Chapter 2
Pagkaalis ng mokong na iyon ay dali-daling lumapit sa akin si Monica at Kristin "Girl ang taray, haba ng hair" si Monica sabay hagod sa buhok kong mahaba naman talaga, almost hanggang baywang ko na. "Bakit mo tinanggihan Eve?" Tanong naman ni Kristin. "Omg! You two were eavesdropping tsk.tsk. that's bad" imbes na sagutin ay iyon ang lumabas sa bibig ko.
"Ang gwapo kaya ni Andrew" sabi ni Nicky, pero deadma lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. "Right, Andrew Santillan...tall...dark and handsome" si Kristin na animo'y sumasali sa balagtasan. "Ay aguy, type n'yo ba si Andrew? Sabihin niyo lang" sabi ko sa dalawa habang umiiling.
"Naku! Huwag ako Isabel! Kahit kailan hindi ako mangtatalo ng kaibigan" sabi ng bff Nicky ko. "At kahit palipad hangin lang iyan si Andrew, never kong aagawin sa iyo kasi alam mo naman kung sino ang gusto ko." dugtong pa nito hayyss hindi ko talaga siya ipagpapalit, my true and loyal friend my bff Nicky.
"Aha! May naisip ako mga friend, how about we do some bff codes? Agree ba kayo girls?" Tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan muna sila, sabay tingin sa akin at tumili. Napatili na rin ako ng...oh well, mahina lang. I have to maintain my good image kasi hehe! Para kaming mga baliw na nagtatalon sa tuwa habang magkahawak- kamay.
**
Monica Asuncion is my bff s***h kababata. Sabay kaming lumaki at nagkaisip. Nic or Nicky ang palayaw niya at take note nag-iisang anak kaya spoiled sa magulang. Magkaibigan ang mga magulang namin. Same age din kami at same school, classmate pa kaya meant to be bff talaga kami. Parang pinagdugtong na ang mga bituka namin kumbaga.
Kristin Makilan, Kris for short, naging friend namin ni Nic this school year. Naisipan naming lumipat ng school after we graduated from elementary at Santa Catalina Elementary School. Desisyon naming mag-bestie na sa bayan ng San Ignacio kami mag-aaral ng high school para maiba naman ang ambience.
Dalawang ciudad ang sakop ng probinsya ng Western Visayas. Ang San Nicolas na isang progresibo at moderno. Bayan nito ang San Ignacio na maunlad na rin. Habang ang San Joaquin na nananatili ang pagiging probinsya at ayaw sa moderno. Sakop naman nito ang Santa Catalina.
Our parents both agree, very supportive sila sa amin. Nakakasawa na rin kasi na puro taga samin at mga kapit-bahay lang din namin ang mga kaklase. Hindi gaya sa San Ignacio High na maraming taga-ibang bayan ang nag-aaral. Kaya siguradong mai-enhance ang social life namin ni bff Nic.
On the other hand, something in common naman namin ni Kris ay ang pagiging seryoso pagdating sa pag-aaral. Ganoon din naman si Nic pero minsan kasi umiiral ang kalokohan nito, nag-iisang anak lang kasi. Nakatira si Kris sa isang village dito sa San Ignacio. Nagiging moderno na rin ang San Ignacio dahil marami ng mga establishments ang nakatayo.
Unlike sa amin na puro malawak na taniman pa ng palay ang makikita. At sa dulong parte pa kami ng Santa Catalina which is malapit sa dagat. Minsan na kaming nakapunta sa bahay ni Kris. Nakilala namin ang nakatatandang kapatid niya na si Kuya Mateo. Mabait ito at very humble. Ang sabi sa amin ni Kris ay nag-aaral ito sa San Nicolas University.
Nakakatuwa naman, pangarap ko ang school na iyon. Gusto ko doon mag-aral pagtuntong ko ng kolehiyo. May kamahalan ang tuition kaya hindi ako sure kung doon ako makakapag-aral. Minsan nga gusto kong makipag-kwentuhan kay Kuya Mat tungkol sa school niya. Ang kaso lang baka ma misinterpret ng witch bff ko hayyss...
Speaking of San Nicolas University, doon nag-aral ang nanay at ang Tito Ed. Graduate sila ng school na iyon. Hindi naman pinalad na makatapos ang kuya nila dahil maraming bisyo. Maganda ang buhay nila nanay dati kaya nakatapos sila ng pag-aaral. Tatlo lamang silang magkakapatid.
