Untitled Episode
Chapter One:
The Apocalypse
Enear's POV
Ramdam kong nakalapat ang aking likuran sa karton. Hindi ito sapat upang magkasiya ang buo kong katawan kaya simulang hita hanggang paa ay nakapatong na sa malamig na simento.
Unti-unti kong binuka ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa loob ng malawak na lugar kung saan may mataas at malapad na bubong. Sari-saring ingay ang maririnig mula sa sari-saring mga tao ang nandito. May mga katulad kong nakahiga sa pirasong karton o tela at may mga nakaupo din naman sa sahig na nakasandal sa pader--kawalan ng pag-asa at pagkabalisa ang makikita sa kanilang mga mukha.
Nakarinig ako ng isang hiyaw. May kasama itong emosyong pinaghalong poot at pagkabigo,
"Ang anak ko! Bakit niyo ako pinigilang iligtas siya!"
Sa kabilang banda naman ay mga tangis ng bata. Nagluluksa sa walang malay na katawan ng matandang babae na tinatawag nilang "Mama".
Wala pa akong ganang bumangon. Sa ganitong senaryo ay naalala ko noong nakahiga ako sa ibabaw ng mga synthetic na damo sa malawak na oval ng aming school. Ang ganitong pakiramdam... hmm... na para bang nilalamon ako ng kadiliman na siyang ginugusto ng puso ko.
Unti-unting lumitaw sa isip ko ang panaginip ko. Ang pagbagsak ng mga metor, lindol at...
...halimaw.
"Gising ka na pala," rinig kong pamilyar na boses ang masigasig na bumati sa akin.
Blangko kong tinignan ang binatang naka-school uniform na may kulay dilaw na buhok--si Dycron nga ang nakita ko. Nanggaling siya kung saan at kadadating lamang. May dala siyang stainless na lunchbox at tumbler na nakalagay sa metal din na tray. Parang rasyon sa mga preso o sundalo.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang napabangon ng upo.
Ang mga panaginip ko...
Hindi... Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng nangyayari.
Mula sa school...
Ang lindol...
Saglit lamang ang naramdaman kong pagkalabog ng aking dibdib dahil agad ding bumalik ito sa dati kung saan nanatili lamang akong kalmado. Hindi ko alam kung bakit hindi ako gaanong nababahala o makaramdam man lang ng takot sa mga nangyari. Ni-awa sa mga nasaksihan ay wala ako maramdaman.
Lumapit siya at iniabot ang pagkain. Isang sandok lamang ito ng lugaw.
"Kumain ka muna."
Tinitigan ko muna ito bago ikinilos ang aking mga kamay upang kunin.
"Nasaan tayo?" walang gana kong tanong sa kaniya habang nagdadalawang isip na damputin ang plastik na kutsara. Hanggang sa napagpasiyahan kong ilapag ito sa sahig, "Hindi ako nagugutom."
Ilang segundo ang lumipas ay hindi pa rin siya tumugon. Kaya naman ay napatingin ako sa kaniya at kita kong nakatingin lamang siya sa sahig habang nakaupo sa tabi ko.
Ibinaling ko ang paningin sa paligid. Nasa covered court kami kung saan ginawang evacuation center. Ako na mismo ang sumagot sa sarili kong tanong.
Muli ko siyang tinignan at hindi nagbago ang kaniyang postura. Kaya naman ay inilapat ko ang aking palad sa kaniyang balikat. Para naman siyang nagising sa reyalidad at mahinhing napatingin sa akin.
"Hahanapin natin ang Lola mo at magiging okay din ang lahat," aniko sa kaniya sa blangko kong ekspresyon.
Saglit naman siyang napangisi, "Matagal nang nawala si Lola," tapos ay agad ding bumalik ang kaniyang labi sa plat na guhit.
Nagtataka man ay hindi sapat upang kumunot ang aking kilay. Hinintay ko ang kaniyang susunod na eksplanasyon.
"Simulang grade 8 ay mag-isa na lamang ako sa bahay. Kaya nga lagi akong late eh," bumalik ang kaniyang ngiti at napakamot ng buhok. Tapos ay tumingin siya sa akin, "Masuwerte ka dahil may Papa ka pa. At siguradong hahanapin ka niya kahit ano'ng mangyari," dagdag pa niya.
Nakatitig man ako kay Dycron ay lumipad ang isip ko sa sinabi niya. Kuntento ako sa kabila ng delubyong nangyari. Hindi ko alam kung bakit at ayaw tanggapin ng isip ko ang posibilidad na dahilan ng aking kaginhawaan.
Sa mga oras na ito ay nakakaramdam ako ng kalayaan.
Inalis niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya, "Magpahinga ka muna ulit," tumayo siya at nagpagpag, "Sisilipin ko lang ulit ang listahan kung nandito ang Papa mo."
Huwag.
