“I am very sorry, Sir. Hindi na mauulit.” yumuko si Vionne, nilalaro ang mga daliri sa sobrang kaba. Eto na mga ba ang kinatatakutan niya. Ang liit ng mundo para maiwasan si Aldrin. Sa yaman ng mga Morales, nahihirapan siyang makahanap ng trabaho na hindi pag-aari ni Aldrin. Buong akala niya ay iba ang may ari ng pinagtatrabahuhan niya dahil iba ang pangalan na ipinakilala sa kanila during orientation. Isang buwan na rin siya bilang bagger at masaya naman siya sa natatanggap na sahod. Hindi man kalakihan pero sapat lang at above minimum ang offer sa mga baguhan na gaya niya. Hindi niya rin makakalimutan, sa ika-40 days ni Alex, halos nagpang-abot sila sa memorial park kung saan nakalagay ang abo ng labi ni Alex. Sinikap ni Vionne na umiwas kay Aldrin. Ayaw na niyang ma-involve sa buhay

