Hinawi ni Vionne ang buhok at dinala ito harap upang bigyan ng access ang nobyo sa kanyang batok. Kung ano man ang ginagawa ngayon ni Aldrin sa kanya hindi siya tatanggi. Kakaiba ang naranasan niya ngayon. Ang bilis niyang madarang at matupok sa bawat nakakakilig na halik at nakakakiliti andampi ng labi ni Aldrin. And mainit na buga ng hininga nito ay naghahatid ng libo libong boltahe ng sensasyon na nagbibigay init sa buong katawan niya. Gusto niya ang ginagawa at paraan ng pagpapainit sa kanya ni Aldrin. Napaka-sensual ng paraan ng paghalik nito sa kanya at talagang dalang dala siya. Naisip niya, may dahilan ang lahat at para na rin itong selebrasyon dahil kahit paano ay napagbigyan ang kanilang hiling na mabuntis siya. Isa itong malaking achievement para kay Vionne. Hindi lang nanay

