CHAPTER 1
Zhyne's POV
Tawag galing kay Jhona ang natanggap ko habang nasa loob ako ng meeting room. Walang pagdadalang isip na sinagot ko ang tawag at seryosong pinakinggan ang kaniyang sinasabi.
"Zhyne, Katana is awake."
Napaawang ang bibig ko matapos mapakinggan ang kaniyang sinabi.
Pabalang akong napatayo mula sa pagkakaupo.
Dahil sa bigla kong pagtayo ay tumilapon ang inuupuan kong swivel chair sa lapag at saka napatingin sa akin ang mga taong nasa loob ng kwarto. Nagtataka ang kanilang mga tinign kung bakit ako biglang tumayo.
Dali-dali akong naglakad palabas ng opisina pero bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang pag salita ni Mr. Megan, ang papa ni Lexie na malaki ang shares sa kompanya.
"Where are you going Mr. Smith? The meeting is not yet finish," pagpipigil niya sa akin. Nagsimulang magsiingayan ang mga shareholders na nasa loob, they are trying to stop me from going outside.
Masama ko siyang tinignan pati na rin sa mga taong nandoon sa loob.
"My wife is more important than this fvcking meeting." Pagkatapos ko 'yong sabihin ay tuluyan na akong lumabas ng opisina at saka pabalang na sinarado ang pinto.
Nagmamadali akong pumunta sa elevator pero dahil tanghali na, marami ng gumagamit ng elevator.
I have no choice but to use the stairs. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdaan hanggang sa makarating na ako sa ground floor kung saan naka parak ang kotse ko.
Nagmamadali kong pinaandar ang kotse nang makapasok na ako sa loob.
"Damn it, Katana, I missed you," bulong ko sa sarili habang mabilis na pinapaandar ang kotse papunta sa hospital kung saan naka confine si Katana.
Flashback
"SEARCH EVERY CORNER OF THIS FVCKING FOREST! I NEED YOU ALL TO FIND THE PERSON WHO DID THIS TO MY WIFE! I'LL FVCKING KILL HIM MYSELF!" galit na sigaw ko sa mga tauhang nakapalibot sa amin.
Nanginginig, umiiyak at sumisigaw Si Katana habang nakayakap siya sa akin. Pilit niyang nilalabas ang sakit na nararamdaman. I'm fvcking useless.
Inutusan ko na ang tatlong reapers na buhat-buhat ang walang malay na mga kaibigan ni Katana na dalhin na sa hospital ang mga kaibigan at ang kapatid ni Ms. Dela Rosa.
"Sino ang gumawa niyo sa 'yo, wife?" kalmado kong tanong pero sapagitan ng pagiging kalmado ko ay ang galit na nararamdaman ko habang tinitignan ang kalagayan ni Katana.
Mas lalo akong nagalit ng makita ang pag iling niya, does fvckers dare to threathen my wife. Nanginginig na niyakap ko si Katana sa bewang habang siya naman ay nakayakap sa batok ko.
Inalalayan ko na siya sa pagtayo pero nagulat ako ng bigla na lamang niya akong yakapin sa likod.
Kasabay ng isang malakas na putok ng baril ang pagbagsak ni Katana sa sahig.
Parang tumigil ang oras nang makita ko ang duguang katawan ni Katana na nakahiga sa putikan. Sumasabay ang pag agos ng dugong nasa likod niya sa pag agos ng tubig galing sa gubat dahil sa ulan.
Mabilis akong pumunta sa direksyon ni Katana at saka binuhat ang itaas na bahagi ng kanyang katawan para ipatong iyon sa bisig ko. Ang pinipigilan kong luha simula pa kanina ay nagsimula ng magsitulo. Nanginginig ang buo kong katawan habang yakap-yakap siya.
"Wife... please, 'wag ka munang matutulog, okay?" umiiyak na wika ko kay Katana habang dahan-dahan ko siyang kinakarga, kailangang maidala ko kaagad siya sa malapit na hospital.
"M-magpapahinga lang muna ako, Zhyne... pagod na pagod na ako," nanghihinang usal ni Katana habang nasa bisig ko. Nanlalabo man ang paningin ko dahil sa pag iyak at sa patuloy na pag-ulan ay makita ko pa rin ang dahan-dahan niyang pag pikit.
"Take a rest wife, b-but please, don't leave me," wika ko sa pagitan ng pag iyak.
"I won't... I love you,"
"I love you too, wife."
That was her first and last 'I Love You' and after that she lost consciousness.
I quickly turned to go to the car park outside the forest while carefully carrying Katana in my arms. I don't care if my body gets injured because the important thing is that I take Katana to the hospital right away.
I quickly told the driver to take the car to the hospital.
Nang makarating na kami sa tapat ng hospital ay dali-dali akong lumabas ng kotse. Sumalubong sa akin ang mga nurse na nakahawak sa stretcher.
Sobrang tahimik ng kapaligiran ko dahil nakatutuok lamang ang atensyon ko kay Katana habang nakahiga siya sa stetcher. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa kalagayan ko na basang-basa ang katawan at puno ng putik ang tuxedo.
Kailangang nasa tabi lang ako ni Katana...
"Sir! Hindi po kayo puwede sa loob ng Emergency room! Gagawin po namin ang lahat para mailigtas ang iyong asawa!" sigaw ng nurse na nagpabalik sa aking wisyo.
Doon ko napagtanto na hawak-hawak ko na pala ang kwelyo ng lalaking nurse dahil sa galit. Mabilis kong binitawan ang kanyang kwelyo at saka nanghihinang napaupo sa upuang nasa labas ng E.R.
