Prologue
"What the f**k are you doing here?!" pasigaw kong tanong sa katabi ko sa kama. I know, I'm intack because I can't feel pain down there.
At ang hambog, nginitian lang ako habang nag-iinat ng dalawa nitong kamay. "Good morning, My Dear Wife." nakangiti nitong bati sa akin na ikinataas ko ng kilay sa kanya.
"Don't you call me that. Baka gusto mong lumipad sa labas mg bintana at magkandalasog-lasog?" inis na tanong ko dito. Tinaasan ko ito ulit ng kilay nang nginitian niya lang ako at umupo sa kama.
Napaiwas naman bigla ang tingin ko dahil half naked ang katawan niya. "Put on your damn t-shirt. You asshole!" sigaw ko dito at hindi man lang nag abalang tumingin dito.
"It's all yours, Wife. My body, my nakedness, my soul, even my heart." may sasabibin pa sana ito nang naguguluhan akong tumingin dito at itinaas ang kamay ko para patigilin siya.
"Wait! Wait! Wait!" pagpapatigil ko at kinunutan ito ng noo. "Kanina ka pa wife nang wife sa akin. And for your info! I don't want your body, your nakedness or your damn soul. Hindi kita type. Hinayupak 'to!" inis na sigaw ko dito at tumayo na sa kama.
Masakit ang ulo ko dahil na rin siguro sa alak na nainom ko kagabi. I didn't even remember what did I do before I passed out last night. Nang mahanap ko ang bag ko ay akma na sana akong lalabas ng pintuan nang magsalita ito at lumapit sa akin.
"Baka naman gusto mong malaman ang nangyari kagabi, Wife?" tukso nito. Nang tumingin ako dito ay nakita ko ang pag-ngisi niya.
"Stop that f*****g wife of yours. Baka hindi ako makapagtimpi at maitapon ko sa'yo itong frame na nakasabit dito sa dingding." babala ko dito na ikinangisi niya lang ulit.
"I know you can't do that to me, Wife. Hindi mo sasaktan ang asawa mo." nakangisi ulit ito habang sinasabi niya 'yan. Nang maglakad ito palapit sa may drawer at may inilabas ito mula doon na folder ay napakunot ang noo ko.
"Asawa? Are you f*****g kidding me!" sigaw ko dito.
"Yes and no." sagot nito at lumapit ito sa akin nang nakangiti. Nang iabot niya sa akin ang folder ay tinignan ko lamang ito sa kanyang kamay.
"Ano 'yan?" pagtataray ko dito kasabay nang pagtaas ng aking kilay.
"See for yourself, Wife." hindi ko pa rin inaabot ang hawak nitong folder bagkus ay sinamaan ko lang siya nang tingin. Bakit parang kinakabahan ako habang tinitignan ko ang ina-abot niyang folder?
Nang mahalata nitong wala talaga akong balak abutin, agad nitong hinila ang kamay ko at inilagay dito ang folder.
"Wala akong panahon na makipag-biro sa'yo, Mr Valdez. What is this?" tanong ko at iniangat ang folder na hawak ko.
"Just read it." kibit balikat nitong sabi sa akin at pumasok ito sa pinto sa kaliwang banda ng kuwarto. Napansin ko na panglalake ang kuwarto na kinaroroonan ko. Nang makita ko sa dingding ang mga picture nang lalake ay nakompirma ko na nasa kuwarto nga niya ako.
Sinimangutan ko ang larawan nitong nakangiti at dahan-dahang binuksan ang folder. Tumambad sa akin ang marriage contract na pirmado ko.
"What the f**k!" gulat na mura ko habang binabasa ang nilalaman ng marriage contract. That's my name and sign. As I scan the papers ay nakita kong legal ito at naganap ito kagabi. What the f**k did I do? Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.
Nang mag sink in sa utak ko ang pangyayari kagabi ay napamura nalang ako nang napamura dahil sa frustrasyon.
"f**k! f**k! f**k! Isabela! What did you do?! You're f****d up!" bulong ko sa sarili ko pero may diin ang bawat bitaw ng salita ko.
Naglakad ako sa malapit na sofa at nanghihinang napaupo doon. I can't believe what just I do. I just offered a marriage last night and wed in the middle of the night. Dahil may kasama kaming judge kagabi ay ito ang nagkasal sa aming dalawa. Napahilamos nalang ako sa aking mukha at napayukong nagmura.
"f**k! Paano ko ipapaliwanag ito sa mga kapatid ko at kay Inang." frustrated kong tanong sa sarili ko.
"Puwede namang ako na ang magpaliwanag sa kanila, Wife." tinignan ko siya ng masama at inirapan ito.
"Stop the wife thing, Caine! I'm irritated. Don't push me to my limit dahil baka hindi kita matantiya!" seryoso kong saad dito habang masama ang tinging ibinibigay ko dito.
"I have the right dahil asawa na kita." nakangiti nitong sabi at lalapit sana siya sa akin nang patigilin ko ito.
"This is insane! Don't you dare come near me! I'm going!" sumusukong sambit ko dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko. Mabilis kong isinukbit ang bag ko at nagmadali nang lumabas ng kuwarto nito. Narinug ko pa ang sigaw nito bago ko naisara ang pinto.
"I'll wait for you to come home, Wife!" napabuntong hininga nalang ako at diretso nang naglakad paalis.
Paano mo tatanggapin ang kasal na naganap sa pagitan ninyong dalawa?
Iiwas ka ba o subukan mong mahalin ang napangasawa mo?
Sabay nating tuklasin ang magaganap sa pagitan ni "Isabela at Caine"