"Coffee, juice, tea, or me?" Natatawang sinalin ni Luther ang lemonade na tinimpla niya sa baso sa harap ko. Umirap ko sa kanya dahil umaatake na naman ang kalandian niya. Yung kakaibang nararamdaman ko? Hindi ko dapat pansinin iyon. It's Luther we're talking about.
"Wala bang tubig?" Umiwas ako ng tingin sabay kagat ng pizza. Ang sabi sa akin ni Luther ay padating na daw si Simon at Maggie. About my feelings for Simon? Siguro hindi naman siya ganon kalalim dahil wala na akong maramdaman kahit ano. Siya kasi yung tipo ng kahit nasa harap mo na ay mahirap pa din abutin. Hindi katulad ni Luther na nakahain sa lahat.
Besides, hindi naman ako manhid o tanga. Alam ko naman na may kung ano sila ni Maggie na hindi ko mabigyan ng label. Sana lang... hindi umabot sa punto na magkasira sila. Boyfriend ni Maggie si Glen, kapatid ni Simon si Glen pero may kung ano sa kanilang tatlo na hindi mo maexplain. Whatever it is, sana hindi na umabot sa punto na may masira sa kanila.
"Hmmm.." kumunot ang noo ni Luther. " Wag ka ngang choosy." Binaba niya sa harap ko ang tinimolang lemonade. "Masarap yan.. may kasama pang pagmamahal.." kumindat siya at ngumiti tsaka mabilis akong tinalikuran.
Mabilis nalalglag ang panga ko kasabay ng pagtibok ulit ng puso ko! Ughh! Bakit hindi ko malabanan ang kalandian ni Luther. I used to be the master of flirt thing. Ano nangyari? Why suddenly became the slave? Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko para maalis ang nararamdaman ko.
"Bakit mo sinasampal yung pisngi mo?" Napalundag ako bigla ng labas si Luther. Tinagilid niya pa ang ulo niya habang nakakatitig sa akin. "Ah... ehh.."
Bwiset! Bakit wala akong maisip? Pakiramdam ko ay naghang ang utak ko sa pagbalandra ni Luther sa harap ko.
"Ahh--ehh--? What?" May naglarong ngisi sa labi niya. Yumuko at pumikit ng mariin at nagpakawala ng mura sa isip. "Ano, Sasha?"
"May lamok! Ang dami oh--" turo ko sa itaas at naghahampas. Lalong natawa si Luther kaya natigilan ako.
"Bakit ka tumatawa?"
"Mosquito free ang bahay Sasha.." tawa siya ng tawa. Napatingin ako sa tiniro niyang aparato na nakasaksak sa gilid. f**k!
"Whatever!" Tumayo ako para lumabas at huminga ng maayos. Naiinis ako dahil lahat ng palusot ko ay nababara niya!
"Okay, kana? Ala nang lamok?" Napasinghap ako ng biglang lumabas si Luther sa likod ko.
"Jesus, Luther! Hobby mo ba ang manggulat?" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang kaba na nadadama ko.
"Hindi naman kita ginulat.. bakit ba palagi kang nagugulat?" Nagkamot pa ng ulo si Luther tsaka ngumuso. Para siyang batang inosente na nakanguso ngaun.
"Eh--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng huminto sa tapat ng gate nila ang isang Range Rover na kulay pula.
Pareho kaming natigilan ni Luther habang hinihintay lumabas ang tao sa sasakyan. Napakunot pa nga ang noo ko ng unang lumabas si Simon diretso sa shotgun seat ng sasakyan. Isa pa yan sa hinangaan ko kay Simon. At his age, meron siyang sariling negosyo at sariling pera. At hindi lang basta pera, billionaryo lang naman po siya.
Si Luther ang nagkwento sakin 'non. Minsan nga daw yung sasakyan niya ay napalalunan niya lang sa poker kapag natatalo si Simon. Now tell me who wouldn't like Simon? He's the serious and mysterious type na mahuhulog ka kahit ala pa siyang ginagawa.. kaso, siya din yung tipo na kahit abot mo na, hindi mo pa din makuha.. Na kahit anjan lang sa tabi mo, ang layo layo pa din niya. Hindi gaya ni Luther na transparent at bukas sa lahat.
"Kyaaa!! Simon!!" Napasigaw ako at biglang sumukbit kay Simon. Alam ko naman na maiirita siya sa ginawa ko pero ginawa ko pa din. I want to see Maggie's reaction. Kumunot ang noo niya at napatingin sa kamay ko na nakahawak kay Simon. That answer the puzzle in my head. Maggie's into Simon.. I pity Glen for the situation. And I hate Maggie for this!
"The f**k, Sasha.." tinanggal ni Simon ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Lumapit siya kay Luther at may binulong. Nanliit pa nga ang mga mata ko ng humagalpak ng tawa si Luther.
"Lets go inside.." nakatingin lang ako kay Simon at Maggie. Inakbayan ni Simon si Maggie at dumiretso papasok ng bahay.