"Please, save my wife..." nanghihinang wika ko sa kanya.
"Yes sir, gagawin po ng mga dooctor ang kanilang makakaya para mailigtas ang iyong asawa,"
Hindi ko mapigilan ang aking panginginig habang hinihintay ang balita tungkol sa kalagayan ni Katana.
Lumipas ang sampung minuto ay hindi pa rin lumalabas ang nurse.
Bigla akong napalingon sa hallway ng hospital nang maramdam ko ang sunod-sunod na mga yakag, sila Jean at Jhona iyon na tumatakbo patungo sa direksyon ko.
They did not ask me anything. They just sat next to me and gently patted my back to calm me down. I could hear their cries next to me.
'Please, don't leave me alone, wife,' bulong ko sa sarili.
Sabay-sabay kaming napatayo nang makita namin ang pagbukas ng pintuan ng E.R. Lumabas mula roon ang isang doctor.
"Maayos na po ang kalagayan ng iyong asawa, sir. Natanggal na namin ang balang tumama sa kaniyang likuran. She just needs an extra blood type of AB, because she suffers from blood loss," sabi ng doctor.
Parang may kung anong bigat ang nawala sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi ng doctor.
"Hindi ko akalaing makikita ko ulit ang dati kong pasyente na si miss Kae," usal ng doctor na nagpakunnot sa aming tatlo.
"Sinong Kae po?" nagtatakang tanong ni Jean.
Nagtatakang tinignan ko rin ang doctor dahil hindi naman kilala kung sino ang tinutukoy niyang Kae.
Nakakunot ang noong tinignan kami ng doctor.
"'Yong asawa po ni sir, si Miss Kae po. Dati ko kasi siyang naging pasyente, kaso car accident naman ang kanyang aksidente. Kung hindi ako nagkakamali, amnesia po ang naging resulta ng aksidenteng iyon sa kanya dahil sa trauma."
Naguguluhan kaming tatlo.
Para bang sigurado talaga siya na ang tinutukoy niyang pasyente noon ay ang asawa ko na si Katana.
"Nagkakamali kayo, dok, kasi ang pangalan ng asawa ni kuya ay Katana, hindi Kae." seryosong wika ni Jhona.
Biglang nanlaki ang mga mata ng doctor nang marinig nya ang sinabi ni Jhona.
"I apologize. Maybe because of my old age I can no longer recognize my former patient. I thought Miss Katana was my patient before," paghihingi ng paumanhin ng doctor.
Biglang napabaling ang atensyon namin sa nurse na papalapit sa aming direksyon.
Humarap siya sa doctor at saka nagsalita.
"Dok. May nag sabi pong nurse na kailangan nyo raw po ng AB blood type? May isang ginang na po ang nagpadala ng kanyang dugo, para po sa iyong pasyente na si miss Katana," wika niya. May hawak siyang tray na naglalaman ng bags ng dugo.
'How did the lady know that Katana needs blood? Who's that lady?'
"Mabuti naman kung gano'n. Nasaan na pala ang ginang?" tanong ng doctor sa nurse.
"Pagkatapos po naming makuhanan siya ng dugo ay nagmamadali na siyang umalis pero base sa sinagutan niyang form, ang pangalan po ng ginang ay Elly Rey," sagot ng nurse. Napatango naman ang doctor.
Lumingon siya sa amin.
"Sige po maiwan ko po muna kayo. Maya-maya rin po ay ililipat na siya sa private room, doon po ay puwede nyo na syang bisitahin."
Napatingin ako sa doctor ng sabihin niya iyon sa amin.
"Thank you, doc," sambit ni Jean at saka pumasok na ulit ang doctor sa loob ng E.R.
Malakas na bumuntonghininga ako at saka umupo sa bench gano'n din sila Jean dahil sa balita ng doctor tungkol sa kalagayan ni Katana.
Di nagtagal ay inilipat na sa private room si Katana at kami naman ay nakapagpalit na ng damit.
Sa pagdaan ng mga araw, hindi pa rin nagigising si Katana...
Tinuon ko ang aking atensyon sa paghahanap sa bumaril kay Katana.
Habang pinapahanap ko ang mga underlings ng Mafia, kasama na roon si Jean dahil Rank 4 at hack siya ng Inferno Mafia.
Araw-araw naman akong bumibisita kay Katana, minsan naman ay doon na ako natutulog, umaasa na magigising na siya...
Pero lumipas ang isang linggo... isang buwan hindi pa rin nagigising si Katana hanggang sa umabot na ng dalawang buwan...
Flashback ends
Nang maipark ko na ang kotse ay dali-dali akong lumabas ng kotse.
Tumakbo ako papasok ng hospital.
Mabilis ang t***k ng puso ko habang papalapit nang papalapit ako sa kwarto kung saan naka confine si Katana...
Nang makarating na ako sa tapat ang kwarto ay dahan-dahan ko 'yong binuksan. Bumungad sa akin si Katana, nakatingin sa akin, naka hospital gown, maraming nakakabit sa kanya at umiiyak pati na rin sila Jean at Jhona.
Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Ang pinipigilan kong luha ay nagsimula nang magsitulo.
Nanginginig ang aking huong katawan habang yakap-yakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at nagsimulang umiyak ulit sa dibdib ko.
"Damn it, I fvcking miss you, Katana," bulong ko at saka hinalikan ang kanyang noo.
To be continued...