Nagpunta sa Maynila si Tito Ed pagkatapos magkolehiyo at doon na rin nag-asawa. Bihira na lang ang komunikasyon ng magkakapatid simula ng mamatay ang Lola Paz. Malabo na rin ang mga alaala ko kay lola. Masyado pa kasi akong bata noong mamatay siya.
**
Kasalukuyan kaming nasa bench ngayon. Kumuha ng notebook at ballpen si Nicky sa bag niya. Nakaready na ito sa gagawin naming bff codes "Okay, ako unang magbibigay ng suggestion. Rule number one–Don't ever fall inlove with the same man" sabi Nic "Bakit naman? Paano kung sabay tayong magkagusto sa iisang tao pero iisa lang naman ang gusto niya sa atin? Paano iyon? Mapipigilan mo ba?" Tanong ko.
"Ahh so meaning gusto mo magkasamaan tayo ng loob gano'n?" Sarcastic na sabi ni Nic sa akin "Hindi naman sa ganun. Ang akin lang e hindi natin alam kung ano ang nagagawa ng pag-ibig, para pigilan mo ang dalawang tao na nagmamahalan. Tandaan ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang" napatango ang dalawa sa akin.
"May point ka diyan Eve" sabi ni Kris. Napahinga ng malalim si Nic "Okay ganito nalang–if we fall with the same man, may the best girl win" humagalpak kami ng tawa ni Kris sa sinabi ni bff Nicky, aguy! Nabaliw na haha!
"You're nuts, dapat maging sports nalang, kung sino ang tunay na nagmamahalan ay magparaya na lang ang isa okay" suggest ko.
"Okay sige, payag ka Kris?" si Nic na tinanong si Kris "Yeah, no prob" sagot nito "Okay here we go–iyan tapos na" sabi ni Nic habang sinusulat ang rule number one."Next, Rule number two. Kung may nanliligaw kay friend bawal sulutin or bawal ipasa sa amin okay" sabi ni Nicky na tumingin sa akin at mapang-asar na ngumisi.
Is she referring to me dahil kay Andrew? Sakalin ko na kaya? Sa nakikita niyang reaksiyon ko ay mabilis na sinabi "Rule number three, bawal sabunutan o saktan ang kaibigan hehe!" Sabay peace sign sa akin kuuh bff ko talaga siya sa hirap at ginhawa, nababasa niya ako. Witch grrr! Hindi ko na alam kung magagalit ba ako o tatawa nalang, mas pinili ko ang huli kaya sabay pa kaming tatlo na tumawa.
"Rule number four, ako naman" sabi ko "Go on" sabi ni Nic "How about never be a rebound? Lalo na kung mahal pa ni friend si boy" sabi ko "Hmm pwede" si Nic "Go din ako" segunda ni Kris. "May suggestion ka pa Kris?" Tanong ni Nic "Ah wala na. Mag sign nalang tayo" isa-isa kaming nag-sign.
"Paano kapag may nag-break ng rule?" sabi ko. "Oh! About that–What do you think?" Si Nicky sabay tingin sa amin ni Kris, naghahanap din ng kasagutan. "I could suggest na forfeited na ang codes kapag nagkataon kung hindi naman masusunod, sayang nga lang effort natin sa paggawa. What do you think girls?" sabi ni Kris.
"Pero sana hangga't maaari masunod ang rules as long as makakaya natin to protect our friendship" si Nic "Yeah, I value our friendship. I really hope that the three of us would lasts the friendship we have until the end" sabi ko, nakita ko ang sincerity sa kanilang mga mata, parang maiiyak silang dalawa kaya nag group hug nalang kami.
Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang panghuling klase. Dali-dali naming niligpit ang aming mga gamit at nagtungo na sa room namin. Mabuti nalang at mabilis kaming maglakad kasi pagdating namin sa room ay wala pa si teacher at ang mga kaklase namin ay parang mga nakawala sa hawla.
May mga palakad-lakad, may mga nagchichichat tungkol sa mga crushes nila at merong mga nagsusuntukan kunwari.Third year na kami pero mga isip- bata pa rin. "Andiyan na si mam!" May nag-announce.
Napatingin ako sa pintuan, lahat ng nasa labas ay parang mga hangin sa bilis na nagsipasukan sa loob ng room. Natawa kaming tatlo sa mga pinaggagawa ng mga classmate namin. Papasok na si Mam sa loob at isa-isa kaming tiningnan.
