lang ang lalaking ito.
Akalain ba namang pagkamalan akong "w***e". Hindi ko siya mapapatawad! "Miss sandali!" Nahawakan nito ang braso ko "Hindi ka ba isa sa kanila?" Tanong nito na parang nanghihinayang pa. Humarap ako sa kanya, nanggigigil na.
"Alam mo ikaw! Kanina ka pa! Bitawan mo nga ako" hindi ko ugali ang sumigaw pero kasi nakakainis na. Binitawan naman niya ang braso ko."Look, I'm sorry kung napagkamalan kita" "First of all, mukha ba akong–ugh!" I stomp my feet in disgust.
"My gosh! I need to go before I slapped someone's face" ito na lamang ang nasabi ko bago ko siya tinalikurang muli "Wait!" Akma na naman niyang hahawakan ang braso ko pero hindi nangyari dahil muli akong humarap sa kanya at tinitigan siya ng masama.
"Oh! Such a lioness, ready to grab her prey" itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Nabitin sa ere ang sasabihin ko, kaya nanatili akong nakanganga.
Imbes na magalit ay natawa na lang ako sa inakto niya, nakitawa din siya. Nagpakilala siya sa akin, his name was Charlie Sebastian, captain of the Ship, he's a hunk. Well, opinyon ko lang naman iyon hehe! Hawig niya si Tom Cruise. Malalalim na mga mata, matangos na ilong, maninipis na labi at may divided chin.
Mayaman din sigurado, hayyss bakit ba lagi na lang akong napapa-ugnay sa kanila. Nakwento niya na minsan daw kasi ay may modus ang mga babaeng magdalena sa mga barko. Hindi na nila napagtuunan ng pansin kasi mga pasahero din naman daw ang iba kaya wala silang ebidensya.
"Talaga? May ganoon pala dito? Second time ko pa lang kasi makasakay ng barko. Well, pwera siempre noong maliit pa ako, hindi ko na matatandaan iyon" natawa ako sa iniisip. "Anyway, let's forget about them. May I know your name, please?"
Napatingin ako sa kanya "Oh! my bad, I'm Eve" sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya na agad naman niyang inabot. "Glad to meet you Eve" sabi niya habang nakangiti "Me too, captain." Napansin ko na lumalalim na talaga ang gabi. "It's going to be midnight. Cinderella, it's time to go home" he chuckles.
"Ahh baka nga hinahanap na ako ng nanay" "Ihatid na kita" "Huwag na, nakakahiya naman maaabala ka pa" "I insist" pinipilit ako kaya, pinagbigyan ko na "Sige, ikaw ang bahala" tugon ko
"Eve! Bakit ngayon ka lang, saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo ah" sabi ng nanay. Hindi pa pala ito natutulog, hinihintay ako.
Napatingin siya sa pinto kung saan nakatayo si Charlie. "Nanay si Charlie po, kapitan nitong barko" pakilala ko pero sa mahinang tinig lang, ayaw kong makakuha ng atensyon. Hindi umimik ang nanay, napanganga pa nga habang nakatingala dito."Nay?" Mahinang sabi ko "Ha? Ah..."
Iyon lang ang nasabi ng nanay, nabigla yata. "Captain, Nanay Adel ko po" "Hello po kamusta?" He greet my mother with his sweetest smile. Makalaglag panty na mga ngiti, hayyss, pasensya ka na captain hindi kasi ako showy sa mga emotions ko haha! Baka kung iba lang ang ngitian mo ng ganyan baka hinimatay na waah.
"Pasensya na po, naabala po ba kayo ng anak ko? Eve, may ginawa ka ba?" tanong ni nanay at tumingin sa mga mata ko "Ahh, hindi po hinatid ko lang po siya" "Ahh, okay, hahanapin ko na siyang talaga kung hindi pa siya dumating ngayon" at muling tumingin sa akin at pinandilatan ako.
"Pasensya na po napasarap po ang kwentuhan namin" "Ganoon ba? Okay sige, salamat na lang sa paghahatid" at yumuko ng konti tanda ng pasasalamat "Eve, matulog na tayo" sabi ng nanay bago tumalikod at pumasok sa silid at inayos ang higaan namin. "Sige po 'nay, saglit lang po may sasabihin lang po ako kay Captain"
Hinila ko si Charlie palayo ng silid. "Captain, salamat po sa paghahatid, matutulog na kami" tumingala ako, magsasalita sana siya pero napahinto ng matitigan ang mga mata ko. Bumaba ang tingin nito sa mga labi ko at napansin kong napalunok siya.
Bumalik muli ang mga mata niya sa mga mata ko. At maya-maya ay yumuko at bumulong "Napakaganda mo Eve...ilang taon ka na?" Sabi niya. Kumunot ang noo ko at inilayo ang mukha rito. "Bakit captain?" Takang tanong ko. Lumingon muna ito sa paligid, marami na ang tulog. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas doon sa bakal na pinto.
Nakaharap kami ngayon sa dagat, wala kang makikita kundi kadiliman. Humahampas ang malakas na hangin sa aking buhok kaya tinipon ko ito sa kabilang side habang hawak sa isang kamay. May konting liwanag na nagmumula sa itaas ng barko.
Naririnig ko ang mga alon na tumatama sa katawan ng barko habang ito ay patuloy sa paglalayag. "Hahanapin na po ako ng nanay" sabi ko "Sandali lang ito Eve, konting personal question lang"
Bumuntong-hininga ako, geezz ano ba'ng meron sa akin. "I want to know your age and where do you live" tanong niya.
Sasagutin ko na lang para hindi na tumagal pa "I'm 16 going on 17 next month and live in Santa Catalina" "Where? I mean, which part in Santa Catalina?" Gusto talaga detailed? "In Bangga Baybay, malapit na kami sa dagat" Tumango-tango ito."And your family name?" "Claro, I'm Eve Claro"
Lumapit ulit ito sa akin at yumuko "Masaya ako na nakilala kita at hindi pa ito ang huli nating pagkikita" kinilabutan ako sa sinabi niya. Tumayo siya ng tuwid at nagpaalam na sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siyang palayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Hayyss ewan, inaantok na ako.
Kinabukasan, alas-siete na ako nagising, ala- una pa naman dadaong ang barko sa pantalan. Humihikab pa ako ng dumating si nanay dala ang aming free meal na almusal. "Ang dami naman niyan nanay".
Napansin ko na bukod sa styro ay may box at plastic bag pa itong bitbit. "Binigay doon sa canteen, para sa atin daw ito, bigay ni Captain Charlie" inilapag ni nanay sa tabi ko ang mga dala.
"Eve, hindi naman sa hinihigpitan kita pero sana hangga't maaari ay huwag ka munang pumasok sa mga bagay na wala ka pang alam. Bata ka pa at sana tapusin mo muna ang iyong pag-aaral, ayaw kong matulad ka sa mga kapatid mo na maagang nagsipag-asawa"
Ito na nga ba ang sinasabi ko e, paano kung malaman pa nila ang tungkol sa amin ni Adam. Hindi ako nakapagsalita, bigla akong nakaramdam ng takot.Hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Gusto namin ng tatay mo na kahit ikaw lang Eve. Kahit ikaw man lang sana ang makatapos. Masaya na kami" parang maiiyak ako. Yumakap ako kay nanay "Promise ko nanay makakatapos ako, para sa inyo ni tatay, para sa pamilya natin" Lord patawad po... malaki na ang kasalanan ko sa aking mga magulang...