At The Beach

1793 Words
Chapter 3 Kahit gustong-gusto ko nang sugurin ang driver ay nagtimpi ako. Naalala ko hindi ko pala forte ang makipag-away. Nang makapasok na ako sa pang-isahang tao na gate ay nakita ko namang humahangos ng takbo si Alvin ang anak ni Aling Binang. Bakit kaya? Ang mag-ina ang pinaka- head ng mga katiwala dito sa beach. Tuloy-tuloy na sana ako sa pagpasok pero naisip ko nalang na hintayin si Alvin. Ang beach, sa pagkakaalam ko ay bago na ang may-ari. Mahigit isang buwan na mula ng ito ay maipagbili. Hindi na pinaalis ng bagong may-ari ang mga dating trabahador bagkus nga ay nagdagdag pa ang mga ito. At kasama nga ang Ate Carmela ko sa mga na hired. Sino kaya ang bagong may-ari nito? Mukhang mabait kasi hindi na pinalitan ang dating mga tauhan. Nakita kong nagmamadaling binuksan ni Alvin ang gate upang makapasok ang magarang sasakyan. Huminto muna ako sa guardhouse na nasa tabi ng pang-isahang gate. Doon ko nalang hihintayin si Alvin, para naman may kasabay ako sa paglalakad. Hindi naman talaga siya ang bantay sa gate kundi si Atong. Siguro ay may inutos dito ang nanay niya kaya siya ngayon ang nandito. Malaki ang nasasakupan ng beach na ito. May niyugan at may fishpond pa na hindi naman kalakihan. May mga punong-kahoy na madadaanan habang naglalakad sa maliit na kalsada nito papasok sa loob ng beach. At sa beach mismo ay may mga cottages, more or less mga sampu and each can accomodate 10-15 persons. And guess what? Meron din silang mini-hotel, four rooms nga lang. May munting tindahan din at doon nga naka-assign ang ate ko. Maraming dumadayo sa lugar namin dahil sa beach na ito, kaya nakakapagtaka naman na ipinagbili ito ng may-ari. Haiist, bahala na sila basta may maikwento lang ako habang naghihintay kay Alvin. Kung bakit naman kasi ang bagal mag-usap ng mga ito. At huminto pa talaga ang magarang sasakyan na iyan ha, akala ba niya e nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. Matapos makipag-usap ni Alvin sa driver ay lumapit na siya sa akin. "Hi beauty, ano ang ginagawa mo dito?" Tanong nito habang nakangiti ng sobrang lapad with matching kindat pa sa akin. Gusto ko sanang irapan pero siempre ako ang may kailangan kaya dapat akong makisama "Ahmn Vin" abaw! Vin talaga waahh nilambingan ko ang pagkakasabi ng pangalan niya. Hays, no choice kailangan kong gawin iyon, kailangan kong magpa charming ng konti para malaya akong makapasok sa loob. Baka mamaya kapag tinarayan ko ito ay hindi ako papasukin. Gusto ko rin naman na makapasyal sa loob nitong beach. Matagal na bago ang huli akong pagpasok dito. Hindi naman kasi ako pinapalabas ng bahay ni nanay. "Pupunta kasi ako kay Ate Carmela, pwede mo ba akong samahan?" Habang sinasabi ko iyon ay napatingin ako sa sasakyan na nasa likod lang namin. Nagtataka ako kung bakit ayaw pa nitong pumasok sa loob at nakahinto lamang doon sa may gate. "Sige ba! Basta ikaw ganda. Malakas ka sa akin, ladies first" abaw! haha! Nag ingles pa! At umakto pa siyang inilalahad ang kamay sa harapan na sinasabing mauna na ako sa paglalakad.Nauna na akong maglakad pero nilingon ko siyang muli at nakita kong sumaludo pa ito sa driver ng kotse. "Sino iyon Vin?" Tanong ko habang naglalakad na kami sa maliit na kalsada, malamang palalakihan ito ng bagong may-ari. Slow lang ang paglalakad ko na sinasabayan naman ni Alvin. Sinisilip ko kasi kung may bunga na ang puno ng sineguelas, manghihingi ako kay Alvin. "Ahh si Sir Adam" sino naman kaya