"Sino-sino ang mga nasa corridor kanina?" Tanong ni teacher. Walang sumagot kahit isa man sa amin. "Nakarating kayo ng third year na hindi alam ang mga rules and regulations sa school na ito?!" Galit na sabi ng teacher namin. Wala pa ring sumasagot. Nakakatakot kasi si mam feeling ko kapag may sumagot kahit isa ay katapusan mo na waahh.
"Eve" "Yes po mam?" Sagot ko "Ilista mo lahat ng nasa labas kanina, may minus point sila sa akin!" Sadyang may diin at lakas ang tono ng boses ni mam ng sabihin iyon sa akin "Opo" hehe! masunurin ako kay mam e kaya sigurado kabado na ang mga classmate ko. Alam nilang honest ako, hindi nila ako madadaan sa suhol. "Okay let's proceed for our lesson of the day" hayyss mabuti nalang at nag-umpisa na si mam.
Natapos ang klase nang hapon na iyon. "Girls bye na" nagbeso si Kris sa amin bago sumakay sa kotse nila. Hatid sundo siya ng driver nila. Nagpatuloy na kami ni Nic sa paglakad palabas ng school. Konting lakad lang naman bago namin marating ang sakayan ng jeep. Kung tuloy-tuloy ang biyahe, five minutes lang nasa Bangga Baybay na kami.
Pero kung may mga bababa na pasahero at may mga dalang pinamili galing sa Libertad ay matatagalan kami kasi bababa din ang driver or kung may pahinante siya, tutulungan nila ang pasahero na iyon.Likas ng matulungin at mababait ang mga tao dito sa probinsya namin, kaya proud talaga ako.
Pagbaba naman namin ng Bangga Baybay ay may mga sikad or padyak, kung minsan hindi kami sumasakay ni Nic, nilalakad lang namin. Pero grabe sobrang layo, depende kasi iyon kung gaano kalaki ang sakop na lupa ng bawat tao sa amin. Nasa kalagitnaan ang kanila Nic, ang sa amin naman ay medyo malapit na sa dagat.
"Nanay!" Nakita ko siya sa bakuran nagdidilig ng mga halaman niya. Tumakbo ako papunta kanya at nagmano. "Kaawaan ka ng Diyos anak. Magbihis ka na at may iuutos ako sa'yo" sabi nito "Opo" pumasok na agad ako sa loob ng bahay at nagbihis. Pagkababa ko nakita ko si nanay na nasa sala. Tapos ng magdilig at nagpapahinga.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya "Pumunta ka sa beach, may ibibigay daw ang ate mo" ano kaya iyon? Tumango ako kay nanay, balak ko sanang magtanong pero nagdadalawang-isip ako "Sige na, lumakad ka na at baka naiinip na iyon" "Opo" tumayo na ako at naglakad na palabas ng bahay.
Nakuha pala ang ate na tagabantay ng tindahan sa beach. Maganda nga iyon para makatulong siya sa asawa niya at para mapaghandaan din nila ang future ng aking pamangkin na si Andrea. Naaawa ako sa pamangkin ko, sino kaya nagbabantay doon? May trabaho din kasi ang asawa ni ate sa ciudad.
Habang naglalakad ay nagmuni-muni ako. Hindi ko napansin na nasa harap na pala ako ng gate. Nakita kong nakabukas ng konti ang isa sa gate na bakal. Sisilip na sana ako ng may biglang bumusina ng malakas sa aking likuran. "Ay kabayo ka!"
Sa sobrang gulat ko ay napatalon ako at nangatog ang tuhod. Aguy! Natanggal yata ang eardrums ko! Hinimas ko ang tenga ko. Walanghiya alam ng may tao! Grrr nakakagigil! Lumingon ako dito at tiningnan ng masama ang nasa driver's seat na akala mo naman ay nakikita ko.
Tinted kasi ang salamin ng sasakyan at mukhang hindi basta- basta, ang gara. Bumuntong-hininga nalang ako at kinalma ang sarili. Remember Eve, you're not here to pick-up a fight kaya kalma lang. At hindi mo forte ang makipag-away okay.
Sa naisip ko ay napatayo ako ng tuwid at taas-noong naglakad sa harap ng sasakyan nito. Doon ako patungo sa kabilang gate, sa pang-isahang tao lang. Inirapan ko ang hindi nakikilalang poncio pilatong driver ng lagpasan ko ito. Akala mo ha magagalit mo ako, sorry ka...