Pinagtawanan ni Aldrin si Vionne, mas malakas pa ang boses at tawa nito sa ingay ng ulan ngunit huminto rin nang biglang kumidlat, kasunod nito ang dagundong ng kulog. “Ah…Ah…sige, bye!” biglang tumalikod si Vionne. Pulang-pula ang mukha sa labis na pagkapahiya at binaybay ang pathway patungo sa maliit na bahay. Buong akala talaga niya, ang malaking bahay ang tinutukoy ni Aldrin na ipinamana sa kanya ni Alex. Nagkamali siya ng pagka intindi at nahiya siya kay Aldrin dahil sa mga paratang niya dito na nais siyang ibahay. What the…sinabi ko ‘yon? Hiyang-hiya din sa sarili niya si Vionne. Nag asam na naman siya. Nagmartsa sa inis sa sarili niya si Vionne at kumatok sa pinto. Agad naman siyang pinagbukasan ng ina. “Anak, buti naman at nandito ka na. Sinabay ka ba ni Aldrin? Tingnan mo oh

