Isabela
Nagtatrabaho ako ngayon sa isang sikat na Law Firm sa bansa. I'm one of their top lawyers in town. Hindi naman sa nagmamayabang, in demand ako ngayon sa mga kliyente namin dahil sa hindi na mabilang na kasong ipinanalo ko at ng partner ko. Lahat ng kasong hinahawakan ko ay talagang pinaglalaanan ko ng oras para maimbestigahan.
Katatapos lang ang hearing sa huling kasong hawak ko at naipanalo namin ito ng partner ko. He's no other than, Atty Lewis Braganza. He's my collegues friend. We've been partners since college and our chemistry works on every cases we handle.
Since, naipanalo namin ang kasong hawak namin ay magseselebrate kami.
"Where to?" he asked and open the door for me.
I smiled, "Same place?" kaikangan pa ba kasing itanong 'yan, eh alam naman nito kung saan ang punta namin lagi.
"Sure, who's gonna come?" he asked and followed me to the parking area.
"Of course, our team. Isama mo na din si Judge Owen and his company." I winked at binuksan ang pinto ngbsasakyan ko. Bago pa ako pumasok ay humarap muna ako sa kanya at nagbilin. "Mauna na kayo with them. Dadaan lang ako sa bahay sandali." paalam ko na ikinasalute nito sa akin at ngumiti.
Ipinasok ko na muna sa loob ang gamit ko bago ako sumakay sa loob. Bago ko pa maisara ang pinto nang kotse ko ay tinawag ko si Lewis.
"Hey, Lewis." tawag ko.
"Yep?" taas ang isang kilay nitong tanong sa akin. "Namiss mo na agad ako?" natawa ako sa tanong niya.
"In your dreams, Lewis. Not gonna happen." I smirked at him. Napanguso naman ito na muntik ko nang ikasuka. "Stop that, Lewis. Nakakadiri." saway ko dito at isinara na ang pinto. Nang itinukod nito ang kamay niya sa pinto ay tumingin ako sa gawi niya at sinabi na ang dapat kanina ko pa sinabi. "I'll be in a week leave starting tomorrow. Ikaw muna ang bahala sa mga client natin." bilin ko na ikinalungkot nito.
"What? Iiwan mo akong mag isa? Ganyan ka naman eh, nang iiwan." kunwari ay nagtatampo nitong sabi na ikinairap ko.
"Your a best actor, Lewis. Puwede ka nang pangFAMaS award." umiiling sa sabi ko dito. "Just call me if something came up. One phone call away, Lewis. Kahit ano pa yan. I'll be there." sambit ko at inistart na ang sasakyan ko. Bago ko pa paandarin paalis ay tumingin muna ako kay Lewis na nagda-drama pa din. "Stop that, hindi mo bagay. Para ka tuloy tangang nakanguso diyan. Sige ka, habulin ka ng mga bibe diyan. Suwerte mo," tukso ko saka ko siya kinawayan. Magsasalita pa sana ito nang paandarin ko na nang tuluyan ang sasakyan ko.
"Take care!" narinig kong sigaw nito kaya napangiti nalang ako.
Lewis is just a friend. Kahit na madalas kaming magkasama ay walang kahit anong romantic relationship na namagitan sa amin. He's handsome, wala naman akong masasabi diyan. Responsible, may sense of humor, mabait, marespeto, lahat na ata ng good traits ay nasa kanya na. It's just that, wala kaming mafeel na love for each other. We are only partners in crime. Nothing more, nothing less. Mahilig lang manglambing yan pero walang malisya sa amin. Madalas kaming pinagkakamalan pero tinatawanan lang naming dalawa. Dahil sa aming lahat, lalo na sa mga nag iisip na kami ay may relasyon. Tinatawanan lang namin sila at mas lalo pang iniinis. We are just comfortable with each other.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Ate Katherina na nakaupo sa may sala at hawak nito ang kanyang ulo. Agad akong lumapit dito dahil sa pag aalala.
"Ate, are you okay?" agad kong tanong at sinipat ang noo nito kung may lagnat ba siya. Nang masigurado ko namang wala ay ako na mismo ang humilot sa sentido niya.
"Nahihilo lang ako ng konti." isinenyas pa nito ang dalawang daliri niya in an inch.
"Magpahinga ka muna, Ate." payo ko dito na inilingan niya lamang.
"Hinihintay ko pa si Kuya mo Marco. Nagpabili ako ng santol na bagong pitas. Pero hanggang ngayon wala pa din siya. Tawagan mo nga," utos nito sa akin na ikinatawa ko.
"Ate, nasa Manila tayo. Saan naman daw makakakuha si Kuya Marco ng santol na bagong pitas, aber?" natatawang tanong ko at patuloy pa ding hinihilot ang sentido ni Ate.
"Ay oo nga, noh?" tila natatauhang sambit ni Ate sa akin.
"Tawagan mo nga siya. Sabihin mo na barbecue at ice cream nalang." nakapikit na utos ni Ate sa akin. Saglit kong iniwan ang paghihilot sa sentido niya, inilabas mula sa bulsa ko ang selpon ko. Agad kong idinial ang numero ni Kuya Marco at ipinakausap kay Ate. Ayaw sana ni Ateng kausapin si Kuya Marco kaso binitawan ko na ang selpon sa kamay nito kaya wala na itong magawa pa.
Habang hinihilot ko ulit ang ulo ni Ate ay nakikinig na din ako sa usapan nila at the same time.
"Mahal ko, ayoko na pala ng santol. Barbecue nalang." hindi ko nariinig ang sagot ni Kuya Marco dahil hindi ito nakaloud speaker.
"Bahala ka diyan! Ayoko na niyan! Basta barbecue at ice cream nalang." nakasimangot nang sabi ni Ate.
"Basta! Gusto ko andito ka na bago mag isang oras. Kapag wala ka pa dito ng alas kuwatro. Huwag ka nang umuwi." nagpipigil ako ng tawa sa likod nito. Paano ba naman kasi ay hindi din maipinta ang mukha ni Ate habang magkausap sila ni Kuya Marco sa selpon.
Nang ibigay ni Ate sa akin ang selpon ko ay hindi pa nito napatay ang tawag. Naririnig ko pa ang pagrereklamo ni Kuya Marco sa kabilang linya pero wala naman akong magawa. Ganyan ba talaga ang mga katulad naming babae pag naglilihi? Diyos ko! Parang hindi ko maimagine ang sarili ko sa kalagayan ni Ate.
Nang naririnig ko pa ang boses ni Kuya Marco ay kinausap ko na ito dahil naawa naman ako.
"Ate dropped the called without ending it. Is it that hard to handle Ate with her cravings and sometimes her tantrums? She's turning into a mad Lady now and then, Kuya." inenglish ko ang mga tanong ko para hindi masyadong maintindihan ni Ate. Kapag natiyambahan namang naintindihan nito lahat ay patay ako.
"I can handle, Isabela. Is she okay?" tanong nito.
"Nope, she felt dizzy when I got home. I'll just wait for you to come home bago ako umalis Kuya." tinignan ko si Ate na busy na sa pagbubuklat ng magazine sa mesa.
"Okay, thank you. I'll be there in thirty minutes."
"Bye, Kuya. Just be careful." bilin ko bago ko inend ang tawag at tumabi kay Ate sa upuan.
"Ate? Gaano kahirap ang maglihi?" nagtatakang tanong ko.
"Ang hirap." maiksing sagot niya sa akin na ikinakamot ko sa aking ulo. Sa korte, pakuriputan ng sagot. Hanggang dito ba naman sa bahay, ganoon din. Hay naku!
"Gaano nga kahirap, Ate?" tanong ko ulit and this time ay itinaas ko ang mga paa ko at humarap kay Ate.
"As in mahirap. Magigising kang nasusuka, nahihilo, hindi makabangon. Minsan takot maligo, laging nilalamig. May mga gusto kang kainin tapos pag nandiyan na sa harap mo?" malungkot itong napatingin sa akin at napapabunton hininga na lang. "...ayon pa ang dahilan nang pagsusuka ko. Maski ako? Hindi ko maintindihan ang sarili ko." himutok ni Ate at napahalukipkip nalang.