"I told you so.." seryosomg usal ni Luther kaya napatingin ako sa kanya. I'm not dumb or so whatever! Alam ko naman that Simon will never like me. Gusto ko lang masagot ang mga tanong sa utak ko.
Tinalikuran ko si Luther at mabigat ang pakiramdam na pumasok sa kwarto. Ang sabi kasi nila ay sa bayan kami kakain dahil walang stock ang pantry nila Luther.
"Ger your bag.." napasinghap ako ng biglang lumitaw si Luther sa pinto! What the hell self? Enough. Bakit ba ganyan ka sa presensya ni Luther? Hindi pwede itong nararamdam ko. Kung ano man ito, alam kong walang lang ito. Palagi ko lang kasing nakakasama si Luther kaya na aattached ako sa kanya. Yun lang, Sasha!
"Bakit kailangan pa ng bag?" Tanong ko sabay ayos ng buhok ko.
"You're going to treat me." Sagot ni Luther sabay taas baba ng kilay. Ang kapal talaga! Kapag si Luther Ng nakasama ko. Pakiramdam ko ay mauubos ang enerhiya ko.
"Treat you? apakakuripot mo talaga!" I scolded.
"Me? Kuripot? I lost 5m last night. Sige na.. libre vacation kana, free accomodation na.."
"Sampalin kita ng lima!" Sagot ko sabay hila ng bag ko. Tumawa ng tumawa si Luther.
"Don't worry, papaligayan kita buong magdamag.." natatawang sabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Ni hindi ko matignan ng maayos si Luther. Bwiset na malanding lalaki 'to. What are you doing to me? I used to be the master of flirting.. bakit ala akong mabara sa kanya?
"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo, Luther ah.. anong paligayahin pinagsasabi mo?" Lumakad ako pero nakasunod pa din sa akin si Luther. Humakbang ako sa hagdan nila at ganon din siya.
Nang nakakailang hakbang ako ay nauna siya at humarang sa harap ko. My goodness! Itulak ko kay siya sa hagdan?
"What are you thinking?"
"Umalis ka nga jan! Ano ba pinagsasabi mo?" Iritableng sagot ko.
"Papaligayahin ko ang bigong si Sasha.. we will explore the clubs in Bulacan. Ano ba iniisip mo?" May mapaglarong ngiti ang mga labi niya kaya umiwas ako ng tingin. Ano nga ba ang iniisip mo Sasha?
"Ano?" Ulit niya habang may mapaglarong ngiti sa labi. Huminga ako ng malalim at nag ipon ng hangin sa katawan. Pakiramdam ko ay nahihigop ni Luther ang lakas ko sa mga pinag gagawa niya. Ang nakakainis pa ay ayaw makisama ng sarili ko. Ugh! I so hate him!
"Iniisip ko kung paano kita ihuhulog jan sa hagdan.." tinabig ko siya kaya bahagya siyang napaatras. Mabilis kong hinawakan ang damit niya dahilan para mapunta sa akin ang pwersa niya at mapahiga ako sa hagdan. Ngumiwi ako ng todo dala ng sakit ng pagkakabagsak ko. Ugghhh! Grabe talaga!
"Umalis ka nga jan!" Sigaw ko sa kanya. Nakapatong kasi sa akin si Luther na ngaun ay tahimik lang. Napatigil ako ng madama ko ang bilis ng t***k ng puso niya at init ng bawat hininga niya. Halos magkalapit na ang mukha namin pero hindi siya gumagalaw. At for pete sake! Hindi din ako makagalaw.
"What the f**k!" Sabay kaming napasinghap at napatingin kay Simon na gulat na gulat. Mabilis kong itinulak si Luther na tahimik pa din which is kinda weird.
Mabilis akong bumaba ng hagdan at hinarap si Simon. "Siya kasi.." para akong tangang nagpaliwanag kahit ala naman dapat ipaliwanag. Nagsimula akong maglakad na panay ang mura sa isip.
"Bitin ba?" Panunukso ni Simon kay Luther. Lalong nag init ang pisngi ko at nakaramdam ng matinding pag kailang.
"Tangina mo!" Natatawang salita ni Luther kaya natawa si Simon.
"Get in.." salita ni Simon kay Maggie na pumasok na sa likod ng sasakyan ni Luther. Sumunod na si Simon sa kanya. " Simon tabi tayo?" Salita ko. Susunod na sana ako ng biglang hilahin ni Luther ang damit ko at isara ni Simon amg pinto! Bwiset talaga!
"Bakit nanaman ba?" Singhal ko kay Luther.
"I'm not your driver.." tumalikod siya left my mouth hanged open. Bakit ang sungit niya bigla?
"Get in, Sasha.." ramdam ko ang iritasyon sa boses niya na pinagwalang bahala ko nalang.
Bumungad sa amin ang makukulay na Christmas lights sa daan. Ber months na kasi ngaun kaya madaming Christmas lights.
