Saktong pagpasok ng sekretarya na pumalit kay Vionne, ito ang senaryo na nadatnan. Kanina pa siya nababahala sa pinto ng opisina ng kanyang boss kaya naisipan niyang makinig ngunit hindi naman klaro ang ang sinasabi ng dalawa. Dahil tsismosa at nais malaman kung ano ang nagaganap sa loob, binuksan niya ang pinto. Napatili ng ubod lakas ang sekretarya ni Alex. Kahit na medyo tago ang opisina ni Alex, dinig na dinig sa hallway ang tili nito. Nataranta si Alex kaya agad na hinabol ang babae. “Sssh! Wala kang nakita. Mawawalan ka ng trabaho kapag nagsalita ka.” banta ni Alex dito. Mabuti hindi nabasag ang vase. Pinunasan niya ito at binalik sa pwesto. Sakto naman na dumating ang isang empleyado na galing sa finance department. “Ano ang nangyari Veron?” agad nitong tanong sa kalihim ng CE

