”A-Alex, pwede naman tayong bumukod hindi ba? Pwede naman tayong mabuhay ng wala sila.” pakiusap ni Vionne sa asawa. Gusto na talaga niyang umalis sa bahay ng mga Mondragon. Dahil nga lang kay Alex kaya nananatili sila sa mansion ng mga ito. “H-Hindi mo nauunawaan ang lahat, Vionne. Wala kang alam at hindi mo alam ang sinasabi mo.” mahinahon naman sagot na iyon ni Alex pero parang punyal na tumarak sa puso ni Vionne ang mga katagang iyon. “Ano pa ba ang hindi ko nauunawaan, Alex. Mahal na mahal kita at gusto kong patunayan sa lahat iyon. Gusto ko lang naman mamuhay tayo ng payapa na walang nanggugulo sa atin araw-araw.” medyo napapataas na ang boses ni Vionne dahil sa sakit na nadarama. Pakiramdam niya ay wala siyang choice lagi kapag nag-utos si Alex ng hindi pwede. Sa una lang lahat

