Bunso
Chapter 1
Life is strange... Why? Because iyong mga bagay na akala mo ay abot kamay mo lamang ay hindi pala. Hindi pala ganoon kadali. Kailangan mo munang dumanas ng hirap at pighati. Ang magmahal at masaktan ay natural na magkarugtong na lamang.
Kung magmamahal ka, mararanasan mo ang masaktan. At kung nasasaktan ka man, congrats! Ibig sabihin nito ay nagmamahal ka. Kapag dumating ang panahon na magmamahal ka na, ihanda mo na rin ang iyong sarili na masaktan. That's the irony of life.
Simula pagkabata ay sinikap kong maging isang mabuti at masunurin na anak sa aking mga magulang. Ang aking nanay ay isang guro sa daycare center sa aming lugar sa bayan ng Santa Catalina. Hindi kalakihan ang sweldo ngunit nakakatulong ng malaki sa aming pamilya.
Ang tatay naman ay isang ordinaryong empleyado ng munisipyo sa ciudad ng San Joaquin dito sa probinsya ng Western Visayas. Bayan lamang nito ang Santa Catalina kung saan kami nakatira.
Tatlo kaming magkakapatid na puro babae. Si Ate Carmela Anne ang panganay, ang pangalawa ay si Ate Mary Claire at ang bunso, ako iyon, Eve Isabelle. We are called "Tatlong Maria". Carlito at Adelina ang name ng mga parents namin.
Masasabi kong masaya ang aming pamilya dahil mayroon akong mababait at mapagmahal na mga magulang. Simple lamang ang aming pamumuhay. Kilala ang pamilya ng mga magulang ko na angkan ng mga mararangal na tao dito sa Santa Catalina.
Pinanatili ang mga kaugalian na minana pa sa aking mga ninuno. Itinuturo at ipinapasa ito sa mga susunod na henerasyon. Kung ano ang itinuturo noon sa aking mga magulang ay siya ring itinuturo sa amin ngayon. Kahit hindi kami nakaaangat sa buhay ay masaya naman.
Walang bahid ng pagkukunwari at nirerespeto. Bunso ako kaya medyo spoiled sa aking mga magulang. Pero pantay-pantay ang trato sa aming magkakapatid. Walang dapat na napag-iiwanan. Kahit naman spoiled ako sa kanila ay lumaki naman akong may takot at pananampalataya sa Diyos.
***
"Eve, anak gising na" dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang dampi ng palad ni nanay sa aking pisngi. "Opo, sandali lang nanay" ibinalik ko saglit sa pagkakapikit ang aking mga mata, dumiin munti sa pagpikit at kumurap-kurap pa haha!
Ganito ako madalas kapag gigising at naka gawian ko na."Bangon na may pasok ka pa sa school" sabi ni nanay "Opo" "Bago ka umalis sa higaan ay huwag kalilimutang magdasal at pagkatapos ay iligpit ang higaan ha" bilin nito.
"Opo nanay" Ganito palagi si nanay tuwing umaga maraming reminder. Nasanay na ako at halos kabisado ko na mga bilin niya. "Ang mga ate mo bunso, pakigising ulit mukhang bumalik sa pagkakahiga"
"Hayss, ang mga ate ko talaga tsk.tsk. Yari kayo sa akin hehe!" Bulong ko sa sarili. Para akong member ng spy kids habang sinisilip ang mga ate ko sa kani-kanilang mga kuwarto. Positive! Natulog nga ulit ang dalawa. Alam kong naghahanda na rin ang nanay.
Nag-isip ako ang planong pampagising sa kanila. Aha! Alam ko na! Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto ni Ate Carmela. Bigla ko siyang tinalunan na parang isang wrestler at nagbilang ako ng hanggang tatlo na parang referee waah.
Sabay karipas ng takbo palabas patungo naman sa kwarto ni Ate Mary at gayon din ang ginawa ko. "Eve!" tili ng dalawa habang hinahabol ako. Kung takbuhan din lang ang usapan ay walang makakatalo sa akin.Tumakbo ako sa direksyon ng kusina dahil alam kong naroon ang tatay.
"Tatay!" nagpakarga agad ako sa kanya. Pilit kong isinisiksik ang sarili sa kanyang dibdib. Yumuko ako at tinakpan ng dalawa kong palad ang aking mukha habang tumatawa. "Ano na naman ang ginawa mong kalokohan bunso hmm?" Tanong nito sa akin habang nakangiti at natatawa.
Binitiwan ni tatay ang binabasa upang yakapin ako na parang akala mo ay maitatago ako niyon sa aking mga Ate. Nakaharap na ang mga ito sa akin ngayon at nakataas ang dalawa nilang mga kamay at handa na akong sakalin waaah.
Pero natigilan sila ng makita na nakayakap ako kay tatay. Kaya hindi nila natuloy ang evil plan nila sa akin hehe! Nakaligtas ako Yey! "Oh, nandito na pala kayo mag-almusal na tayo" sabi ni nanay habang nilalapag ang fried rice at fried egg.