Hinagod ko ang likod ni Ate at hinaplos ang mahaba nitong buhok. " Kaya ako, Ate? Hindi muna ako mag aasawa. Sagabal lang yan sa career ko." umiiling na sabi ko kay Ate na agad nitong tinutulan.
"Hindi mo din 'yan masasabi, Isabela. If the right man comes, hindi mo na siya magawa pang pakawalan. If you slip it away, malas mo." kibit balikat sa sambit ni Ate sa akin at ngumiti.
"Matagal pa iyang right man na 'yan , Ate. I'm happy with being single. Andiyan kayong pamilya ko. Wala na akong hahanapin at hihilingin pang iba." nginitian ko ito na ikinangiti niya din pabalik.
"Love comes, unexpectedly." nakangiting sabi ni Ate sa akin. Tumatak iyon sa isip ko. If times comes na dumating na nga siya. Kaya ko naman sigurong pigilan ang love na yan para sa pamilya ko.
"Ate..." tawag ko ng maalala ko si Inang. "Kailan pala ang balik ni Inang?" umuwi kasi si Inang sa probinsiya para bisitahin si Tatang at ang bahay na rin. Ipinasama namin ang dalawang katulong sa kanya para may umasikaso dito. Ayaw niya nga pa sana dahil kami ang iniisip nito. Kaso hindi kami pumayag kaya wala din itong nagawa.
"Sa isang araw pa ata, Isabela. Tumawag si Manang Lerna na naglinis daw sila sa buong bahay. Tapos bago daw sila uuwi dito ay bibisitahin daw muna ulit ni Inang si Tatang." tumango ako sa sinabi ni Ate.
"Kailan kaya tayo uuwi ng probinsiya, Ate. Yung tayong lahat, 'yong kompleto tayong lahat. Nakakamiss ding umuwi doon, Ate." suhestiyon ko na ikinalingon niya sa akin at ngumiti.
"Pero kailangan mong magleave sa trabaho mo kung mangyari man 'yan. Hindi naman problema si Kasandra dahil malapit na ang sembreak nila. Si Pamela naman ay madali lang daw makaleave kasi hindi daw toxic sa trabho niya ngaying mga susunod na buwan." hinawakan ni Ate ang kamay ko at excited na nakatingin sa aking mga mata.
"Sige, well set the date para mabisita natin si Tatang at ang bahay." nakangiting sabi ko dito at hinaplos ang medyo maumbok na nitong tiyan. "Bilisan mong lumaki, Baby Pamangkin. Huwag mong pahihirapan si Mommy, ha? Excited na ang mga Tita mo na makita ka." itinapat ko ang mukha ko sa tiyan ni Ate habang kausap ko ang baby sa tummy niya. Hinaplos naman ni Ate ang buhok ko.
Nang mapatingin ako kay Ate ay masaya itong nakangiti habang nakatingin sa akin. Gusto ko ganito kami lagi. Masaya at walang problemang hinaharap.
Napatingin nalang kami sa pinto nang biglang bumukas ito at iniluwa nito ang pagod na pagod na Kuya Marco habang may hawak ito sa magkabilaan nitong kamay. Sa kanan ay ang santol na dalawang supot. Sa kaliwa naman ay barbecue na isang supot at dalawang gallon ng ice cream. Nakita ko naman ang pagkatakam ni Ate nang makita niya ang mga hawak ni Kuya Marco.
Nang lumapit si Kuya Marco kay Ate ay hinalikan niya muna ito sa labi bago ibinigay dito ang mga pinakuha niya. Makikita mo ang pagod sa mukha ni Kuya Marco pero masaya pa rin ito habang kinakausap si Ate.
"Magbibihis lang ako, Mahal ko. Hintayin mo ako at ihahanda ko lahat para makain mo." paalam nito kay Ate na ikinangiti nito.
Nagmadali namang umakyat si Kuya sa taas. Nagpaalam na din ako na aakyat na para magbihis kasi aalis din ako. Nang tumango ito ay napangiti nalang ako habang umiiling dahil nakatuon ang mga mata nito sa pagkaing nasa harap niya. Hindi na nga ito nakatiis. Kumuha na ito ng isang stick ng barbecue at kinakain na.
Nakangiti akong umalis sa tabi nito. Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako tuluyang umakyat at pumasok sa aking kuwarto.