“Nandito pa rin ang babae na 'yan?” mataas ang boses na tanong ni Mrs. Mondragon kay Alex. “Mom?! Cut the crap. We are not leaving. Kung may aalis man sa pamamahay na ito, ikaw 'yun.” matapang na sagot ni Alex sa ina. Alam niyang kalabisan na ang ginagawa ng ina ngunit hindi pa rin ito magawang patulan ni Alex. Dumaan sa tapat nila si Aldrin na kalalabas lang sa sariling kwarto. Malapad ang pagkakangisi nito. Agad naman na huminahon si Mrs. Mondragon. “Aldrin, Hijo. Nakahanda na ang almusal.” Bati lamang nito saka tumango. Ngumiti lang si Aldrin saka iniwan ang dalawa na walang pakialam sa kanilang pagtatalo. “Mom, you know what? Ikaw dapat ang umaalis sa pamamahay na ito. I will keep my mouth shut forever. Just leave my wife alone.” pakiusap na Alex sa ina ngunit hindi ito sumang-ayon

