It can't be

2043 Words
Pagkatapos ng sayaw nila Prim ay pumasok na kami ni Luther sa gitna. Madaming kababaihan ang nag ingay ng pumasok si Luther. Umirap pa ako sa kawalan ng halos magyabang siya sa lahat. Nagsimula ang tugtog na Side Kick kaya kinabahan ako ng bahagya. Sa nakita ko kasing sayaw ni Luther kanina ay hindi ko alam kung ano mangyayari samin dito sa gitna. Iginalaw ko ang katawan ko. Halos mastatwa ako ng si Luther na ang gumalaw. f**k! Hindi siya nagsisinungaling kanina.! He really have the moves. Ngumiti siya at kumindat sakin kaya naman sinabayan ko na siya kahit gulat na gulat ako. Bawat galaw ni Luther ay malinis at parang propesyonal sa ginagawa niya. Damn this fuckboy! Akala ko si Simon lang ang magaling sa hiphop dance pero nagkamali ako. Pakiramdam ko nga ay mas magaling pa si Luther sa kanya. Lalong umingay ng nag chorus na, sabay na kaming nag grind ng katawan ni Luther. Nagsimula kong ma enjoy ang nangyayari dahil kampante akong malinis ang galaw naming dalawa. "Wooooooooo!!!!!" Sigaw ng mga taong nakapaligid sa amin. "Wala e, may panalo na.. masyadong ginalingan eh." Sigaw ng iba. Ang saya saya kong natapos ko ng maayos ito kahit gulat na gulat ako sa pinakita ni Luther. "So..." salita ni Luther na bahagyang hinihingal pa. Pakiramdam ko ay may umiikot sa sikmura ko na kung ano at kuryenteng gumapang sa buong pagkatao ko dala ng pagkakahawak niya sa beywang ko. "How about our dinner?" Panay ang kaway ni Luther kahit nasa gitna pa kami. Isa isang lumapit ang kagrupo ni Prim kaya hindi ko na nagawang sumagot. "You got them serve, Sasha!" Tuwang tuwang sigaw ng mga kasama nila Prim tsaka kami niyakap. Pakiramdam ko ay nanigas ako bigla ng makulong kaming dalawa ni Luther sa gitna. Magkadikit na magkadikit kami ni Luther habang nakayakap sila sa amin at tuwang tuwa. Nagtama ang mga mata namin ni Luther. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi nakisama ang mga mata ko. Titig na titig lang din ako sa kanya. "You owe me a dinner, Sasha.." bulong ni Luther kaya napakurap kurap ako sa harap niya. "Pigilan niyo!" Tili kung saan. Isa isang nawala ang mga nakayakap sa amin at mga tao ng biglang nagkagulo. "Si, Simon napa-away.." sigaw ng isang kasama ni Prim. Kumunot ang noo ko. Mabilis na kumawala si Luther at lumapit kung saan may gulo. Huminga muna ako ng malalim tsaka patakbong sumunod sa kanya. "You suck, Maggie.." sigaw ni Simon sabay bitaw sa kamay ni Maggie. Nakahawak naman ang kabilang kamay niya kay Glen.  Nanliit ang mga mata ko. "Sinagot ni Maggie si Glen." Iritableng salita ni Luther na para bang hindi natutuwa sa nangyari. Nanliit ang mata ko. Nandito naman pala si Simon pero bakit di siya nagpakita? At ano nangyari? "The show's finished.. umalis na kayo." Sigaw ni Luther sa mga taong naka-ikot kay Glen at Maggie. Napatingin si Maggie kay Luther kaya umiling si Luther at tumalikod. Alam kong may nangyayari dito na hindi maganda pero hindi ko talaga maintindihan. Imbes na guluhin ko ang isip ko ay bumalik kami sa gitna. Ala na nga si Prim kaya naiwan kami. Kahit kami ang nanalo ay hindi ko makuhang ngumiti. Nakakuha pa kami ni Luther ng special prize pero pareho kaming tahimik at hindi makuhang matuwa. Lumipas ang araw at pala isipan pa din sa akin ang nangyayari. Ayoko naman tanungin si Luther dahil alam kong ala siyang matinong sagot. Napaayos ako ng higa ng makareceived ako ng text. Luther - can I claim my prize? Me - what prize? Natapos na kasi ang sem na ito kaya naman bakasyon na. Naiinip pa nga ako dahil ala manlang ganap. Inaya ako nila Camille sa Bora pero tinangihan ko lang sila. Masyadong malayo, two weeks lang naman ang sembreak at ayokong masyadong mapagod. Luther - C'mon. Our dinner. Me - sige mamaya.. duh! breakfast palang.. Natatawa ako. Umikot pa ako sa kama habang malaki ang ngiti. Hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ako sa kanya. Luther - can you come with me instead? -uhhh -errr -please? Sunod sunod na text niya. Ako ba eh nilalandi niya? Alam kong may landi ako sa katawan pero pagdating kay Luther ay tumitiklop ako. Me - can't understand you.. Ilang minuto ang lumipas ay hindi nagreply si Luther. May bahagi sa akin na parang nadismaya. Siguro nga ay pinagtitripan niya lang ako. Maliligo na sana ako ng biglang nag beep ang cellphone ko. Luther -can't understand either.. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako. Pinikit ko pa ang mga mata ko para pabagalin ang bilis ng t***k ng puso ko. I need to remind myself that I'm talking with an asshole! Si Luther yan Sasha! Ugh. "Mom, magbabakasyon lang ako." Naabutan ko si Mommy at Daddy sa sala. Hindi ko tinapunan ng tingin si Daddy kahit alam kong nakamata siya. "Where?" Seryosong tanong ni Mommy. "Sa Bulacan." Sagot ko. Pumayag kasi akong sumama kay Luther sa Bulacan para naman maiba ang nakikita ko. Sumasakit kasi ang mata ko at nasisira ang araw ko dahil kay Mommy at Daddy. "With whom?" Tanong ni Daddy. Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa. Instead, mabilis kong hinila ang luggage ko at tinalikuran sila. Kelan pa naging concern si Daddy? Bakit ngaun lang? Malaki na ako at di ko na kailangan ng pag aalala niya. Noon ko kailangan iyon pero binalewala niya kami. So why now? Ala siyang karapatan. "Sobrang late ka!" Nakasimangot si Luther na sinalubong ako. Ngumiti ako ng maabutan ko siyang sibangot at nakahalukipkip na nakasandal sa sasakyan niya. "Blame the traffic.." nangingiting sagot ko. Huminga ng malalim si Luther at inabot ang luggage na hawak ko kaya nagdikit ang kamay namin. Napabitiw siya agad sabay iwas ng tingin kaya napakunot ang noo ko. "First time mong makahawak ng kamay?" Natatawang sabi ko. Hinila ko ang bag ko papunta sa likod ng sasakyan niya. Nagpakwala ng mura si Luther na dinig ko naman. "First time kong makuryente.." mahinang bulong niya na hindi ko masyadong maintindihan. "Ano?" Bumaling ako sa kanya. Umiling siya at ngumiti sa akin."Wala! Sabi ko ang ganda mo.. medyo bingi ka lang." "Hoy, naglinis ako ng tenga noh!" Nagmartya ako papunta sa shotgun seat. "Eh baka may naiwan kaya nabingi ka." Natatawang sabi niya. "Go to hell!" Masungit na salita ko kaya naman napahalakhak siya. "I'm on my way, Sasha.." naiinis ako dahil natatame lagi ako sa sagot niya! Kapag binara ko siya, palaging may pambara din siya. Sa huli, ako palagi ang natatameme! Nakakainis siya. "Matulog ka muna.. malayo pa tayo." Salita niya na hindi ako tinitignan. Napatingin ako sa side angle ni Luther habang diretso ang mata niya sa daan.  Perpekto ang hugis ng panga ni Luther na katulad kay Simon. Kaso, tahimik at misteryoso si Simon, while Luther is very transparent. Matangos ang ilong niya at bahagyang makapal ang kilay. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa Rayban na suot niya. "Ang gwapo ko ba?" Napasinghap ako at napaiwas ng tingin ng ngumisi si Luther pero sa daan pa din ang mga mata. "Hindi, ang gago mo!" Sagot ko na ikinatawa niya. Tumagilid ako bigla dahil ako mismo ay natatawa. Natulog ako buong byahe. Nagising nalang ako ng tapikin ako ni Luther. "Dito na tayo.." salita niya sabay tanggal ng seatbelt niya. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malalaking bahay at malinis na subdivision ang bumungad sa akin. Halatang mayaman lahat ang nakatira. May pastil pa ng Waterwoods sa gilid marahil siguro ay pangalan ng subdivision.  Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. Westernize ang disenyo nito at moderno ang pagkakagawa. Kila Luther talaga ito? "Lalabas kaba o bubuhatin kita?" Napasinghap ako ng buksan ni Luther ang pinto sa side ko. "Hahawakan mo ako o susuntukin kita?" "Pwedeng hawak muna? Utang muna yung suntok?" Ugh. Naiiling akong bumaba sa sasakyan niya habang siya ay tawa ng tawa. Minsan naiisip ko kung hindi ba nauubusan ng saya si Luther sa katawan? See? Kahit anong sabihin ko palagi siyang may sagot. "Kaninong bahay 'to?" Tanong ko ng makapasok kami. Hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng bahay. Malinis ito at wala kang makikita na kahit anong alikabok. "Sa katulong namin.." sagot niya habang natatawa na naman! "Ang tino mong kausap." Umirap ako. "Ang tino mo din magtanong, common sense minsan, Sasha.." "So ala akong common sense?" "Ikaw may sabi niyan. Ang sabi ko lang gamitin mo. Hindi ko sinabing wala ka." Ugh! Bwiset! Tinalikuran ko siya at nagmartya paakyat ng hagdan. Panay ang halakhak ni Luther na nakasunod sa akin habang dala ang luggage ko. Hindi talaga ako mananalo sa kapilosopohan niya. Mas masarap pang kausap ang pagong. Pag katapos kong mag ayos ng gamit ko ay bumaba na ako. Medyo kumalam na din ang tyan ko dahil sa gutom. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay maayos ako sa bahay na ito. I mean-- samin kasi ay maiirita lang ako kila Daddy. Pero dito? I feel peace and at home. "Are you hungry?" Naabutan ko si Luther na tinotono amg gitara na hawak niya. Lumakad ako sa gawi niya at naupo sa katapat na sopa. "Medyo, umh.. di ba tayo kakain?" Salita ko. Hindi pa din ako tinitignan ni Luther. Panay pa din ang pihit niya sa gitara na hawak niya. "Nag padeliver na ako ng food. We'll wait for Simon and Maggie here." Kumunot ang noo ko. Simon and Maggie? Ano naman ang gagawim nila dito? Diba sinagot na ni Maggie si Glen? Oh-- crap Margaret! Pinanuod ko lang si Luther na patuloy ang pagtotono sa gitara niya. I looked away dahil bumibilis talaga ang t***k ng puso kapag tumititig ako sa kanya. "Sasha!" Sigaw ni Luther. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Bakit kaba nanggugulat?" Iritableng sabi ko. Ang puso ko ay lalong bumilos ang paghataw. "Coz' you're spacing out. Nandito na ako iniisip mo pa ako." Ngumisi si Luther. "Dream on!" Ngumuso ako kaya humalakhak siya. "You know how to sing?" Biglang sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako magaling pero kaya ko naman  kumanta. Hindi pa ako sumasagot ng bigla akong hinila ni Luther sa garden nila. The place is very relaxing. May maliit na fish pond sa gilid na lalong nakakenganyong tignan. "I'll play.. you sing." Ngumiti si Luther. "Eh, bakit ako? Bat di nalang ikaw?" Umirap siya at napabuga ng hangin. "If I know. I wouldn't ask you.." Okay-- natameme ako bigla. Hindi siya marunong kumanta pero magaling siyang magitara. Inayos ni Luther ang cellphone niya para irecord ang gagawin namin. My Goodness! Hindi naman ako magaling kumanta! Maganda lang ako! "Bakit may video?" Salita ko. Nagkibit balikat si Luther. " huwag kang magulo! Ipapasa ko ito sa Facebook." Tumawa siya. Adik talaga!Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. Sinabi ni Luther sa akin ang kanta na medyo kaya ko naman. You, by the light Is the greatest find In a world full of wrong You're the thing that's right Finally made it through the lonely To the other side Kinakabahan ako sa bawat bigkas ng lyrics. Hindi ko alam pero may kung ano sa kanta na nagpabilis na naman ng t***k ng puso ko. Paminsan minsan ay napapatingin si Luther sa akin. Ngaun naman ay nakapikit siya habang patuloy ang pag strum. Gusto kong umiling or ano pero natatakot akong makuha sa video ang emotion ko ngaun. You set again, my heart's in motion Every word feels like a shooting star I'm at the edge of my emotions Watching the shadows burning in the dark. And I'm in love And I'm terrified For the first time and the last time In my only life Pinatay ni Luther ang video at malaki ang ngiti sa akin. "You're great.." kumindat siya at ngumiti. I can't uttered any words. Ang bilis lang t***k ng puso ko. May biglang nag door bell dahilan para tumayo si Luther. "Must be the food. C'mon, Sasha.." tuluyan na siyang lumakad. Nanatili akong nakaupo at sundan ang bawat hakbang niya. OMG! I know what I'm feeling. This can't be. Hindi pwedeng may maramdaman ako kay Luther. The thought of me, falling for him terrifies me. It can't be..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD