Isabela Nasa gitna na ako ng daan nang bigla akong napahinto dahil sa biglaang pagharang ng pulang sasakyan sa unahan ko. Nag umpisa na akong kabahan ng mapatingin ako sa paligid ko. It was a place na walang katao-tao. They can do whatever they wanted to do with me. Nag umpisa na akong kabahan pero hindi ko hahayaang makita nila ito. Nang may bumabang armadong kalalakihan sa sasakyan ay mas nadagdagan ang kaba ko. "Diyos ko, kayo na po bahala sa akin. Inang, Tatang, makakasama ko na ata kayo ng mas maaga." sambit ko at nanginginig ang kamay na hinintay silang makalapit sa sasakyan ko. Kahit gusto ko mang paharurutin ito paalis ay hindi ko naman magawa dahil hinarangan nila ang lahat ng pwede kong daanan. Napasign of the cross na lang ako habang mahigpit na nakakapit sa manibela. Napai