iyon? Tumango na lang ako kahit hindi ko naman kilala iyon. "Alvin, kelan ba magkakabunga iyang sineguelas?" Tanong ko "April pa iyan" sagot niya "Ganoon ba?" Sayang naman. Napapansin ko na nakasunod sa amin ang magarang sasakyan. Nakakainis kasi pwede naman siyang umabante at lagpasan kami. Pero hindi ginagawa. Naroon lamang ito at mabagal na nakasunod sa amin. Nasa gilid naman kami ng kalsada ni Alvin, kaya ano ang problema niya. Mga dalawang metro ang layo sa amin ng sasakyan. Ako lang yata ang nakakapansin kasi wala ng ginawa si Alvin kundi ang magpatawa. Ako naman parang baliw na tawa ng tawa. Pero in fairness, masaya siyang kausap puro patawa ang banat. May kasama pang pa-cute at extrang palipad-hangin.Nang makarating ako sa tindahan ay dumiretso na si Alvin sa hotel. Nandoon na daw kasi ang boss niya. "Ate!" Tawag ko dito. Napalingon ito sa akin. "Uy! Eve! Bakit ikaw ang nandito? Halika, upo ka muna" Maliit lang ang tindahan, pahaba ito. Open ang kalahati sa itaas at sa baba naman ay sementado at naka-bricks. Ang open area nito ay nakaharap sa dagat na may stool din na nakapalibot. Umupo ako sa stool sa right side nitong tindahan at nilingon ang dagat. Maya-maya ay binigyan ako ng ate ng orange softdrinks at biskwit. Pagkaabot ni Ate Carmela ay agad ko itong sinipsip. "Ahh sarap talaga ng lasa, hmm orange na orange at nagyeyelo pa" at sinipsip kong muli ang laman ng bote. "Hala! Dahan-dahan lang Eve, baka maubos mo agad may biskwit pa oh" natatawang sabi ni ate. Binuksan ko ang biskwit at biniyak sa tatlo, kinain ko agad ang isang parte at sumipsip ulit sa softdrinks. Ahh sarap talaga. Naubos ko agad haha! "Sweldo namin ngayon, gusto kong bigyan ang nanay kahit konti" ah kaya pala. Mabuti naman kung ganoon, inaalala din pala ng ate ang nanay at tatay. Siguro naiisip din niya na hindi man lang siya nakatulong sa mga ito bago mag-asawa. Kaya ngayon ay babawi ang Ate Carmela, mababait naman talaga ang mga ate ko iyon nga lang e maagang nag-asawa, kaya hindi nakatulong sa aming pamilya. "Dito ka lang muna Eve ha, pupunta lang ako sa opisina saglit. Wala naman sigurong bibili ngayong oras. Saka konti lang ang customer. Kung may bibili man, may mga price list diyan sa dingding. Tingnan mo na lang" "Okay ate" hindi na ako pumasok sa loob. Pinagmasdan ko na lang ang dagat sa malayo. Natatanaw ko ang paghampas ng mga alon na tumatama sa buhangin at muling babalik sa dagat. Lumilikha iyon ng tunog na nagdudulot ng kakaibang musika sa aking pandinig. Malapit ng lumubog ang araw. Hindi man nakikita sa aking pwesto dahil sa mga puno ng talisay at kamatsile, ay tumatagos naman ang kulay kahel na sinag nito sa mga dahon habang isinasayaw ng ihip ng panghapong hangin. Naaamoy ko ang dagat...bihira lamang ang ganitong moment kaya sinamantala ko na...napapikit ako. Parang nawala saglit sa sarili. I really love the serenity that the surrounding has giving me. It's kinda overwhelming. "Miss can I have a can of rootbeer please?" Dahan-dahang dumilat ang aking mga mata. Sino ba ito'ng pangahas na sumisira ng kapayapaan ng puso at isip ko ngayon? Grrr! Marahas kong nilingon ang salarin. Omg! Napigilan ang pagtataray ko. Oh my golly! Ano ba iyong sasabihin ko sana? Matangkad, matangos ang ilong, deep set of eyes! Waaahh! Medyo manipis ang labi at ang shape ng mukha–kamukha ng hollywood actor na ultimate crush ko. The man of my dreams... Parang gusto kong kiligin or mahimatay nalang kaya? Mas pinili ko