Makalipas ang isang oras ay bumalik na si Aldrin sa kwarto ngunit tulog pa rin si Vionne. Dahil alas diez na at may plano silang mag shopping, ginising na niya ng nobya at pinahanda na rin sa room service ng hotel ang almusal na inorder niya kanina. Tinabihan ni Aldrin ang nobya saka kinulit ito ng kinulit, nilaro laro ang mata at ang inipit ang butas ng ilong. “Good morning, Bebu. Gising na…” pinitik ni Aldrin ang tungki ng ilong ni Vionne. Napapitlag naman si Vionne at tuluyan ng nagising saka kinusot ang ilong. “Hmp…gusto ko pang matulog…” reklamo no Vionne pero hindi naman ito galit. “Bangon na, lalong sasakit ang katawan mo kapag hindi ka nag-stretch. Ikaw din, maaga kang mamanasin, lalaki ang mga paa mo.” pananakot ni Aldrin. Hindi siya sigurado sa mga sinasabi pero gusto lang t