"Ako na ang gagawa. Ikaw naman ang magpahinga," aniko't tumayo.
"P-pero--"
Muling nag-pop-up ang senaryo kanina sa aking isipan. Kaninang recess sa cafeteria ay bigla na lamang lumitaw ang nakasisilaw na liwanag at nakabibinging dagundong na nagmumula sa labas. Wala mang tatlong segundo ay nakaramdam kami ng malakas na impack na siyang nagpaguho sa gusali. Iilan sa amin ang nakabangon pa pagkatapos pumasada ang maikling lindol nang bigla na lamang nagsigawan ang mga nakaligtas.
Napahawak ako sa aking ulo at may nakapa akong gasa na nakabalot sa bandang kanan. Oonga pala, noong lumindol ay nabagsakan ako ng maliit na tipak sa ulo. Sa ganoong biglaang pangyayari ay hindi ko na naproteksyonan ang aking ulo.
Kaninang lindol din ay nakaramdam ako ng matinding init na bumalot sa aking katawan. Pakiramdam ko no'n ay pumuputok ang aking mga ugat. Hanggang sa unti-tunting dumilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
Nakita ko na ang lokasyon ng mesa kung saan may mga mayor de edad na nakasuot ng green camouflage uniform at combat boots--mga sundalo. Sa tapat nito ay nakapila ang mga mamamayan. May mga kasama rin naman silang mga nakasuot ng kahel na polo-shirt at vest--mga volunteer at baranggay officials.
Kailangan din ni Dycron magpahinga, hindi lamang ako.
"Okay na ako, 'wala ka dapat alalahanin," aniko at nagsimulang humakbang paalis.
"S-Sigurado ka ba?"
"Mm," maikling tugon ko at hindi na nag-abalang lumingon pa.
Siksikan ang sahig, kaya kailangan ng mainam na pagmatyag sa paligid para hindi ako makaapak o matisod.
"Buhay si Mama!"
Nakapuwesto na ako sa pila nang naagaw ng boses na iyon ang atensyon ko. Ignoranteng bata, umaasang mabubuhay ang kaniyang ina kahit na wala ang kalahati ng katawan nito.
"Nakita ko siyang gumalaw!" aniya sa paligid niya. "Ma!" sabik naman niyang niyakap ang katawan.
"M-milagro... Gumagalaw nga!" pagkamangha ng katabi nilang aleng nakasaksi. Nagsalubong ang mga kilay ko at pinagmasdan ang bangkay ng mabuti--imposible...gumagalaw nga ang mga daliri nito. Labag ito sa siyensya at hindi totoo ang milagro.
May mga ilang nakiososyo at nagtawag ng medics na sundalo upang ikumpirma ang nangyayari.
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pila dahil malapit na ako. May kabilisan ang usad nito. Tapos ay muli kong sinilip ang pangyayari kaso natakpan na ng mga tao.
"Lockdown? Bakit?"
["...."]
"Tsk, ano'ng halimaw pinagsasabi mo. Tigil mo na kakanood ng mga Zombie Apocalypse."
["...."]
Hindi ko maiwasang marinig ang conversation sa cellphone ng lalaking nasa unahan ko.
"Safe-zone pinagsasabi mo... hindi lang naman sa District 19 ang safe, madaming mga sundalo rin dito sa 8."
["...."]
"All force, report to the base, immediately!" biglaang sigaw ng isang sundalo. Kita sa reaksiyon ng mga mismong kapwa sundalo na wala itong ideya sa tawag ng kanilang pinuno pero kaagad pa rin itong sinunod.
Habang ang lahat naman ng mamamayan at mga boluntaryo ay nagtataka sa kanilang kakaibang kinikilos.
May mga ilang kinuwestiyon ang kanikang boss pero sa huli ay sumunod pa rin. Nagsisakayan lahat ng military sa kanilang truck at umalis ng walang pasintabi. Pati ang ambulansya ay umalis.
Mga medikal, tubig, pagkain, supplies... kasama iyon sa kanilang binitbit paalis.
Nagsimulang mag-ingay ang mga tao at sinubukang pigilan ang mga nahuling sasakyan. Kasabay no'n ay nagsigawan ang mga iba sa puwesto kung saan milagrong nabuhay ang ina ng bata.
Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Kinakain nito ang kaniyang anak. Pinuyupos ko ang mata ko. Literal. Kung kagatin niya ang leeg ay akala mo kumakagat lamang ng hita ng buhay na friedchicken.
Walang nagawa ang lahat kundi magtakbuhan. Habang ako ay nakatulalang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
Bigla namang may humawak sa aking paa kaya agad akong nagpumiglas at lumayo mula doon. Isang lalaki na nagkukulay grey ang mga balat at bakat ang mga naglalakihang ugat sa katawan.
Hindi lang doon o ito ang naging halimaw. Meron din sa ibang mga sulok ng covert court na ito. Ramdam ko ang presensya ng halimaw na tumayo sa harapan ko. Tinitigan ko ito ng diretso sa mata at hinintay ang susunod na hakbang. Isinunggab nito ang kaniyang bibig papunta sa aking balikat ngunit may biglang humila sa aking kamay kaya naiwasan ko iyon. Napatingin ako kung kaninong kamay ang pumulupot sa aking pulsuhan—
"Dycron".
Siya ang nagligtas sa akin.
"Magpapakamatay ka ba!"
Napaisip ako sa sinabi niya, magpapakamatay nga ba ako?
Muli niya akong hinila at dinala kung saan.
Palagi niya na lang ako nililigtas—kahit kaya ko naman ang sarili ko.
Unang beses kaming nagkakilala sa oval. Nakahiga lamang ako at pinagamasdan ang mga kaklase kong tapak-tapakan ang yuniporme ko. Tiniis ko ang pamimilipit sa sakit sa tuwing sinusuntok nila ako sa tiyan at sinasampal ang bibig. Pero kulang pa ito. Kulang na kulang.
Lalo ito naging hindi sapat nang nakialam si Dycron. Sinalo niya ang natitirang parusa para sa akin habang nakatitig lamang ako sa palubog na araw. Pagkaraan ng ilang minuto ay inilahad niya ang kamay niya at tinulungan ako makabangon.
Nang nakalabas kami ng evacuation center ay kusang huminto ang mga paa namin at muling hindi makapaniwala sa nasaksihan. Ang sambayanan ay parang mga gamu-gamong nagliliparan sa paligid ng mga palaka—nagsisitakbuhan mula sa mga halimaw. Hindi ko masabing zombie ito dahil may kaliksian at kahabaan ng kamay.
Sa ibang bahagi naman ay nakaririnig kami ng mga putok ng baril at mga pagsabog. Mga maiitim at makakapal na usok ang nagsasayawan papuntang kalangitan.
Ano ang mga ito? Saan ito nanggaling? Bakit may ganito?
Ano ba talaga ang nangyayari sa mundo?
)()(
Nagawa naming tumakbo nang matagalan sa suot na pants at nadungisang yunipormeng pang-eskwelahan. Kahit paano ay nakakaiwas kami sa mga halimaw dahil kapag nakakuha ito ng kaniyang prey ay matagal itong kumain. Sa aking tantsa, nasa fifteen minutes bago nito simutin ang buto ng tao at walang itinitirang laman.
"Saan tayo pupunta?" monotonong tanong ko.
Humigpit ang kaniyang hawak sa aking pulsuhan.
"Safe-zone sa District 19," suhestyon ko. Sa kaniyang reaksiyon ay tumatakbo lamang kami ng walang direksiyon.
Napahinto siya kaya huminto rin ako.
"S-sigurado ka ba diyan?"
"Hindi, pero narinig ko kanina sa usapan ng lalaki sa kaniyang cellphone," tugon ko.
Sinuri niya ang sa paligid.
"Papunta itong District 7, salungat sa direksiyon natin ang District 19," pangunguna ko na bago pa niya tanungin.
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin, "P-paano mo nalaman?" tapos sinuri niya ang katawan ko... sa tingin ko ay hinahanap niya kung may mapa ba akong dala o compass.
Saktong lingon ko sa kanan ay isang pawnshop. "Minsan na kaming pumunta sa pawnshop na 'yan kaya alam ko ang lugar na ito."
"P-pero, ang mga halimaw ay galing dito sa District 8."
May padating na sasakyang militar sa harapan namin kaya kaagad kaming gumilid. Habang ang iba naman ay nabangga, kabilang ang ibang ghoul pero hindi ito nag-abalang tumigil o maghinahon man lang ng pagmamaneho.
"Ano'ng ginagawa ng gubyerno natin? Bakit parang--"
"Inaabando na ang mamamayan. Magigi lamang tayong palamunin at pabigat sapagkat kailangan pang protektahan," pagputol at tuloy ko sa kaniyang sasabihin.
Muli kami nakarinig ng putok ng mga baril at iyon ay galing sa dumaang sasakyang militar.
"Tama, safe-zone nga sa District 19. Hindi sila pupunta sa direksiyong iyon kung hindi doon ang safe-zone." Pagkatapos niya magsalita ay muli niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo na kami sa direksiyong iyon. Kung saan pabalik naming sasalubungin ang mga ghoul.
Ang 8 ay malayo sa numerong 19. Madaming enerhiya at oras ang makokonsumo namin sa pagtakbo. Hindi lamang iyon, kundi kailangan din naming protektahan ang sarili mula sa mga halimaw.
At kapag narating nga namin ang 19, sigurado bang safe pa rin doon?
Ang pinakamalaking tanong, "Papapasukin kaya kami?"
}
}mvcabusas{