Matapos kumain ay tinulungan ni Vionne ang ina sa paglilinis ng kusina habang naliligo si Aldrin sa kabilang kwarto. At tinotohanan nga! Napipika na si Vionne sa sariling ina. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mga ito. Una, hindi man lang sinabi sa kanya na maglilipat sila ng bahay at kapitbahay pa si Aldrin. Pangalawa, araw-araw niyang makakasalo ang binata. Mabuti na lang at madiskarte ang nanay niya. Imbes na mag patintero sa dalawang bahay, si Aldrin na lang ang nag-adjust. Pero para kay Vionne, hindi siya natutuwa. Naisip niya, siya na lang ang maghahanda ng sariling almusal tuwing umaga at ang nanay niya ang maghanda ng almusal ni Aldrin sa mansion nito. Natawa si Vionne sa naisip. Nagtitipid ba sa tubig at kuryente si Aldrin? Kapag sa kanila lahat nagluto at nakiligo,

