Halos isang buwan na ang pagtataksil ni Vionne sa asawa. Lihim na dinadalhan ni Aldrin ng pregnancy test kit si Vionne kapag umuuwi ito. Ngunit sa tuwing mag-te-test siya ay negative ang result. Kahit paano, nalulungkot si Vionne. Gusto niyang magkaanak sa kahit anong paraan, naisip niya. Anak na galing sa dugo at laman niya. Gaya ng pangarap ni Alex. Huminga ng malalim si Vionne sa ka wala sa loob na tinapon ang ginamit na pregnancy test kit sa basurahan na hindi naman niya madalas gawin. Madalas si Aldrin ang nagdidispose nito sa ibang lugar. Humiga sa kama si Vionne hanggang sa nakaidlip siya. Madalas siya lang ang natitira sa bahay mag-isa. Hindi na rin siya sinasaktan ni Alex ngunit hindi siya nito ginagalaw. Naisip niya, sana kahit paano ay galawin din siya ni Alex. Maya-maya ay

