“A-Alex…” hawak ang lalamunan na sambit ni Vionne sa asawa. “Yeah, Baby?” nakangiting tanong ni Alex sa kanya. Good mood na good mood ito. Marahil ay dahil naka-iskor ito kagabi at napakainit ng kanilang pagniniig. “A-Alex, nakatanggap ako ng message galing sa agent na kinuha ko. May lead daw sila kina nanay at tatay.” mahabang paliwanag ni Vionne at umaasa siya na mauunawaan ni Alex ang mga sasabihin niya. “So?” biglang naging seryoso ang mukha ni Alex at titig na titig na ito sa kanya, alam niyang alam nito ang ibig niyang sabihin. “Gusto kong makita ang mga.magulang ko, ang tagal na, ilang buwan na Alex. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila. Please maawa ka. Let me visit them…” naiiyak na si Vionne ngunit pinipigilan din niyang hiwag tumulo ang luha sa harap ng asawa.