Nakita kong umupo na sila ate sa kanilang designated seats kaya umupo na rin ako sa pwesto ko. Nagtimpla rin ang nanay ng gatas para sa aming tatlo at kape naman para sa kanila ni tatay. Siempre ang aming paboritong tuyo o uga kung tawagin ay nakahain na rin.
Maasikaso si nanay maaga siyang gumigising upang ipaghanda kami ng almusal. Ipinaghahanda niya rin kami ng aming mga babaunin sa school at gayundin ang baon nilang dalawa ni tatay bago pumasok sa trabaho.
Ganito kami noon. Tahimik madalas ang nanay dahil isa itong guro. Samantalang si tatay naman ay kabaliktaran nito, palabiro at masayahin. Ang Ate Carmela ko ay matanda sa akin ng limang taon, samantalang si Ate Mary naman ay tatlo lang.
Hindi na nakatapos pa sa kolehiyo ang Ate Carmela dahil nag-asawa na ito noong nasa ikalawang taon pa lamang. Noong nakaraang taon naman ay sumunod na ring nag-asawa si Ate Mary. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kapalaran ng mga ate ko.
Basta ako, gusto kong makatapos muna sa pag-aaral, ayokong magmadali. Ang pag-aasawa ay hindi dapat minamadali. Iyon ang pananaw ko. Gusto ko stable na ang buhay ko bago ako sumabak sa pag-aasawa. Kahit pa sabihing ang lalaki ang provider ng pamilya ay iba pa rin kapag tapos ang isang babae.
Mahilig akong manood ng mga movies ni Cinderella na iba-iba ang bersyon. Siya ang paborito kong prinsesa. Kaya feeling ko ako si Cindy at ang dalawa kong ate ang two evil step-sisters sa kuwento nito. Kaso vice-versa kasi ako ang nang-aapi waah Ano'ng konek? Wala naman talaga, share ko lang.
Nakatapos ako ng may karangalan sa elementarya. At ngayon ay high school na ako. Nandiyan na ang maraming pagbabago. Lalo na at pahirap ng pahirap ang mga pinag-aaralan dito. Pero ito rin daw ang pinaka-masaya sa lahat.
Bakit? Dito raw kasi nag-uumpisa ng umibig ang isang tao. Well, sabi-sabi lang naman iyon. Pero dahil focused ako sa pag-aaral ay wala akong time sa mga love na iyan. Wala akong time sa mga boyfriends.
"Hi!" Kakaiba ang isang ito. Ilang ulit ko ng tinanggihan ang kulit pa rin. Gwapo naman siya. A description of tall, dark, and handsome...pero hindi ko type. "Hmp!" Umirap ako sa kanya ng umupo siya sa tabi ko.
Kasalukuyan akong nagsusulat, hindi pa naman ngayon ang submission pero advance kong ginawa. "Eve tanong ko lang sana kung may date ka na this Valentine's Day?" Istorbo, kaya itinigil ko muna ang pagsusulat para harapin ito.
Umangat ang tingin ko at napagmasdan ang kanyang mga mata. Ang cute naman ng mata nito. My weakness...pumungay saglit ang mga mata ko. Oh my! Eve tumigil ka ha, kausap ko sa sarili ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit?!"
Napansin kong parang napaatras siya, natakot ko yata sa tono ng pananalita at may pataas-taas pa ng kilay. "Ah kasi p-pwede ba na–" naku iyan na nga ba ang sinasabi ko e nag-stammer na. Napatitig ako sa kanya sa seryosong mukha.
"You what?" naiinip na ako. "Ano kasi wala akong partner, pwede ka ba?" nahihiyang sabi nito. "Excuse me? Di ba Fourth year ka? Third year ako e, why not find someone who's on your year level?" sabi ko. Pero pwede naman sana kung gusto ko. Kaso ayaw ko e.
"Ah, pasensya na...g-gusto ko kasi na ikaw ang maging date ko sa araw na iyon" sabi niya habang kinakamot ang batok. Kabado ito halata sa pagsasalita. Umirap ulit ako, itinuloy ang pagtataray. "Buti sana kung kamukha mo ang ultimate crush ko na hollywood actor" sabi ko sa mahinang boses.
"Ano'ng sabi mo?" Siguro narinig niya na may sinasabi ako pero hindi naintindihan. "Wala! Ang sabi ko sorry kasi mga friends ko lang ang gusto kong makasama" "You mean wala ka pang particular guy na date? Pati sa Prom?" "Wala nga!" Bakit galit? Wala lang, galit kunwari for the effect na layuan niya ko.
"Yes! May chance pa ako" sabi nito sa mahinang boses. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa nalaman ah. "Ano sabi mo?" tanong ko sa kanya. "Ah wala sabi ko, yes aalis na ako. Bye Eve!" sabi niya sabay kindat sa akin. "Tse!" Inirapan ko nga ulit at pagkatapos ay parang bula nalang siya na nawala sa aking harapan...