Isabela Madaling lumipas ang mga araw at buwan. Madami nang nangyari na hindi ko inaasahan. Tinupad naman ni Caine lahat nang sinabi niya na kahit kailan ay hindi niya kami iiwan. Dapat nga, ako ang nagsasabi nun sa kanya dahil ako ang unang nang iwan. But, Im very lucky to have him. Sa lahat ng hearings na nangyari hanggang sa maipataw ang kaparusahan sa mga taong nagkasala sa akin at sa mga biktima pa nila. They deserved to root in jail. Pero... Malungkot akong napangiti, "gising na, asawa ko. Hindi ka pa ba nagsasawang matulog diyan? Malapit nang lumabas ang baby natin kaya gumising ka na. Akala ko nang matapos ang kaso ay matatahimik na kami. Pero nagkamali pala ako. Dapat para sa akin ang tatlong bala na 'yon. At dahil sa pagharang nito sa harapan ko, sa kanya tumama ang mga bala.