"Kyaaa! May SM.." tuwang tuwang salita ko. Hindi ako makapaniwala na may SM dito.
"Shut the f**k up, Sasha.." salita ni Luther kaya tumahimik ako. Bakit ba ang init ng ulo niya? Ngumuso nalang ako at umayos ng upo hanggang makarating sa bayan.
Bumungad sa akin ang isang malaking tower clock na nagiiba iba ng kulay. Pinarada ni Luther ang sasakyan niya sa Mcdo na kaharap ay isang malaking simbahan. Katabi nito ang seven eleven na may katabing tinda na kung ano ano.
"Where are we going?" Salita ni Simon.
Pinamulsa ni Luther ang dalawang kamay niya sa bulsa niya at nagkibit balikat. "You'll see." Wala kaming nagawa. Sumunod kami kay Luther na dumiretso sa tapat ng tower clock kung saan madaming nagtitinda ng street food.
"Are you f*****g kidding me, Luther Jameson? You think i'll let Maggie eat that?" Bungad ni Simon na halatang diring diri sa mga nakikita niya. Pinagmasdan ko si Maggie na tahimik lang. Ako man ay tahimik dahil naiinis ako sa mood ni Luther.
"It's fine with me.." sagot ni Maggie.
"See? Tumikim ka naman ng iba, dude.." may panunuyang sabi ni Luther.
"f**k you.." salita ni Simon.
"Chill.. calm your d**k, pagkain yan.." humagalpak ng tawa si Luther at Maggie ako naman ay panay ang selfie para may iba naman mapost sa IG. Seriously? Chicken intestine, the orange egg and the chicken blood etc.. kahit kumakalam na ang sikmura ko ay hinding hindi ako kakain niyan.
"Try niyo.." salita sa amin ni Luther. Poker face ako habang si Simon ay diring diri pa din. Umupo kami sa table sa gilid.
"I'll just go to Mcdo." Hindi ko na hinintay ang opinion nila. Lumakad na ako pabalik sa Mcdo dahil hindi ko na kaya ang gutom ko.
"What's your order ma'am?" Bungad ng crew sa counter. Magsasalita na sana ako ng biglang lumitaw si Luther. Lumawak pa nga ang ngisi ng babae sa harap.
"Two coke float, one bff fries, and one piece chicken.." salita ni Luther.
"Is there a-anything else sir?" Halos mautal utal na ang babae kay Luther. Siya naman ay abot hanggang tainga ang ngiti. Jusko! Si Luther, landi everywhere!
"That's all." Ngiting ngiti pa din siya sa crew.. naiiling akong pinanood siya. Wala nang lunas si Luther.
" 345 pesos sir." Salita ng babae.
Nagulat naman ako ng harapin ako ni Luther." Bayaran mo na." Salita niya na ikinalaglag ng panga ko. Asshole! Talagang iniwan ako at umupo sa dulo kung saan may pang dalawahang upuan. Masamang masama ang loob ko na binayaran ang binili niya.
Nang makarating ako sa kanya na prenteng nakaupo ay padabog kong ibinaba ang tray na hawak ko. Medyo napasinghap pa nga si Luther sa ginawa ko. "Galit agad?" Natatawang sabi niya sabay subo ng fries na isinawsaw sa icecream sa ibabaw ng float.
"Go to hell." Kinuha ko ang manok na nasa gilid na bigla niya itong kuhanin at kagatan.
"Ano ba! Akin yan eh." Maktol ko.
"Finders keepers.." ligayang ligay siya habang kinakain yung manok. Okay? Kalma ka lang Sasha.. binalewala ko nalang si Luther. Pakiramdam ko ay nauubos niya ang lakas ko.
Panay ang subo ko sa fries habang sinasawsaw sa icecream. Somehow, natuwa naman ako at may pagkakapareha pala kami ni Luther.
"Hmmm.." napatingin ako kay Luther na nagpupunas ng bibig gamit ang tissue. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa mata niya. Seriously? Gusto kong mag iwas pero natatakot ako. Natatakot ako na makita niya na apektado ako.
"Ano?" Salita ko.
"Lets play, Sasha.."
"Anong laro naman?" Bigla akong nakaramdam ng excitement. Pakiramdam ko kasi ay phase lang itong nadadama ko kay Luther dahil hindi ko na nagagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon. Yun yon Sasha!
Seryosong seryoso si Luther kaya kumot ang noo ko. "Lets play the flirt night. Padamihan ng.." nagkibit balikat siya. Nanlaki ang mga mata ko. Flirt night? Fuckboy moves. Ano? padamihan kami ng lalandiin?
"Ano naman ang mapapala ko jan?"tutok na tutok ako sa kanya. Maybe I need this. I need diversion. Yung hindi puro si Luther ang nakikita ko.
Nagkibit balikat si Luther. "Ako." Seryosong sagot niya kaya nabuga ko ang iniinom ko. Tangina niya talaga!