ang una pero hindi ko pinahalata at mahirap piliin ang pangalawa kasi walang sasalo sa akin baka mabagok pa ako huhu. "Miss are you alright?" Kumurap ako parang nahimasmasan. Ina-absorb pa ng utak ko kung totoo ba talaga ang nilalang na ito na nasa aking harapan o dinadaya lamang ako ng aking paningin "Yes Eve, confirmed! Totoo siya!" sigaw ng utak ko at napailing na lamang ng maisip ang pagkakatulala dito kanina. "Hays, nakakita ka lang ng kamukha ng ultimate crush mo at take note, to the max ang kagwapuhan sa tanang sixteen years of your existence ay lumutang na agad iyang utak mo Eve. You're so pathetic" teka kanina pa ito ah! Naalala ko tindera nga pala ako dito ngayon habang wala ang ate. "Wait lang po sir" saan ba dumaan ang ate kanina? Medyo nataranta pa ako sa paghahanap ng maliit na pinto ng tindahan. Umikot pa ako papunta sa kinatatayuan ng customer kasi nandoon ang maliit na pinto "Excuse me lang po" "Oh!" tumabi naman siya. Yumuko ako at tinulak ang pinto. Bumukas naman ito. Agad kong sinilip ang maliit na chiller at nakita ko ang rootbeer. Niyuko ko iyon "Ilan po sir?" Ang tagal sumagot. Kumuha nalang ako ng isa at agad na tumayo. Naabutan ko siya na nakayuko sa akin at lumaki ang mga mata sa gulat ng mapansin na nakaharap na pala ako sa kanya. Napansin kong saglit na dumaan ang paningin niya sa aking dibdib. Wait a minute. I check myself, tiningnan ko ang suot ko. Manipis na white t-shirt, hmm medyo halata nga ang dibdib ko. Hindi naman sa pagmamayabang e talagang bata pa lang ako ay biniyayaan na ako ng magandang hinaharap. At maiksi pala ang short ko kaya kita ang makinis kong hita at binti. Tinamad na kasi akong magpalit kanina pagkatanggal ko ng uniform at nagsuot na lang agad ng t-shirt. Wala namang malisya sa akin pero ngayon ay parang dinapuan ako ng hiya dahil sa lalaking ito. Napatingin ulit siya sa mga mata ko at napapikit na parang nahihirapan, napamura pa yata "S***" bulong nito pero umabot pa rin sa pandinig ko "Ano po iyon sir?" Dumilat siya at muling tumingin sa akin "Ahmn nothing" kinuha niya sa kamay ko ang rootbeer. Napasinghap ako dahil parang may kuryenteng gumapang mula sa kamay niya patungo sa kamay at braso ko paakyat. Kung hindi pa siguro ako bumitaw ay baka umabot na iyon sa aking puso. Ako lang ba ang nakaramdam? Pinagmasdan ko ang kustomer, nakatitig ito sa akin habang binubuksan ang hawak. "So, tell me, are you one of the new employees here?" Nag-ingles na naman kuuhh ano ang isasagot ko? "Yes po" customer lang naman ito e malay ba niyan kung sino ako at isa pa hindi naman magtatagal iyan dito. "How old are you?" Hala! "Bakit po sir?" Medyo kinabahan ako sa tanong niya. Underage pa kasi ako at bawal pa ang magtrabaho. Napatitig siya sa akin, napalunok ako, siguro tinatantya niya ang edad ko. Sinasabi naman ng mga mata niya na lagot ako kapag nagsinugaling ako sa kanya. Napatayo ako ng tuwid, napataas ang kilay niya. Inalis ko muna ang bara sa lalamunan bago magsalita "Well, sir masama po ba kung underage ako? Nag-aaral pa kasi ako, ah working student po" paliwanag ko "Ah, I see" ininom niyang muli ang rootbeer na hawak at muling tumingin sa akin. Napayuko na lang ako, kunwari ay nag-aayos pero ang totoo e hinahanap ko ang price ng rootbeer para masingil ko na at nang lumayas na ito sa harapan ko, awkward na masyado. Nakakailang dahil wala na itong ginawa kundi ang tumitig sa akin...baka matunaw ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD