“Ano? Sasakay ka ba o hindi?” ulit ni Aldrin na halatang naiinip sa sagot ni Vionne. Sakto naman na bumuhos na talaga ang malakas na ulan, ang ingay ng tunog nito sa bubong ng bus stop at ni anino ng bus ay wala pa. Nakatingin na kay Vionne ang ibang pasahero na nag-aabang din ng bus. Ang iba ay napapangiti at ang iba naman ay tila kinikilig na nanonood ng drama sa kalye. “Go na girl, kung ako ‘yan, kakalong pa ako sa driver.” bulalas ng baklang estudyante, nakamwestra pa ang mapilangik nitong mga kamay. Nagtatawanan sila ng mga kaibigan niya na sinuportahan ang sinabi. Nalito naman si Vionne sa mga sinabi ng bakla kaya tila nahirapan siyang magdesisyon. Tumingin ulit siya kay Aldrin, nag-iisip kung makikisakay na nga lang ba sa kotse ng lalaki. Pero gaya ng banta ni Aldrin, bigla iton

