Hindi makapaniwala si Mrs. Mondragon na totoong magaling na ang anak ayon sa doktor nito. Kung totoong magaling na si Alex, hindi maaaring magtagumpay ang anak niya na mabuntis si Vionne. Kailangan paghiwalayin ang dalawa sa lalong madaling panahon. “You will lose your job, let me in!” bulyaw ni Mrs. Mondragon sa kalihim ni Alex. Nagulat ang dalawa dahil nagbukas ng kusa ang pinto. Bumungad si Alex na maayos ang pananamit, walang bakas ng kahit anong kaganapan sa ginawa nila kanina. “What is going on here, Mom?” tanong ni Alex sa ina na pinagbubuntunan pa rin ng inis ang kalihim. “Palayasin mo ang babae mo sa pamamahay natin.” tuluyan ng pumasok sa office ni Alex ang ina at umupo ito sa sofa. Hindi niya nakita si Vionne sa loob ng office. “You know what, Mom? Ikaw dapat at ang kala

