Chapter 22

2149 Words
Isabela Matatapos na ang limang araw na pagbabakasyon ko kina Ate Katherina pero walang Caine na dumating. Umasa ako pero masakit pa lang isipin na natiis niya ako ng ganito kahabang panahon. I miss him so much but he doesn't feel the same way. Ang unfair lang, kung kailan nahulog na ako nang tuluyan, saka naman siya ganyan sa akin. "How are you, Ate?" Napatingin ako sa pintuan ng magsalita doon si Kasandra. "Of course, I'm okay." Pinilit ko ang ngumiti kahit na hindi ko naman kaya. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa kabilang side ng kama. "Hindi naman 'yan ang nararamdaman ko Ate." napatingin ulit ako sa kanya at itinigil ko ang pagliligpit ng aking mga gamit. "What are you talking about?" maang-maangan ko pang tanong dito at muling nag iwas ng tingin. "Kilala kita, Ate Isabela. I know something is bothering you or should I say someone is bothering you? Ilang araw ka na dito pero walang Kuya Caine na dumadalaw. Don't tell me na nasa isang place na naman siya for shooting?" nakita ko ang paghihintay nito ng sagot mula sa akin kaya agad kong sumagot. "Yeah, nasa Palwan siya for a commercial shoot." pagsisinungaling ko habang hindi ako makatingin sa kanya. "Nice lie, Ate." pumalakpak pa ito kaya napatingin talaga ako sa kanya. "Kapag nagsinungaling ka naman Ate dapat 'yong katanggap tanggap naman. Kakikita ko lang kaya kay Kuya Caine." hindi talaga ako nakaimik sa sinabi nito. Nakita ko pa nag pagngisi niya sa akin. Kahit gusto ko mang itanong sa kanya kung saan niya ito nakita ay nahiya naman ako dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko. "Wala man lang bang tanong diyan kung saan ko siya nakita?" nakataas ang kilay nitong tanong sa akin at tumayo pa. Kunwari ay hindi ako interesado sa sasabihin niya kahit sa loob-loob ko naman ay excited ako. "See, Ate? Kung okay kayo ni Kuya dapat pumasok siya dito." magsasalita pa sana ito nang awtomatikong tumingin ako sa kanya. "Wait..." parang prinoprocess ko pa sa utak ko ang sinabi niya. "What?" gulat na tanong ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya. "Yes, Ate. Kuya Caine is always outside our house. Inaya ko nga siya one time pero umiling lang siya and told me na huwag ko daw sabihin sa'yo na nakikita ko siya lagi diyan sa labas. Pero, you know what Ate?" tanong nito sa akin saka ito tuluyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. "Halos maghapon din siya sa labas. Kahit tanungin mo pa si Kuyang Guard." tumatango-tango pa ito. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" dismayadong tanong ko sa kanya. Kung alam ko lang na andiyan siya sa labas lagi, eh di sana lumabas ako para magkausap kami. "Aba, Ate! Ang tanong, nagtanong ka ba?" napairap ako sa tanong niya. Sabagay, hindi nga naman ako nagtanong. "Sa pagkakaalam ko." putol nito at tumingin sa may bintana. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ko na sinasadya nitong patagalin ang sasabihin niya. Binatukan ko siya, "pabitin effect ka din, eh, noh? Sasabihin mo na nga lang pabitin ka pa. Layas na nga dito." inirapan ko na siya ng tuluyan at sinimulan na namang ligpitin ang mga gamit ko. Gusto ko na sanang umuwi pero natatakot akong deadmahin niya lang kaya mas pinili kong manatili na lang muna dito. Dadaan na lang ako sa bahay bukas para kunin ang ibang mga gamit ko. "Sure ka na ayaw mong malaman ang sasabihin ko, Ate Isabela? Sasaya ka dito..." tukso niya. "Hindi na, Kasandra. Layas na at ng makaayos pa ako ng mga gamit ko. Saka pabitin ka, eh. May pasok na tayo bukas. Late na oh.." sabi ko at tinignan pa ang relo sa dingding. Nang makita kong past nine na ay tumayo na ako at pinatayo ko na din si Kasandra at marahang itinulak palabas. Tawa pa ito nang tawa habang humahawak pa ito sa lahat ng madaanan naming pwede nitong mahawakan para hindi ito makalabas. "Ate mamaya na. Dito na muna ako..." sambit nito at humawak pa sa may door knob. "pleassseee..." nakanguso nitong pakiusap sa akin at nagpapacute pa. Natawa ako, "matulog na, Bunso. May pasok ka din kaya bukas. Hindi mo bagay 'yang ginagawa mo." "Dito na lang ako matulog, Ate." lambing pa nito at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at inihilig ang ulo nito sa balikat ko. Napangiti na lang ako sa paglalambing niya. Dahil namiss ko din itong katabi ay niyakap ko na lang siya. "Sige na nga, pero kuwentuhan mo ako tungkol sa inyo ni Baby Love mo, ha?" tukso ko sa kanya na   ikinakilig nito ng sobra-sobra. Aba! Ang landi ng kapatid ko! "Hay naku, Ate! Dami ko ikukuwento sa'yo!" ezcited na umpisa niya saka siya bumitaw sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Doon tayo sa kama mo, Ate." pagkatapos ay hinila na niya ako patungo sa kama ko. Aba! Ang kapatid ko, binuhat ang mga tinutupi ko at inilagay lang sa may upuan. Napailing-iling na lang ako sa ginawa nito pero masaya ako dahil kahit papaano ay hindi pa din nawawala ang closeness naming magkakapatid. Akala ko nga magmumukmok na lang siya. Thanks to her Baby Love, napasaya siya nito at naibalik niya ang dating masayahing Kasandra. Nang mag-umpisa na itong magkuwento nang magkuwento ay nakinig lang ako habang nangingiti. Lahat ng detalye sa  pamamasyal nila ng Baby Love niya ay ikinuwento nito lahat sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga kinukwento niya. Lalo na nang banggitin nito ang pagbabakasyon nila sa isang resort ng isang linggo. How I wish na ganyan din kami ni Caine. But sad to say, hindi siguro 'yon mangyayari. Masaya pa siyang nagsasalita ng mga nangyayari sa kanya. Akala ko ay matatagalan pa itong makarecover sa pagkawala ni Inang. Pasalamat na lang kami sa Baby Love niya dahil malaki ang naitulong nito para sumaya ang bunso namin. Halos magmamadaling araw na nang matapos na itong magkuwento na pinakinggan ko hanggang huli. Sumasabat naman ako at nagtatanong sa mga kuwento nito kaya humaba nang humaba ang kuwentuhan namin. Nang mapansin kong nakapikit na ito sa tabi ko ay agad akong bumangon at inayos ang pagkakahiga niya saka ko siya kinumutan. "Goodnight, Kasandra." hinalikan ko ito sa kanyang noo bago ako tumabi dito at natulog na rin. Kinabukasan, maaga pa din akong nagising. Hindi ko na muna ginising si Kasandra dahil mamaya pa naman ang pasok nito. Bumangon na ako at nag-ayos ng aking sarili. Kahit ayoko pa sanang pumasok ay wala naman na akong magagawa. My vacation leave is over at hindi man lang naayos ang gusot sa pagitan naming dalawa ng asawa ko. Nang makaayos na ako, napabuntong hininga na lang ako habang nakaharap sa salamin. Naalala ko kasi si Lewis. I knew that I hurt him dahil sa mga pinagsasabi ko the last time we talked. He's right, my problem isn't the same as his. Dahil mas malala ang sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ko nasabi 'yon sa kanya. And now, I'm really regretting it too much. "I need to talk to him and apologize. It's my fault and I should take the move. Sana lang hindi na siya galit sa akin." napanguso ako sa harap ng salamin. Kung tutuusin ay ito ang unang pag-aaway at pagwawalk out ni Lewis sa usapan namin. Palagi naman kaming nagbabangayan, but the last time is different. I know it dahil nainsulto ko siya nang sobra sobra. I felt guilty. "I really need to apologize now. Bakit ko pa kasi pinatagal." sambit ko at kinuha na ang mga gamit ko. Lumapit muna ako sa natutulog kong kapatid at humalik sa noo nito bago ako tuluyan umalis ng kuwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay agad kong ibinilin si Kasandra kay Manang. Kapag hindi kasi pinagising 'yon. Malamang baka hindi na 'yan makapasok. Tulog mantika kasi ang isang 'yon. Pagkahabilin ko ay mabilis na akong umalis ng bahay at pumasok na sa opisina. Nang makarating na ako sa office ay inilapag ko lang ang mga gamit ko sa mesa bago ako lumabas ulit para puntahan si Lewis. Alam ko na maaga itong pumapasok kaya sigurado akong nandoon na ito sa mga oras na ito. Naka-ilang buntong hininga muna ako habang naglalakad papalapit sa opisina nito. Jusko! Dinaig ko pa ang sesentensiyahan sa sobrang kaba ko. Hindi ko naman kasi ugali ang ganito. Lalo na ang sumuyo ng lalake dahil kahit konti ay wala akong alam. Kinakabahan ako habang nakahawak sa seradura ng pintuan. Kumatok muna ako habang hawak-hawak ko ang seradura. "Come in." sambit nito sa loob. Dahan dahan konh pinihit ang seradura at tuluyan nng nagbukas ang pinto. Nag aalangan pa akong pumasok sa loob. Nang makita niya ako, agad niyang binitiwan ang papeles na hawak nito at tumingin sa akin. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha nito kaya mas lalo akong kinakabahan. "What can I do for you?" halatang galit pa din ito sa akin dahil hindi man lang ito ngumingiti. Hindi naman madamot sa ngiti ang kilala kong Lewis, eh. "Ahmmm--- I need to--" hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa kaba. Paano naman kasi ako hindi kakabahan kung sobrang seryoso naman ang kakausapin ko. Binibinat-binat ko pa nga ang laylayan ng damit ko para kahit papaano ay kumalma ako kahit konti lang. "What? Kung wala ka naman palang sasabihin. You can leave now, marami pa akong dapat gawin." ang sungit naman kasi ng lalakeng ito ngayon. Kung wala lang akong kasalanan sa kaniya, malamang nakatikim na ito ng batok sa akin dahil sa pagsusungit niya. At dahil nga andito ako para magsorry ay kailangan kong magpakabait muna. "I'm sorry." mabilis kong sambit. "Ano?" nakakunot noong tanong nito sa akin. "I said, I'm sorry." pag uulit ko. "Come again?" medyo naiinis na ko sa ginagawa niya pero isinantabi ko muna. "Sorry sa mga nasabi at nagawa ko the last time. I know, I've cross your limit. Nagsisisi talaga ako. I'm sorry, Lewis. Bati na tayo." lumapit ako dito at tumayo lang sa harapan ng table niya. Nakatingin lang ito sa akin at hindi umiimik kaya napapadyak na lang ako. "Don't make me repeat again, Lewis. Namimihasa ka na ata. Alam ko na may kasalanan ako sa'yo pero nakakahalata na ata ako." inirapan ko siya. Nakita ko na lang na nangingiti ito habang umiiling. "You're always forgiven, Isabela. Kahit hindi ka pa humingi ng tawad sa akin ay napatawad na agad kita. Just don't do that again. Naiintindihan naman kita that time dahil alam ko ang nararamdaman mo. But..." putol nito at tumingin sa mga mata ko. "sometimes, you have to be careful of everything. Lalo na sa mga lumalabas sa bibig mo. Magsisisi ka na lang sa huli kapag nasabi mo na at nakasakit ka na. Please, Isabela, next time, think before you speak. Intiendez?" Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Lewis. Hindi na 'yon mauulit. Promise. Hindi ko maatim na nagagalit ka sa akin. Ilang araw na nga kitang gustong kausapin pero nauunahan ako ng hiya ko. I regreted everything I said." napanguso ako. "I know and I understand you. Tama na ang drama. Hindi mo bagay 'yang pag-nguso mo. Para kang ewan na hindi ko maintindihan." natatawang sabi nito na ikinairap ko na at lumapit dito. Agad ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran. Hinawakan naman nito ang kamay ko at marahang pinisil. "I'm really sorry, Lewis. I will make it up to you. Just tell me what to do and I'll do it whole heartedly." tumango tango pa ako at ibinaon ang mukha ko sa balikat niya. "Hindi mo naman ako kailangang bawian, Isabela. Malaman ko lang na nagsisi ka at saka humingi k na ng tawad sa akin. Ayos na 'yon." hinaplos nito ang buhok ko at marahan nitong tinapik ang ulo ko. "Let's have lunch later. My treat." aya ko dito. "And I will take no for an answer. Saka may konting kasalanan ka kaya doon. Hindi mo ako sinipot, eh." narinig ko amg mahina nitong pagtawa. "Is that a blackmail?" napangiti ako at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo sa table niya. "You can say that pero seryoso. I'll treat you out. And you know me, Lewis." nakangiti nang sabi ko sa kanya. "Yes, Ma'am. May sasabihin ka pa po ba? Marami pa kasi akong tatapusing trabaho. Hindi naman sa tinataboy na kita. Buti ka nga nakapagleave. Ako? Hindi ako pinayagan ni Boss." eto naman ang ngumuso. Tumawa ako at mabilis na tumayo sa pagkakaupo ko. "See yah later, Lewis. Nakakasuka yang pagnguso mo kaya aalis na ako. Bye!" sigaw ko sa kanya at tuluyan nang lumabas ng opisina nito. Narinig ko pa ang pagprotesta nito pero natawa lang ako at naglakad na pabalik sa opisina ko. Mahirap ang masaktan sa larangan ng pag ibig. Akala kasi nila katapusan na ng mundo kapag nangyari 'yon. Let's just say na tama sila pero naiisip niyo ba na mas may mga taong halos malugmok na sa mas malalang sitwasyon na kinasasadlakan nila? Be open minded to know everything. Face all your burdens without blaming someone for your fault. Think before you speak para sa huli wala kang pagsisihan. Love is indeed a problem to hold but sometimes love is afeeling that can make you happy and forget everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD